Chapter 4

836 11 7
                                        

[Channel's POV]

Bakit ba ako nagpapakatanga sa isang lalake na 'to? 

Bakit ba pilit ko siyang pinagtitimpla ng Milo tuwing broken hearted siya? 

Bakit ba ako nananatili sa tabi niya even if my heart's getting crushed every time?

Bakit ba? Bakit nga ba ako nasasaktan?

Four years. Pare, ako na talaga ang winner!! XD

I've been secretly in love with him for four years. I don't even know why I'm being so stupid like this when there are other guys who can love me back the way I wanted to. =\

You know what's hard about falling in love with a best friend? It's because when you both fall in love with each other and break up right after, your friendship will fall apart too. Kaya ayokong magsalita kasi... ayokong 'tong friendship namin mawala. 

Ni-anino ng best friend mo, hinding-hindi mo na mararamdaman. Pero ilang beses ko nang sinampal-sampal 'tong puso ko eh, ilang beses ko nang sinabihan na "bawal ma inlove kay Migo!" pero stubborn siya eh. 

Ayaw makinig eh. Suwail! >.< Kahit haggard na, sige pa! Baliwag! >w<

Kaya kahit ilang beses na akong masaktan, okay lang

Kahit ilang beses na ako umiyak dahil sa kanya, okay lang.

Kahit ilang beses na kong nagtry mag move on at hindi umubra, okay lang.

Ganun naman diba pag mahal mo ang tao? Kahit sinasaktan ka na ng sandamakmak, OKAY lang.

Sana nga hindi nalang Channel pangalan ko, no? Sana OKAY nalang pangalan ko. Edi mas masaya! >.<  

Oo na, ako na ang DAKILANG MARTIR ng bayan!

Ang DAKILANG Ms. OKAY! :P

Pero ganun naman talaga kasi eh... unconditional. 

Mahal ko si Migo hindi dahil best friend ko siya, hindi dahil gwapo siya, hindi dahil talented siya at lalong-lalo na hindi dahil sa magaling siyang maggitara.

Mahal ko si Migo dahil siya ay si Migo. 

Kailangan ba talagang magkaroon ng katibayan kung bakit natin mahal ang isang tao? E sa mahal ko siya e. Buti kung ikaw 'yung nagmamahal sa kanya, e ako naman e. :P

Haha. Ayan, nahawa na ako sa pagkapilosopo niya. 

Alam niyo ba, kung bakit gustong-gusto ni Migo ang Milo? 

Dahil ako tumitimpla. Alam kong isa akong konkludista, pero... nagpapasalamat na din naman ako at ganun ako e. Sa mga mata niya, sa mga kilos niya, alam kong hindi dahil sawi siya't nagustuhan niyang uminom ng Milo. Gusto niyang uminom nito dahil ako ang tagatimpla. 

Bwiset naman, kung makaassume ako, wagas! Haha. 

Alam ko namang hindi ganun ang rason, nagddaydream lang ako! Libre naman diba? :P

Pero kung sakali nga naman... kung baka sakali lang... at nagbabakasakali lang... sana nga ganun nalang ang rason. 

Kasi alam niyo, ang Milo na 'yun ay hinaluan ko ng sariling sikap at pagmamahal ko na kahit kailan man ay hinding-hindi, hinding-hinding-hinding-hindi niya mapapansin... :( 

Mahal kita, best friend!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon