"O ayan, talo mo pa si Kim Chiu kung makaiyak. Emotero!"
Nilagay ni Channel ang mug sa may counter nila pagkatapos tumingin siya sa akin. "Bakit nga ba?"
She was asking me kung bakit nga ba nakipaghiwalay sa akin si Jess. I shrugged. Alangan namang sabihin ko na, 'hey dahil sayo!' ampanget naman yata, diba?
"She got tired of our relationship." Safest answer ever.
'Yan naman talaga diba? Kung hindi siya napagod, edi hindi niya nagawa 'yun.
Napatingin ako ng matagal kay Channel.
I saw her bangs falling to her hair, naloosen up siguro sa clip niya. Napansin ko, maganda pala talaga 'tong best friend ko.
She has a cute cheekbone structure na parang chubby cheeks, pagkatapos hindi naman siya gaano ka payatot at hindi naman mataba, 'yung tama lang.
She has thin lips and they were a bit pale.
Kulang ng vitamins o dahil sa stressed siya at anemic?
For a split moment, I wished we never looked at each other that way.
It was like some sort of magic spell, something in that span of time started beating and I don't know what it is.
We were both spacing out, but the moment we realized it, she broke the ice.
"Nako! That's so yesterday. Alam mo, sige lang. Mahahanap mo talaga ang para sayo, Miggy. Baka... nasa paligid mo lang, diba? Malay mo."
Tumalikod na siya pagkatapos dumeretso siya sa may water dispenser nila. Kumuha siya ng baso niya, siyempre 'yung Pink Panther na mug niya, favorite niya 'yun eh.
Loko-loko 'yun sa pink, kulang nalang mukha niya maging pink pati pangalan. Haha.
While she was getting her mug full tanked, I asked her something. Something I never expected that would come from me.
"Paano kung tayo nalang, Chan?"
I think my question surprised her since that she didn't notice that her mug was already full that water started overflowing.
The moment she noticed it, tumawa siya agad. 'Yung parang kinakabahan.
"Nako, Miggyboy... pagtrippan mo ba naman ako! Alam mo ikaw, ubusin mo na nga 'yang Milo mo at magpahinga ka na. Pupunta lang muna ako sa kwarto ko. Sige."
Umakyat na siya tapos naiwan akong nakaupo sa may bar counter nila banda.
Tumingin nalang ako sa Milo ko.
Ano ba ang meron sa Milo at palagi kong hinahanap 'to tuwing sawi ako?
Hindi kaya... ang tumitipla nito ang talagang hinahanap ko at hindi mismo ang Milo?
SIRA ULO ka, Migo.
Dinamay mo pa si Channel sa kalokohan mo.
