Kabanata 1

3.3K 36 0
                                    

             KABANATA  1.

nagising ako na wala saaking tabi si ate almira, kaya tinawag ko siya sanay kasi akong ginigising nya, nasaan kaya ito. Lumabas ako ng silid at nadatnan ko si tiya lucita ang kapatid sa ina ni tatay masungit sya balo na ito pero may on
dalawang anak na babae ang isa ay mas matanda saakin ng dalawang taon si ate Belenda at ang bunso ay si Klara na matanda saakin ng apat na buwan pero klara lang tawag ko sakanya masungit ang mga ito.

"Magandang umaga po tiya, nakita nyo po ba si ate almira?".bungad ko rito.

"Ang aga aga ay hinahanap mo sakin ang kambal mong palaka!".pabulyaw nitong sabi.

"Di naman po siya palaka eh",mahina kong sabi. At tumalikod para hanapin si ate ng diko sinasadyang mabunggo si ate belenda.

"Buwisit kang bata ah, wala ka yatang mata at dimo nakita ang tulad kong diwata!",mataray na saad nito.

"Eh pasinsya na po ate, diko naman sinasadya",hinging paumanhin ko rito.

"Tatanga tanga ka kasi, umalis kana nga diyan!",taray pa nito sabay hawi saakin ng malakas kaya muntik naakong matumba. Diko na lang iyon ininda at lumabas na lamang ako para hanapin si ate,
Hanap doon hanap dito, tawag doon tawag dito halos umabot na sa kabilang bukid ang pagtawag ko ngunit walang ate na nakita at sumagot. Kaya umiyak ako ng umiyak sa sala.

"Hoy palaka ka!, hwag ka ngang umiiiyak jan at baka ano pa ang isipin ng mga kapit bahay".bulyaw saakin ni tiya habang nasa likod nito ang dalawang kampon na nakangisi.

"Linayasan kana ng ate mo aliana",ani ate belenda

"Oo nga, kawawang aliana wala ng ate".tumatawang saad ni klara tumawa silang tatlo kaya lalo akong napaiyak.

"Hindi yan totoo!, di ako iiwan ni ate kasi nangako sya saakin!"..wika ko

"Talaga?, eh bakit wala na sya?",belenda

"Oo nga".klara

"Kasi umalis na sya kagabe pa nakita ko syang tumakbo palabas di manlang ba nagpaalam sayo?, ang sama naman nya!".ani tiya lucita.

"Hindi nya gagawin yon di ako iiwan ni ate".umiiyak kong wika

"Bahala ka kong ayaw mong maniwala",turan ni ate belenda sabay halakhak na sinundan pa ng dalawa at pumasok na sa loob pakiramdam ko mga diablo sila.

Hindi ako naniniwala na iniwan ako ni ate, noon yon pero sa paglipas ng limang taon na wala paring ate na nagpaparamdam at nagpapakita saakin ay tsaka ako naniwala na iniwan niya ako, pinabayaan nya akong magdusa rito, oo nag aaral ako pero kapalit non ang paninilbihan ko sa mag iina na kunting pagkakamali ko lang ay sasaktan agad ako, kapag may mga kasiyahan sa school ay di ako pweding sumali, kahit ang pag aaral ng lessons ko ay patago buti nalang at sadyang kasing utak ko si Jose Rizal. Kaya lagi ako ang nangunguna sa school at sa tuwing sasabitan ako ng medalya hinihiling ko na sana dumating si ate, ngunit kahit ganon umaasa parin ako na sana sa graduation day ko sa koliheyo ay dumating si ate dahil gagawin ko ang lahat na ako ang maging suma cumlaude, pero ang lahat ng paghihirap ko sa pag aaral ay pakiramdam ko walang saysay dahil sa araw ng graduation kong saan suot ko na ang toga at nakaupo sa pinakaunang upuan dahil ako ang suma cumlaude ay walang ate na dumating hanggang sa tinawag na ako sa stage para magsalita ay wala akong nakita na ate.

"Magandang araw sainyong lahat, marahil ay napakasaya b
Ninyong lahat maliban saakin na kahit ako ang suma cumlaude ay di masaya dahil ang mga paghihirap ko sa pag aaral para maabot to ay walang saysay sapagkat ang taong gusto kong pag alayan nito ay inabandona ako, iniwan ako habang natutulog, isa syang walang kwentang tao dahil hindi nya tinupad ang pangako nya saaming ama na di ako iiwan,pinabayaan nya akong maghirap ng mag isa. Pero nagpapasalamat parin ako sa kanya dahil hindi ko ito maaabot kong di dahil sa pag asam na sa araw na ito ay sya ang magsasabit saakin ng aking medalya, ngunit nawala iyon dahil di sya dumating at pagdating ng araw sisiguradohin kong pagsisisihan nya ang pang iiwan saakin dahil ipapamukha ko sakanya ang dinanas kong paghihirap!,at kong paano ang umasa ng matagal ang mag aral na ang kapalit ay puro paghihirap sa loob ng impyernong bahay,at yon lamang po salamat"..umiiyak ako ng sabihin ko iyon at habang isinasabit saakin ang aking mga medalya ay may galit akong nakimkim sa dibdib. Kong di nya ako nagawang balikan puwes ako ang hahanap sa kanya at isusumbat ko sakanya ang paghihirap na aking dinanas hindi ko siya mapapatawad kahit pa magkarugtong ang aming mga laman at dugo!,
Oagkatapos bg araw ng pagtatapos ay umalis naako sa poder ng mga tatlinv diablo, tapos na anv paghihurap ko at pagpapakumbaba sa kanila ngunit kahit papano ay malako ang utanv na loob kp sakanila dahil sila abg nagpaaral sakin kahit pa punagtatrabahuan ko iyon. Luluwas ako ng maynila!,

Ang Kambal Aliana At Almira.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon