Ang kambal Aliana at Almira

5.7K 77 5
                                    

            PROLOGO:

"Kailangan natin ng Pera para sa kapanganakan mo, kaya itigil mo mona ang pagsusugal magda".malungkot na pahayag ni mang Swelo sa asawang nagdadalantao ngunit di parin maawat sa pagsusugal.

"Alam ko swelo,pero anong magagawa ko eh naglilihi ata ako",paliwanag naman ni aling magda.

"Naglilihi?, aba sa simula palang ng dika pa nagdadalantao eh ganyan kana".mang swelo

"Oh eh di sige, titigil na sabi mo eh, kaya tama na ang daldal daig mo pa ang patak ng ulan sa bilis at dami ng iyong salita ah".naiinis ng wika ni aling magda sabay tayo,sasagot pa sana si mang swelo ng biglang mapaupo ulit si aling magda habang sapo sapo ang tiyan.

"A-anong nangyayari saiyo magda?",nag aalalang tanong ni mang swelo habang nakahawak sa asawa.

"Para kang hari sa katangahan, dimo ba alam na baka manganganak naako?".sigaw ni aling magda.

"Aba oo nga pala,sandali lamang at tatawagin ko si nanay karing ang kumadrona"..ani mang swelo sabay takbo sa labas singbilis ng kidlat. At makalipas ang ilang minuto ay bumalik na ito kasama ang may katandaan ng babae.
Inihiga nila si magda sa silid at inayos ang mga kagamitan, at pagkatapos ay sinimulan na ang pagpapaanak kay magda,
Habang si mang swelo ay tahimik lang na na nakahawak sa kamay ng asawang babae, nagdarasal sya.
Makalipas ang tatlong oras ay iniluwal ang isang batang babae na malusog, tuwang tuwa ang mag asawa ngunit nagulat silang tatlo ng isa pang bata ang lumabas babae rin ito, parang iisa talaga ang hitsura ng dalawang bata, ngunit kasabay ng pag iyak ng dalawang bata ay ang pagtulo ng luha ni aling magda ay ang pagpikit ng mga mata nya na kailan man ay dina mumulat pa, parang pinagsakluban ng buong planeta ang pakiramdam ni mang swelo dahil sa pagpanaw ng asawa, kapalit ng buhay ng dalawang bata. Ngunit imbis na magalit sa mga bata ay mas lalo pa nyang minahal ang kambal dahil iniisip nyang ibinuwis ng kanyang asawa ang buhay nito para mabuhay ang kambal kaya di niya ito sasayangin,
Ngayon nga mabilis na lumipas ang labing limang taon na itinaguyod nya ang kambal na ubod ng gaganda parang namumukadkad sa kagandahan.lahat ng mga pangangailangan ng mga ito ay ibinibigay nya.
Ngunit isang pangyayari ang di inaasahan,namatay si mang swelo ng biglaan kaya ang kambal ay hindi lang isang drum ang iniluha.
At sa pangyayaring iyon ay nagbago ang lahat sa kambal, lagi na silang nag aaway, lalo na nang maglayas si Almira ang unang lumabas sa tiyan ng kanilang ina, iniwan nya sa kanilang tiyahin ang kambal na si Aliana,habang ito ay natutulog sa kanilang silid. Iniwan nya ang sulat kay tiya lucita upang ibigay kay aliana pagkagising nito.

"Bakit ka aalis almira?",anang tiya lucita ng ibigay ko ang sulat sa kanya.

"Kailangan kong makipagsapalaran tiya lucita".tugon ko habang umiiyak.

"At iiwan mo ang kapatid mo sa poder ko!?, aba almira mahirap ang buhay ngayon kaya ayoko ng palamunin",mataray na pahayag ni tiya lucita.

"Kaya nga po ako aalis dahil maghahanap ako ng trabaho para maipagpatuloy ni aliana ang kanyang pag aaral,pangako tiya lagi po akong magpapadala ng pera basta alagaan nyo lang po sya at hwag nyo po syang sasaktan bibigyan ko po kayo ng sahod para sa pagbabantay kay aliana".mahaba kong pahayag habang umiiyak.

"Sige pero siguradohin mo lang ah",tugon nito

"Si-sige po tiya aalis naako, susulat nalang po ako". At patakbo naakong umalis, parang dinudurog ang aking puso sa sobrang sakit na iwan ang aking kambal. Pinapangako ko na babalikan ko sya kapag nakaahon naako...ngayon di ko alam kong saan ako tutungo para akong sibat na walang direksyon kong saan tatama Dios na ang bahala saamin ni kambal.

Ang Kambal Aliana At Almira.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon