Kabanata 4:

2.8K 51 5
                                    

             KABANATA  4.

Abalang abala ang mga doctor sa ginagawang operasyon, nasa kaliwa ang ang nagdonate nasa kanan naman ang ooperahan. Kanya kanya silang gawain, naaawa sila sa dalawa, ngunit kailangan nila itong gawin para mailigtas ang buhay ng isa,..

MAKALIPAS ANG ISANG BUWAN...

Nagising ako sa mahihinang usap usapan, ngunit diko maintindihan kong ano ang pinag uusapan nila kaya dahan dahan kong iminulat ang aking mga mata at ang una kong nasilayan ay ang kulay puting kesame,dahan dahan kong inilibot ang aking paningin at ang nakita ko ay si tiya lucita at klara...marahil ay napansin ni klara na gising na ako kaya kinalabit nito ang ina na nakatalikod saakin.

"Aliana buti at gising kana!",,nagmamadali itong lumapit saakin.

"Oho". Mahina kong tugon

"napano kaba iha?".

Nagtaka ako sa inasta nya.

"Ah hindi ko po maalala"..dina nila kelangan pang malaman.

"Ah ganon ba, kamusta na ang pakiramdam mo?"..anito

"Ayos na ho".

Bigla itong kinalabit ni klara...
At nang tumingin saakin ay alanganing ngumiti...

"Ah aliana di na ako magpapaligoy ligoy pa, lumuwas kami ni klara dahil".ibinitin nito ang sasabihin

"Dahil ano ho?".tanong ko

"Na-nasa ospital kasi ang ate belenda mo kapanganganak palang, tapos sabi ng doctor eh kailangan nya raw maoperahan kaya lang hindi sapat ang pera namin, kaya manghihingi sana kami sayo ng kahit kunting tulong eh balita ko super visor kana pala sa isang kilalang kompanya kaya sigurado akong may pera ka aliana"..mahabang salaysay nito napaiyak ako hindi dahil sa nasa ospital si ate belenda kundi dahil kahit kailan ay di ako maaawa sakanya, umiiyak ako dahil sa galit na nabuo saking sestema na parang ulan na bigla nalang bumuhos, napaayos ako sa pagkakaupo.

"Yan lang pala ang ipinunta nyo tiya, papano nyo pa nagagawang humingi saakin ng tulong pagkatapos ng mga ginawa nyo?!",may riing wika ko.

"Anong ibig mong sabihin aliana, alalahanin mong ako ang nagpaaral saiyo!"..pagalit nitong wika

"Ikaw?,o si ate almira?, sya ang nagpaaral saakin sa pribadong paaralan pati sa dalawa nyong anak hindi ba?"..napaatras ito sa sinabi ko.

"Ang kapal ng mukha mong sabihin yan!, si mama ang nagpaaral saamin at saiyo na walang utang na loob!",sabat ni klara

"Ah talaga?, bakit dimo itanong kay tiya?",,tugon ko
Napatingin ito kay tiya lucita

"Saan mo naman napulot ang mga walang kuwenta mong pinagsasabi?"...matigas na sabi ni tiya

"Saan mo itinago ang mga sulat ni ate para saakin?, sino ang gumagawa ng mga sulat na ipinapadala nyo sa kanya para huminge ng pera?!".sigaw ko habang patuloy na lumalagaslas ang aking luha

"A-anong pinagsasabi mo?, nababaliw kana ba?, hindi ko akalain na pagkatapos kitang tulungan na makatapos ay magiging ganyan kana, naghirap akong pag aralin kayong tatlo tapos kunting tulong lang na hinihingi ko ay dimo maibigay?, tulad karin ng iyong ina na walang utang na loob!", umiiyak nitong salaysay.

"Ako pa ngayon ang walang utang na loob?, at isa pa kong kayo man ang nagpatapos sakin pinaghirapan ko yon, pinagsilbihan ko kayo at tiniis ang kalupitan niyo, at huwag niyo idadamay si mama!"..mariin kong wika.

"Ang sama mong bata ka, sana natuluyan kana lang, wala kang kwenta, hayop walang utang na loob"..sigaw pa nito

Sasagot na sana ako ngunit may biglang nagsalita sa tabi ng pinto, isang babae na nakauniporme ng pang nurse may bitbit itong puting notebook.

Ang Kambal Aliana At Almira.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon