Kabanata 3

2.4K 31 0
                                    


                KABANATA  3.

hirap na hirap naako, gusto ko nang magpahinga ngunit diko pa nakikita ang aking kambal nasaan na kaya siya ngayon, di nya ba ako hinahanap o naiisip?, kamusta na kaya sya.

"Miss almira, kakain kana".putol sa pag iisip ko ng nurse.

"Sige salamat Krisel".tugon ko

"Bakit kana naman umiiyak?, makakasama yan sayo",nag aalalang saad nito, maganda sya maputi pero mas maganda ako sa kanya dati pero ngayon wala na ang kagandahan ko nasira na parang mundo dati sobrang ganda pero ngayon unti unti ng pumapanget.

"Naalala ko lamang ang aking kambal". Maikli kong tugon

"Siya nanaman?, mira hwag ka masyadong mag iisip kaya ka lumalala eh".sabi nito

"Diko naman maiwasan eh".

"Hmm sige ikaw bahala, oh sya lalabas naako.".ani nurse at lumabas na, kinuha ko ang isang kulay puting notebook at niyakap ito, dito nakasaad ang mga pinagdaanan kong hirap,pero bakit kaya dipa sumasagot sa sulat ko sa tiya lucita?...


Habang nagmamaneho si aliana pauwi sa kanyang condo ay nagring ang kanyang cellphone. Tiningnan nya kong sino ang tumatawag, si danilo pala ang nasampal nyang lalaki na binabayaran niyang maghanap sa kambal.

"O ano?",bungad ko

"Ma'am may nakuha kaming impormasyon sa presinto na may babae raw na nakulong doon isang taon na ang nakalipas dahil sa pagtutulak ng droga ngunit nasa ospital na raw ito ngayon dahil may malubhang sakit".pahayag nito. Dahil sa sinabi ng kausap ko ay napapreno ako.

"Saang ospital raw?".tanong ko

"Malapit dito sa city jail ma'am".pagkasagot nito ay pinatay ko kaagad ang aking cellphone at pinaandar ang sasakyan patungo sa lugar kong saan naroon ang aking kambal.
Mabilis ang pagpapatakbo ko kaya diko namalayan ang isang palikong truck, pinilit kong magpreno pero huli na ang lahat. Nabangga naako parang ibon na lumipad ang sasakyan ko...

Sa ospital, nagkakagulo ang lahat dahil sa babae na nakasakay sa a mbulansya nanganganib ang buhay nito dahil sa pagkakabangga. Dali daling isinugod sa emergency room ang babae...

Nagising si almira sa di malamang kadahilanan, bakit ako kinakabahan?,naupo ako at binuksan ang telebisyon. Nagkataon na balita ito, isang sasakyan ang basag na basag dahil sa pagkakabangga sa malaking truck, ayon sa driver ay mabilis raw ata ang pagpapatakbo ng driver dahil dina nakapagpreno samantalang sya ay mabagal ang pagliko. Babae raw ang driver na nasa ospital na sa kasalukuyan, nasa bingit na raw ang kalagayan nito... Pinatay ko ang telebisyon bakit ako kinakabahan?... Tama tama namang pumasok si kresil ang aking nurse.

"Almira may kilala kabang aliana?"..dahil sa pagkakabanggit nito saaking kambal ay parang kulog ang pagdagundong ng aking dibdib.

"O-oo, bakit".nauutal kong tanong.

"Kasi nanganganib ang buhay nya ngayon, kailangan  mapalitan ang kanyang puso at isang kedney sa madaling panahon, kawawa nya!".napaiyak ako sa sinabi nya.

"Kambal ko sya kresil".wika ko

"Kaya pala parehas kayo ng apelyedo, ngunit diko nakita ang mukha nya dahil nakabenda". Anito

"Gusto ko syang makita, dalhin mo ako sa kanya".daing ko habang umiiyak.

"Pero baka mapano ka pagnakita mo ang kalagayan nya ngayon".

"Di ako matatahimik kapag diko sya nakita".

"Sige ikaw ang bahala"..ani kresil at inalalayan ako na makasakay sa wheelchair  at dahan dahan nitong itinutulak, umiiyak ako ng umiiyak. Hanggang sa sumapit kami sa isang kwarto nilagyan ako ng mask ni kresil at binuksan ang pinto, bumungad saakin ang isang babae na nakahiga sa kama at naka   oxygen napahagulhol ako sa nasilayan, kawawa ang aking kambal... Lumapit ako sa gilid ng kama at hinawakan ang kanyang kamay sing lamig ito ng yelo. Pinalabas ko mo na si kresil.

"Aliana aking kambal, bakit nangyayari saatin to?, bakit galit ka saakin?, huwag kang susuko aking kambal nakikiusap ako sayo kailangan mong mabuhay di tayo pweding mamatay pareho, marami pa ang magagandang bagay ang naghihintay sayo kaya kahit sa huli gusto kiitang tulungan ang tanging hihingin ko lang na kapalit ay ang mabuhay ka at patawarin mo ako sa pang iiwan ko sayo, tandaan mo ginawa ko yon dahil mahal na mahal kita aking kambal, natutuwa ako na kahit papano ay nakita kita at nayakap, paalam aking kambal sa susunod mag iingat kana ah baka kasi dina kita matulungan,mahal na mahal kita aliana aking kambal sa wakas magkikita nakami nina nanay at tatay".parang ulan ang aking luha habang kinakausap ang aking kambal hinalikan ko ang kanyang kamay at niyakap ng mahigpit.


Ang Kambal Aliana At Almira.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon