Kabanata 5.

2.5K 30 0
                                    


         KABANATA 5.

Sa isang simbahan ay  nakatayo ang isang lalaki na nenerbiyos nakabarong tagalog ito, pakiramdam niya ay dumadagundong ang kanyang dibdib parang gustong lumabas ng kanyang puso habang nakatingin sa babaing dahan dahang naglalakad sa pulang karpet patungo sa kanya, inilibot niya ang paningin nakita niya ang mga kaibigang pulis na nakaupo sa kaliwang upuan at sa kanan naman ay ang ang mga kaopesina ng babaing naglalakad sa gitna, napangiti ako dahil sa wakas natagpuan ko na ang diwatang para saakin at sa isang taon naming magkasintahan sa wakas ay magiging asawa ko na...
Ngayon nga nasa harap ko na siya at sabay na kaming naglakad patungong altar, sabay kaming lumuhod at nakinig na sa bendisyon ng pari at pagkatapos ay ang huling sasabihin nito.

"And now I pronounce you husband and wife, you may now kiss the bride the bride".kasabay non ay ang paghalik ko sa asawa ko, parang asukal ang tamis ng kanyang labi, at pakiramdam ko ay nakalutang kami sa ulap, kumislap ang mga kamera ng mga tao at nagpalakpakan. Naglakad na kami palabas at bawat daanan namin ay sinasabuyan kami ng mga bulaklak at bawat isa ay bumabati.

"Congratations Mrs. Almira at Mr. Aldrin, mabuhay kayo!".

  

                 WAKAS...

Ang Kambal Aliana At Almira.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon