KABANATA 2.
halos madurog ang kanyang puso sa sakit na nararamdaman habang nakikinig sa babaing nagsasalita sa taas ng stage, gusto nya itong puntahan at yakapin at sabihing di totoong inabandona sya, ramdam na ramdam nya ang sagad sa Butong galit at paghihinagpis nito sa bawat katagang binibitawan. Paanong galit ito sakanya samantalang tatlong beses silang nagsusulatan sa isang buwan?,sobra ba talaga itong nagtampo sa pang iiwan nya?, sobra nya itong gustong mayayakap ngunit dahil sa mga sinabi nito ay nag alangan syang lumapit. At kailangan nya nang umalis sapat na ang makita nya itong nakapagtapos sa pag aaral lahat ng paghihirap nya ay nagkaroon ng saysay dahil nakapagtapos ito at ngayon nasisiguro nya ang maganda nitong buhay, lumapit na sa kanya ang tatlong nakauniporming lalaki at inalalayan na syang pumasok sa sasakyan. Masaya na sya para rito. Pero sana mapatawad sya nito kahit di na niya makausap.umalis na ang sasakyan.
1 YEAR AGO...
Habang si aliana ay nakaupo sa swivel chair na nakaharap sa dalawang tao ay naiinis na nakikipag usap, isa na syang super visor sa isang malaking kompanya.
"Ang tagal nyo nang naghahanap pero wala parin kayong matinong ulat tungkol sa kanya, aba sinasayang niyo lamang ang aking pawis!"..saad ko sa dalawang lalaki na kinuha ko para hanapin si ate almira.
"Eh wala talaga ma'am eh,pero may isang babae na tinanong namin at ipinakita sa kanya ang litrato ni almira ang sabi nya pamilyar daw ang mukha at parang nakatrabaho raw nya sa isang bahay aliwan"..dahil sa pahayag ng isa sa dalawang lalaki ay nasampal ko ito.
"Baliw kaba?, di gagawin yon ng kambal ko!",.sigaw ko rito.
"Eh ma'am yon po kasi ang sabi nong babae".tugon nito
"Baka kamukha nya lang, sa susunod hwag kayong magpapakita saakin kapag wala kayong matinong ulat"..naiinis kong turan.
"Sige po ma'am, aalis na kami".saad ng dalawa di na ako sumagot kaya umalis na ang mga ito.
Napahimas ako sa aking sintido, kaya nagpasya akong bumaba at magtungo sa isang Kainan ngunit nang nasa ground floor naako ay may babaing biglang lumapit saakin at umakbay pa.kaya nagulat ako.
"Sino ka?, at bakit para kang linta kong makadikit sakin?".diko napigilan ang magtanong.
"Ang galing mong magbiro almira ah".tugon nito ng nakangiti, bigla akong napahinto sa paglalakad kaya ganon din ito.
"Almira?, kilala mo sya?".tanong ko rito."Ano kaba almira nabura ba ang iyong ala ala?,at bakit ka nakapang opesina?".nagtatakang tanong nito
"Dito ako nagtatrabaho at di ako si almira"...tugon ko
"Ahy nako almira sa tagal nating magkaibigan at magkatrabaho eh di mo ko maliligaw, pero saan kaba nagpunta at nawala ka ng matagal?, alam mo bang dito nagtatrabaho ang mister ko?, nakatiyamba din sa awa ng panginoon, eh ikaw ba kamusta kana ngayon?". Mahaba nitong pahayag. Niyaya ko syang maupo sa gilid.
"Makinig ka babae, hindi ako si almira, ako si aliana kambal niya, at hindi ko alam kong nasaan na sya ngayon kaya maaari mo bang ikuwento saakin kong paano mo siya nakilala?"..paliwanag ko rito
"Kong ganon ikaw yong pinapaaral niyang kambal sa probinsya?".tanong nito kapagdaka
"ang inabandona at pinabayaan niyang kambal",puno ng hinagpis kong turan
"Hindi ka nya inabandona at lalong hindi ka niya pinabayaan aliana, dahil nong dumating sya rito ay ako agad ang nakilala at naging kaibigan niya, humingi siya saakin ng tulong na makahanap ng trabaho ngunit dahil sa hindi naman sapat ang kanyang pinag aralan ay katulong ang kanyang pinasokan at ako naman ay sa bahay aliwan ayaw nya kasing doon magtrabaho, ngunit ng sumulat sya sayo at magpadala ng pera ay sinabi mong sa pribadong paaralan mo gustong mag aral kaya naisip niyang di sapat ang kanyang sahod para mapag aral ka roon, at sa kagustuhan nyang mapag aral ka roon ay napilitan syang magtrabaho sa bahay aliwan sa gabi. at sa araw naman ay katulong kayod kabayo sya dahil lagi kang sumusulat at humihingi ng pera ngunit kelan man ay di sya nagreklamo dahil mahal ka niya at gusto ka niyang mapatapos, minsan nga umuuwi syang may pasa sa mukha kagagawan daw ng kostumer nya, ngunit nong sumulat ka sa kanya na kailangan mo ng malaking pera para sa pagtatapos mo ay naging balisa sya at diko namalayan na umalis sya at mula noon ay diko na sya nakita,kaya nga abot langit ang tuwa ko ng makita kita rito akala ko kasi ikaw si almira",,,at dahil sa mga sinabi nito ay ang sikip sikip ng dibdib ko habang umiiyak.
"Kong ganon ay di niya pala ako inabandona?,at paanong sa pribado ako nag aaral?,at hindi ako sumulat ni isa man dahil di naman siya sumulat saakin,kaya paanong humihingi ako ng pera? na nagtapos ako dahil sa sarili kong sikap at hirap!, kaya alam kong nagsisinungaling ka lang!",,,pahayag ko rito sabay takbo, akala nya maloloko nya ako?, ni isang sulat ay wala akong natanggap mula sa kambal ko kaya di ako naniniwala. Iyak ako ng iyak habang pabalik sa opesina diko pansin ang mga taong nakakasabay ko.
At pagkarating ko sa loob ay sumigaw ako ng sumigaw sa galit at paghihinagpis, naguguluhan ako!,,,
BINABASA MO ANG
Ang Kambal Aliana At Almira.
Storie brevi"Aking kambal kahit sa huling pagkakataon ay tutulungan kita, at tanging hinihingi kong kapalit ay ang mabuhay ka at mapatawad mo ako, paalam aking kambal mahal na mahal kita". Ang sakit isipin na pinaghirapan mong maibigay sa kanya ang lahat pero m...