2 💔

51 2 0
                                        

Naging moody kana rin ba? Moody, I mean, minsan parang di mo trip magsalita. Yung gusto mo ng tahimik lang. Or kahit na may maingay sa tabi mo, as long as di ka nila kinakausap e okay lang?

Minsan kasi ganun ako. Di ko gusto na may kakausap saken or makikipag kwentuhan pag "me" time. Yung mga pagkakataon na gusto ko lang na tahimik ang mundo ko. Naku, don't you dare bugging me, subukan mo kong kausapin, baka mag beastmode lang ako. Hahaha. Well ganun talaga. Daig ko pa nga ang buntis kung magka mood swings ako.

Ngayong araw, naging masaya naman ako kahit paano. Masayahin kasi yung mga taong nakasama ko, pansamantala, nakalimot ako. Nakalimot sa mga ineemote ko kahapon. Daig pa ng mga to yung mga bangag e. Hahaha sobrang mga baliw lang.

Pero pag uwi ko, ganun na naman. Bumalik na naman ako sa pagiging tahimik. Ayaw ko talagang may kumakausap saken. Kung may isang trait ako na gusto kong mawala saken, siguro eto na yun. Napaka walang kwentang ugali lang. Maski ako nahihirapan pag nagkakaganito ako e.

Di ko lang sure kung pano ko nakuha tong bitchesa mode ko. Dati naman, halos sobrang happy-go-lucky lang talaga ako e. Ni hindi nga ako marunong magtanim ng galit. Always happy, always smiling, sumimangot man ako, maya maya tatawa na naman.

...

Til now, I'm still waiting in vain. Waiting for that someone to notice me, even it looks so impossible at all. Bakit kailangan kong magpaka tanga ng ganito no? Minsan naiisip ko, andami dami naman jang nagpapakatanga para saken (wow! hahaha). Bakit di ko subukang pumansin sa kanila, baka sakaling magka something..

BAKA SAKALI...

Ang hirap lang sumugal. Sumugal sa isang bagay na walang kasiguraduhan. Sa pagpapaka martir ko kasi sa kanya, sure ako e. Sure akong gusto ko sya. Di lang ako sure kung sino talaga gusto nya. Hehe.

Phil 4:13
"With God, All things are possible."

Isa din yan sa pinanghahawakan ko. Nagpapalakas ng loob ko pag minsan ramdam kong, sobrang hina ko. Sobrang nasasaktan at pag sobrang nadedepressed.

Sa buhay natin, masarap yung may isa kang taong nasasandalan, yung taong napagsasabihan mo ng lahat ng insecurities mo, lahat ng failures mo sa buhay, at lahat ng achievements mo.

Someone who understands what you are going through. Someone who brings out the best in you. In short, a bestfriend. Ako kasi, parang wala...na? Hehe. Sobrang layo ko kasi sa mga tropa ko e. Dito naman samin, halos wala ako ganong friends. Puro bata pa mga nakakasama ko. Looooner!!!

Kaya nga minsan, I thought that having a boyfriend could ease the longing I feel for having someone to lean on. Akala ko pag nagka jowa ako, matutupad na yung pangarap kong may palaging masasabihan ng mga pag iinarte ko. Pero mas nakakalungkot pala kung sya mismo e nagsisikreto sayo diba? Nakakawalang gana. 😪

Ganun din naman yung naging ka close ko date dito samin. Sobrang saya kasi parang nahanap ko na yung long lost sister ko from another mother. Ganun kasi mga description pag #sistergoals eh haha. Recently, I found out na may sinisikreto pala sya saken. It hurts kasi I was honest with her, but all along, niloloko nya lang pala ako. Ang hirap na tuloy mag tiwala. Nakakasawa ding ibigay yung tiwala mo sa taong baka di nya naman din deserve na pagkatiwalaan.

Maybe yan ang reason why I suddenly developed this attitude problem of mine. Nagsawa na. Napagod na.

...

Sa pagmamahal, dalawang bagay yan. Pwedeng happy or sad ang ending. But as long as masaya ka sa ginagawa mo, as long as wala kang tinatapakang ibang tao, GO LAAANG! Push lang ng push bes! Walang masamang magmahal, ang masama e yung mahal mo nga tapos wala ka pang ginagawa. Pano kung mahal ka naman din pala nya, parehas lang kayong naghihintayan? Sakit nun beshie.

Kung madiscover mo naman na di ka nya mahal, tanggapin mo ha. Parte ng pagmamahal ang masaktan; kasi di ka matututo kung di ka magkakamali. Kung masyadong perfect na ang buhay mo, wala ng thrill! Kakabagot kaya yun! Gawin mong exciting ang buhay mo kasi nga, You only live once. ☺️

Gawin mo yung mga bagay na makakapag pasaya sayo, no matter how hard it is, how painful, as long as you know there's something you can get from it.

Happiness. Lifetime of happiness. Maybe a little complicated, but still, you know you're happy with what you are doing.

Yung tipong pag tanda mo, pag maaalala mo yung mga pinaggagagawa mo nung kabataan mo, matatawa ka nalang. Sasabihin mo pa, hala nagawa ko pala yun? Grabe naman. Hahaha.

Or pwede din namang ganito. Wala kang masayang memories na maaalala kasi di ka nagtake ng risk. Hindi ka umalis sa comfort zone mo. Masyado kang nag playsafe. Booorriiingg! 😪

O diba. Dalawa lang talaga. Either you choose path #1 or the other way around. Just follow your heart, and live your life to the fullest!

☺️☺️☺️

Minsan talaga...Where stories live. Discover now