1 💔

79 3 0
                                        

Naubos ang araw ko na wala lang. Walang special na nangyare sa maghapon ko, nakatulala, umalis nga kanina pero parang wala pa rin. Di tulad dati na sobrang nakakaexcite lagi ang kinabukasan kasi alam mong makikita mo sya, or magtetext sya sayo. Yung super kilig to the bones lagi pag kinakausap ka nya, pag hinihintay ka nya sa paglalakad nyo sa labas, sasabayan ka nya, ganun.

Sana di na matapos tong araw na to, sana lagi kitang katabi. Sana palaging masaya. Pero posible ba yun? Puro saya lang? Syempre hindi. Kaya heto tignan mo, NGANGA!

Maghapon kang naghihintay na BAKA SAKALI, maalala ka nya. BAKA SAKALI na magparamdam sya sayo. Pero wala. As in wala talaga.

Minsan maiisip mo nalang, ah baka busy sya. O baka may ginagawa sila ng mga friends nya kaya di sya makahawak ng cellphone nya. Pero hello! Sa pagkakakilala ko sa kanya, palagi nya kayang hawak yun. Palagi syang may katext or ka chat. Palaging nagriring phone nya.

So ano ibig sabihin nun?

Olats ka beshie. Di ka talaga nya type. Asa pa more kumbaga.

If you'll ask me where he is, well, he's somewhere out there. In a place where his heart truly belongs. (Drama Queen)

Minsan di ko mapigilang magselos, kahit wala naman akong karapatan, nakakaselos kasing isipin na tyak may mga kasama syang babae na magaganda, mga sexy, yung tipong trophy gf ang datingan. Let's be honest, halos karamihan ng mga gwapong lalaki ngayon, or kahit yung mga todo sa sex appeal ay physical appearance muna ang tinitignan.

Maputing legs, check!
Sexy coca-cola body, check!
Magandang fes, check na check!

Iilan lang yung alam kong guy na sa ugali muna tumitingin, yung sa attitude naiinlove. At yung mga kakilala kong ganun, sad to say, mga taken na. Haaay. Life is so unfair. Pero sabi sa Ecclesiastes 3, There's a time for everything! So habang di ko pa time, window shopping na lang muna diba. There are still many fishes in the sea. Hahaha.

For now, sya nalang muna ang gagawin kong inspiration. Kasi aminin naten, na kahit gano pa kasakit tong nararamdaman natin, we choose to love. We choose to stay inlove, kasi nakakagaan naman talaga ng pakiramdam eh. Nakakagana magtrabaho pag may nagmomotivate sayo, at higit sa lahat, nakakatanggal ng stress, para kang laging nasa cloud nine! Woooo. Ang adik lang talaga.

......

So yun nga, ilang araw na rin akong ganito. Ilang araw na akong nag-aalala. Kasi yung mga araw na yun, kahit isang araw man lang, hindi nya nagawang magparamdam.

Syet. Hindi pa ba ako natatauhan? Wala talaga syang feelings! Haaay. Bakit ba kasi ganun? Kung sino pa yung ayaw tayo, dun pa natin pinagsisiksikan yung sarili naten. Kung sino yung gusto naman tayo, ayaw naman natin.

Minsan naiisip ko, siguro ganitong ganito din yung nararamdaman nung nanliligaw saken. Humohopia din sya. Pero atleast, honest ako sa kanya. Sinabe kong di pa ko ready. And alam ko na gusto nya ko. Samantalang sya, HINDI NYA ALAM! Hindi nya siguro alam na may nagpapakatanga sa kanya.

Alam mo yun, di naman sya kagwapuhan, pero pag tinitignan ko sya, parang natutunaw yung puso ko. I want to hug him. I want to tell him how much I care, how much I miss being with him, and how much he means to me. But I couldn't. I don't even have the right to do so.

I feel so worthless. Slowly dying inside. Physically present nga ako dito sa office pero emotionally drained and mentally stressed naman ako, so parang absent na din. And ang masaklap, dahil pa sa taong yun! Sa taong walang ibang alam kung hindi ang maging friend sa akin.

Sana mauntog ako. Minsan naiisip ko siguro kailangang may sumuntok sakin ng malakas, yung tipong kaya akong gisingin sa katotohanan na kahit ano pang gawin ko, ang You and Me against the World ay isa lamang panaginip. In short, hindi kailanman mangyayare.

......

The last time I felt this, mga 4 years ago siguro? Ang tagal na pala. Sabi nga ni Bea Alonzo sa movie nyang The Mistress, hindi porket gusto mo, makukuha mo.

Pero sabi naman ni JLC, dahil gusto ko, makukuha ko. Alin kaya dun ang para saken? Hahaha. 🙈

Kung sino pa talaga yung pinaka ultimate crush ko, siya pa yung di makita ang worth ko. Kung sino pa yung mga na-lolove at first sight ka lang, sila pa yung mas pinapansin ka. Parang baliw lang no?

Siguro kailangan mo talagang paghirapan ang isang bagay para makuha ito. Kadalasan kasi, pag masyadong mabilis ang mga pangyayare, mabilis lang din natatapos ang lahat. Sa sobrang bilis, hindi mo nalang namamalayan na wala na pala, tapos na pala. Mas masakit naman yata yun.

Minsan naiisip ko, nangyare na to dati e. Yung akala ko gusto ko talaga sya, tapos habang tumatagal, nung nafa-fall na rin sya saken, saka ko narerealize na ayaw ko pala. Alam mo yun, once I got to know him well, saka ko nadidiscover na may mali. Parang may hindi tama, so I have to escape. Tried to make different excuses just to get out of the situation. Alam ko mali, I leaned him on, then suddenly I have to let go.

Pero wala akong magagawa, I have to tell him the truth rather than let him believe with all the lies. Mas masakit pag alam mong niloloko ka di ba kaya di ko ginagawa yun sa iba. Ayoko na gawin sakin e, kasi sobrang sakit.

Sobrang sakit na maghintay sa wala, pero tignan mo ko nagpapaka tanga. Wala e, hobby na. Hahaha. Nag eenjoy akong makita sya from afar na masaya, kahit deep inside sobrang hirap. Sobrang sakit na makita syang masaya na dahil sa iba.

Pero ganyan tayo e, dun tayo sa hard way. Pinili natin tong journey na to, so, panigasan nalang. Pagtyagaan nalang kasi ako din naman ang may gusto nito e. Manigas ako! Hehe.




🙄🙄🙄

Minsan talaga...Where stories live. Discover now