So yun nga, balik tayo sa prince charming ko. I saw him na ulit, nakabalik na pala sya. I suddenly felt something na di ko maexplain kung ano. Siguro excitement? O kaya nerbyos kasi after so long, I was able to see him again?
Ganun pala yun no? Minsan di mo na lang mapapansin na ang laki na pala talaga ng nagbago sayo. Nagbago simula nung piliin mong mag ubos ng oras sa kanya, mag allot ng ilang minuto ng buhay mo na kasama sya, subukang gumawa ng kung ano anong alibi sa inyo para lang makasama mo sya. Yung mga ganung datingan.
Minsan nga nawiweirdohan na ko sa sarili ko. Akala ko kasi, nakaligtas na ko sa gantong emotion. I thought I have already moved on with my life, already learned from the past, but I was wrong. Eto na naman ako, same old feeling kaya nga lang, sa ibang tao na.
Ganun siguro talaga yun. Ika nga ng iba, makakahanap ka din ng katapat mo. And hindi lahat ng oras, nasa panig mo si destiny. Minsan susubukan din nya kung gano ka katatag at kung gano ka kadedicated sa pinapasok mong sitwasyon.
I saw him and he saw me. Parang ... Wala lang. Para lang kaming hangin na nagkatinginan. Kaunting chika then wala na. He left just like that. Ganun lang kaya talaga yun? Wala man lang ba talaga syang naramdaman kahit konti para saken? 😭
Ilang linggo din kaming nagkasama. Parang ilang months nga din yun. Tapos.... Wala lang? 😔
Wala man lang kamustahan, but syempre kinapalan ko na mukha ko. I asked him ha, in a funny way. Sabi ko pa nga, uy buhay ka pa pala? And alam mo ba, tinawanan lang nya ako. Grabe ang joker ko talaga. Kasi, tawa lang reply e. Hahahaha grabehan.
Umalis na ulit sya.
Naisip ko lang ulit bigla, ganun yata talaga e. May mga taong darating sa buhay mo, magpaparamdam, yayanigin ang buong pagkatao mo, then saka sila aalis. Parang binisita ka lang, ganun. Nasasaiyo yun kung papaapekto ka ng bonggang bongga, o sasabay ka sa agos ng mga pangyayaring ganito.
Susubukan mong magpaka hard. Yung kunwari deadma sa kanya. Yung wapakels sa presence nya para lang maipakita sa kanya na di sya kawalan sayo! Pero deep inside.... Ang sakit sakit na. Gustong gusto mo sya lapitan sabay tanong kung ano ba mga nangyare sa kanya dun. Kung kamusta naman? Kung nag enjoy sya, kung namiss nya ako.... Kasi ako, sobrang namiss ko sya.. 😭
Pero hanggang ganito lang muna ako. Masasaktan ng palihim. Pilit na itatago ang feelings kasi kahit naman sabihin ko, wala ding mangyayare.
Alam mo, tinatry ko namang patigasin tong puso ko. I'm doing my best para maka move on na ko sa kanya. Pero as of now, parang malabo pa. Coz I think I need his presence. It makes me stronger in a way na parang kahit anong pagod ang nararamdaman ko, as long as alam kong anjan sya, bigla nalang ako lalakas! Parang super powers lang no? Hehehe.
Ding, ang bato! Ganern! Pero para sa mga nakikiuso, ganto dapat. Bes, ang bato! Hahahaha.
Dumadarna lang ang peg e no. Wala e. Magpapaka superhero ka nalang para magmukha kang matapang; para mukhang okay ka lang kahit hindi naman pala talaga.
...
Ikukwento ko pala sa inyo yung naexperience ko date, baka sakaling makarelate ang ilan sa inyo. Hehe.
Since my younger years in highschool and college kasi, I am an introvert. Sobrang shytype ako lalo na pag napakadaming tao. So pag nagkaka crush ako nuon, sinasarili ko lang. Ang sobrang bihira akong magkwento sa mga barkada ko kasi iniiwasan kong asarin nila ako about dun.
Then I have a crush on this guy, we're living on the same dorm, just separated by floors. Hiwalay kasi ang girls sa boys. I find him so attractive kasi he's tall, he plays guitar, he's good in sports and ofcourse, he's smart. Lagi ko sya inaabangan nun na dadaan sa hallway namin, and everytime na masisilayan ko sya, ang saya saya ko!
One time, I went home with a friend of mine. May gagawin kasi kaming thesis ata yun or just a homework. Habang nasa hallway kami, this guy approached me and talked. Medyo friends na kami nun. Sobrang approachable nya kasi at sobrang bait. Minsan bigla nalang syang ngingiti, then I died. Charr! Hehe. He was asking where our landlord is because he's going to pay the rent daw.
Then I told him I have no idea, since I have never seen him either when I got back. He smiled and walked away. Little did I know, that my friend is already fantasizing him! Grabehan!
Beeeeeh, sino yun?
Nagtanong na sya ng kung ano ano about sa lalaking yun. Syempre, as a good friend of hers, sinasagot ko naman.
Days passed, halos 4 times a week na sya kung sumama saken sa dorm. Minsan nga nung pumasok lang ako saglet sa room, paglabas ko, makikita ko sila nasa may fire exit nag uusap. Wow ha, close na pala sila?
To make the long story short, NAGING SILA. Oo naging bf nya yung dream guy ko. 💔
Pero tanggap ko na rin. Unti unti ko nang natatanggap na posible naman talagang may ganung mangyayari. Napapakanta na nga lang ako ng Kunin mo na ang lahat sa akin ni Angeline Quinto. Eh tanga rin naman ako, di ko naman nasabe sa kanya na crush ko yun!
After ilang days lang yata, ayun! Nagbreak din sila. Eto kasing loka kong friend, may bago na agad. Hays. Sinayang nya lang yung fafa ko. Sayang yung mga pagkakataon na sana ako yung nasa sitwasyon nya. May inferiority complex din kasi ako. Feeling ko ampanget panget ko, na walang lalaking magkakagusto sakin.
Pero minsan diba, sa labas, pag naglalakad lakad ka, may bigla kang makikita na ( di naman sa judgmental ha ) mas masyonget at mas masyonda pa kesa sayo, pero mukhang masaya sa lovelife? Yung mga ganun ba. Tapos iisipin mo, mas okay ka naman dun ah, eh bakit walang nanliligaw sayo? Ouch no? Haaaay.
Siguro kasi, aamin ako, may pagka choosy din ako e. Kahit na sabihin mong, naku choosy pa e di naman yummy! O kaya magpapaka choosy pa e di naman kagandahan/kagwapuhan!
Eh bakit ba, walang magagawa eh. Mahirap paglabanin ang sinasabe ng puso at isipan. Minsan sa love, di lang puro puso ang pinapairal. Dapat gagamitan mo din ng utak no. Pwedeng love mo sya, kasi mabait sya ganun. Pero pagdating kasi sa mga ganyang topic, sobrang sensitive kasi nyan e. Ang pagmamahal ay maraming consequences, maraming hidden problems jan kaya dapat wais ka.
Minsan kailangan talaga nating masaktan, para malaman nating buhay tayo. Nakakaramdam pa tayo ng sakit, nangangahulugan na meron pang pag asa na makakagawa pa tayo ng mga bagay na makakapagtama sa mga pagkakamali natin.
👍👍👍

YOU ARE READING
Minsan talaga...
Nouvelles(On-Going) Minsan mapapaisip ka nalang talaga bakit nangyayari ang mga bagay bagay sa mundo. Bakit kailangan mo pang huminga, eh mamamatay ka rin naman? Bakit kailangan mo pang magmahal, masasaktan ka rin naman? Bakit sya pa napili mong mahalin, di...