Pasensya na po natagalan pag update ko. Matagal tagal din ako nag isip kung ano ba talaga worth ko sa kanya..
Gusto ko na mag move on, naaawa nako sa sarili ko. Para na kong sira eh, yung bang asa ng asa na baka sakaling magkahimala. Na baka hanapin nya talaga yung presence ko sa buhay nya. Pero wala talaga. As in walaaaa!
Kaya crush.... Pinapalaya na kita.. Malaya ka na.. Tinatanggal na kita sa crush list ko.. 💔
Ngayon narealize ko na wala pala talagang pag asa na mapansin nya ako. Hehe. Ni isang Hi or Hello, wala na talaga eh. Nagpaka layo layo na talaga sya. At may mga ganung lalaki pala talaga. Sweet pero wala lang pala sa kanila yun. Nature na nila kumbaga.
Minsan talaga pag alam mong wala nang patutunguhan yung mga ginagawa mo, wag ka na magpaka martir. Tama na ang pag gamit ng puso, utak naman bes! Siguro dahil na rin sa dami kong experiences ng heartbreak eh nasanay na din ako. Natututo na ako na pag useless na efforts mo, don't waste your time anymore. Wag kang parang tanga na habol ng habol sa kanya. Make yourself better nalang.
Oo sa umpisa, sobrang hirap talaga. Ang hirap kasi kalimutan nung mga memories nyo together eh. Yung mga masasayang alaala mo na kasama mo sya palagi. Pero kesa naman lagi ka nalang nagmumukmok, pag aralan mo nalang masanay na hindi na sya kaparte ng buhay mo. Siguro nga hanggang friends nalang kami.
Recently nga, nagkita kami ulit. Parang may something pa rin saken, pero sinasabi ng utak ko na wala. Wala ng mangyayare kahit na mag ilusyon pa ko. So, inulit ulit ko nalang sa sarili ko na wala na nga talaga.
Hindi ko ineexpect na makakayanan ko. Oo kahit paunti unti, nakayanan ko talaga! Lahat naman bes napag aaralan eh. Minsan maiisip mo na kaya mo pala basta magfofocus ka sa goal mo, dun sa gusto mong mangyari. Ngayon, parang tropa tropa chill chill nalang kami. Tamang batian ng hi at hello ganun ganun. Tamang asaran, walang halog malisya hehe. Success! Nalampasan ko! 😂
...
Sa hindi sinasadyang pagkakataon, di pa man nakaka ilang month yung pag move on ko, may nakilala ako ulit. Wag kayong ano ha. Di ko talaga sinasadya. Hahaha.
Inadd nya ako sa fb. Actually medyo familiar sya saken kasi anak sya ng customer namin. Aaminin ko, nung una kaming nagkita date, talaga namang tinamaan ako ni kupido. Bakit? Kasi naman sobrang hot ng koya mo. Hahaha. Seaman sya, and base sa mga kinukwento saken ni mam (mother nya) eh sobrang responsible nyang anak. Nung time din na yun, paalis na daw sya. Bale sasakay na ulit sya ng barko. So yun na ang naging first and last meet namin.
Di naman nakapagtataka na ang gaganda at ggwapo ng mga anak ni mam. Ang ganda naman kasi nya tapos si sir may appeal din. So ang ending nun, di ko na masyado iniisip si koya pero nababanggit ko sya sa mga kawork ko na ang gwapo nga..
So nung inadd nya ko sa fb, sobrang kinilig talaga ako. Hindi ko mawari yung naramdaman ko nun. Hahahaha. Di ko maexplain pero di ko syempre dapat ipahalata na kiligmuch ako dun. Chinat ko na agad sya. Nag thank you ako sa pag add nya sa akin. At nagreply sya! Yes na yes naman! At dun na nagsimula yung long chats namin. 😂😍
Hindi ko ineexpect na ganun sya kabait. Oo. As in sobrang bait nya. Yung gwapong yun! Aakalain mo bang magtyatyaga syang ichat ang isang katulad ko?! Ibig sabihin sobrang friendly nya talaga..
...
Syempre yung mga unang usapan namin medyo awkward kasi di naman talaga kami close. Ni hindi pa nga kami nagkakausap ng matagal sa personal. Hindi ko din sure kung tanda nya pa itsura ko. Hahahaha grabe lang.
Natatakot akong ma-seen nya, kaya naman sa abot ng makakaya ko, talaga namang gumagawa at gumagawa ako ng pwede naming mapagusapan. Hanggang sa halos ang topic namin e yung mama nya. Medyo mataray kasi yun si mam. Napaiyak nga nun yung pinsan ko date. Hahaha. Ako naman medyo napagalitan na nya, pero iba iba na ngayon. Mabait naman na si mam saka pala kwento na hehe.

YOU ARE READING
Minsan talaga...
Short Story(On-Going) Minsan mapapaisip ka nalang talaga bakit nangyayari ang mga bagay bagay sa mundo. Bakit kailangan mo pang huminga, eh mamamatay ka rin naman? Bakit kailangan mo pang magmahal, masasaktan ka rin naman? Bakit sya pa napili mong mahalin, di...