May napanuod ako kanina sa fb. Thai short film ata sya. Usually naman ng mga short films na napapanuod ko na made in Thailand, sobrang gaganda talaga. As in, SOOOOBRAA!
Yung talagang tatagos sa puso mo yung actingan nila. Tungkol sa mag ama na para bang kinakahiya nung dalaga yung tatay niya kasi kargador lang ganun. Medyo matanda na yung father nya e.
Actually 9 minutes video sya, di ko pinanuod ng buo. Nag skip ako ng ilang scenes kasi sobrang hina ko talaga sa mga ganung panuorin. Naiiyak talaga ako, para lang timang hehe. Kaso nung sa huli, dun talaga laglag luha ko e, may pinag ipunan palang iphone yung tatay, para iregalo sa birthday ng anak nya. Akala nung dalaga na wala lang talagang kwenta yung tatay nya. 😭
Napatawag pa tatay nya sa school, di ko lang alam kung bakit. Wala kasing subtitle eh. Pero kakaout nya lang sa work nya nun, nag half day pa ata para lang makapunta sa school ng anak. Nangangatog kamay nya habang kinakausap ng guidance ata yun. Haaay. Siguro nga may iniinda na syang sakit kaya lang tinitiis nya para lang sa anak nya. Kaso ang bruhildang yun, di marunong mag appreciate! Di marunong makuntento.
Minsan talaga, o halos lagi naman, nasa huli ang pagsisisi. Swerte mo nalang kung nung time na nagsisi ka eh hindi pa huli ang lahat, kasi makakaya mo pang bumawi. Makakaya mo pang takpan ng masasayang alaala yung mga maling bagay na nagawa mo.
Oo minsan di naman talaga tayo makuntento. Minsan naghahangad tayo ng mga bagay na kahit mukhang imposible, eh gusto pa rin natin makuha. Ganun din naman ako. Naaalala ko nung wala pa kong iphone, sobrang kinukulit ko sila papa. Kaso wala daw talaga pambili e. Kaya ang ginawa ko nun, nag ipon ako. Nagtrabaho ako kila papa. Byahe dito, byahe dun. Tapos after ilang months ata, nung nabili ko na sya, SOBRANG SARAP SA PAKIRAMDAM. Yung bagay na gustong gusto mo, eh galing mismo sa dugo't pawis mo. Achievement na yun!
Parang sa love, minsan, dahil sa hindi tayo marunong makuntento, nakukuha nating maghanap ng iba. Hinahanap natin sa iba yung bagay na di natin makita sa partner natin diba. Aminiiiin!
Kahit na alam mong mali, tinutuloy mo. Love eh. Pero ang hindi natin alam, may kasamang karma yun! Kung ikaw ba, ipagpapalit mo ang panandaliang kaligayahan na yan, sa panghabang buhay? I mean, think of this. While being a cheater on your partner, don't you think hindi sya nasasaktan? Ang mga tao, nilikha yang malalakas ang pakiramdam. Daig pa ang mga animal instinct! Hehe.
...
Alam mo ba, iba talaga kabog ng dibdib ko pag nakikita ko sya. Parang may kuryente na bigla nalang dadaloy sa buong kalamnan ko.
Marinig ko palang tunog ng motor nya, alam ko na e. Na sya yun. Haaay. If only mutual ang feelings namin, ehdi sana hindi na ko nahihirapan ng ganito. Hindi na ko nag eemote ng kung ano ano. Nakakabaliw lang talaga. Kung alin pa yung mga bagay na gustung gusto naten, minsan yun pa yung mga wala talagang pag asa na mapasaatin.
Parang paghahanap lang ng isang bagay, diba minsan pag di mo kailangan, anjan. Kung san san mo lang makikita. So ang tendency, dadaan daanan mo lang. Pero once na kailangan mo na, aba matinde! Parang magic, di mo makita!
Narealize ko na ganun din sa love. Minsan nasa harap mo na, di mo lang napapansin. Hahanap at hahanap kapa rin ng iba. Di ko rin naman sya masisisi e. Syempre gwapings, kaya chix ang hahanapin. Sa awra kong to, pano nga naman nya ako maipagmamalaki sa friends nya, baka ikahiya nya lang ako. 😪
Nakita ko nga post nya sa fb bout sa mga babaeng manloloko. Gustung gusto kong magcomment na, ayan kasi naghahanap ka pa ng iba, eh andito naman ako handang mahalin ka.

YOU ARE READING
Minsan talaga...
Povídky(On-Going) Minsan mapapaisip ka nalang talaga bakit nangyayari ang mga bagay bagay sa mundo. Bakit kailangan mo pang huminga, eh mamamatay ka rin naman? Bakit kailangan mo pang magmahal, masasaktan ka rin naman? Bakit sya pa napili mong mahalin, di...