6 ❣

21 0 0
                                    

...

Yep. Dito na naman akes. Nagsimula na naman akong mag assume. Haaay. Wala ako magawa. Ganun yata talaga ako. 😭😭😭

Pero syempre, di ko pinapahalata na gusto ko talaga sya. Oo sobrang sweet nya kasi.. At nahulog ako sa bitag nya. 💔

Sobrang sweet nya sa mga chat nya pag madaling araw, pero bakit ganun? Parang pag umaga na, biglang ang cold nya.. Ganun ba talaga? Alam nyo minsan di ko na talaga maintindihan ligaw ng bituka nyong mga lalake e. Hindi ko alam kung pa-fall lang ba talaga kayo o baka naman may something na talaga.

Humingi nga ako ng tulong sa pinsan kong lalaki. I asked him to read Mr. Seaman's chats with me. And nung una, oo sabi nya, parang meron pero habang patagal, sabi nya na sure syang pa-fall lang daw yun. 😭

Saka yun nga e, sabi nya saken na sya daw yung tipo ng tao na pag may gusto e sinasabe nya daw agad. Eh bakit wala syang sinasabe saken? So ibig bang sabihin nun, wala naman talaga syang nararamdamang kahit ano..

So yun nga, nagtry akong sabayan yung trip nya. Sinubukan kong sakyan lang lahat ng mga gusto nyang mangyare.

Nagka chat pa rin kami. As usual, mga tamang kulitan lang.

Lagi nya akong tinatanong kung naniniwala daw ba ako sa forever. Syempre, lagi ko ding sagot e walang forever no! 😁

Minsan, nakipag heart to heart ako sa mga pinsan ko. Itago nalang natin sila sa pangalang Gian, Liezl, Elsa at Shine.

Nv.

Me: Ano sa palagay nyo? Meron kaya?

Liezl: Oo meron yan!

Shine: Walaaaaa..

Me: ...

Elsa: Naniniwala ako na meron yan!

Gian: Ako ren. So si shine lang ang di naniniwala?

Shine: Eh basta. Di pa 100%.

Elsa: Taas ang kamay ng Team Seaman!

(Nagtaas ng kamay yung tatlo maliban kay shine.)

Liezl: Ang korni mo talaga kahit kelan! (Kinalabit si shine)

Me: Haaay. Naguguluhan talaga ako.

Elsa: Basta promise meron yan, magtiwala ka lang.

...

Dahil na rin sa motivation saken ng mga pinsan ko, medyo lumalakas pa rin ang loob ko kahit paano.

So heto na naman si Miss Assumera para magkalat ng katangahan. Aasa na naman yata ako sa wala. Pero bakit ganun no? Minsan kahit alam na nating masasaktan lang tayo, di pa rin tayo tumitigil? Alam nyo ano paniniwala ko jan? Okay lang masaktan kasi nagmamahal tayo. Okay lang umasa kahit na alam mong parang walang patutunguhan. Kasi dun lang nagkakaroon ng malinaw na direksyon ang buhay ko. Yun bang nagkakaroon ako ng "drive" para ayusin ang sarili ko. Di ko alam kug bakit, ang weird no?

Walang masamang magmahal, ang masama ay yung sinukuan mo na agad eh di mo pa naman nagagawa. Bakit? Kasi natatakot kang masaktan? Kasi ba natatakot kang mareject? Sus. Saglit lang naman na sakit ng puso yan. Isang pulang kabayo lang katapat nyan. Ooopps! Joke lang po. Hehe.

What if sumuko ka without even trying? The suddenly nalaman mong may feelings din pala sya sayo? Kaso dahil mas pinili mong lumayo at mag move on, napanghinaan na din pala sya ng loob kasi iniisip nya na ayaw mo rin sa kanya. Sayang ang pagkakataon bes! Sabe nga ng mga matatanda, marami ang namamatay sa maling akala. Di lang literal na patay ha, pwedeng mamamatay na opportunity, or mamamatay na panahon, panahon na sana magiging masaya ka na rin at last.

So habang may buhay, may pag asa. Wag matatakot sumugal sa mga bagay na bago sayo. Ang dapat mong gawin, lakasan mo lang loob mo. Maging handa ka sa mga maaaring kalabasan ng mga gagawin mong desisyon. Syempre samahan mo ng maraming prayers. Hehe number one sandata yun e. Si Lord.




Phil 4:13
"I can do all things through Christ that strengthens me."




💪💪💪

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 31, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Minsan talaga...Where stories live. Discover now