Happy the hard way

59 0 0
                                    

Sabi nila, ang sarap sarap daw ng feeling ng in-love. Kasi daw, may magtatanong sayo kung kumain ka na ba, kung nakauwi ka na ba at kung nasaan ka. Kung baga, masarap ang feeling na alam mo’ng may taong nagaalala sayo. Yung tipong itetext ka kada minuto para lang itanong kung anong ginagawa mo, yung tatawagan ka gabi gabi bago ka matulog at yung taong mageeffort para sendan ka ng ‘goodmorning’ at ‘goodnight’ araw araw. Pero kase, hindi ko pa nararamdaman mainlove eh. I mean, hindi pa kasi ako nagkakaroon ng someone special sa buhay ko. Yung feeling na, hanggang MU lang talaga. MU as in malabong usapan. De, joke lang. Mutual understanding. Hindi ko na alam kung pano ko ba sisimulan yung ikkwento ko sa inyo. Siguro pag tapos niyong basahin to’ng buong kwento na to, matatawag niyo ko’ng tanga. Pero, totoo naman kase. Tanga ako, okay. Tanga ko magmahal. Duwag ako, takot. Walang alam. 

Happy the hard wayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon