Si Sara ang pinakamakulit ko’ng tropa. Teka, lahat pala kami sa tropa makulit. Hahah. Siya ang pinakasakitin samin. Lagi shang hina-hyperventilate. Mahina kasi baga niya eh. Sobrang sayahin niya eh kala mo di siya napapagod. Hanggang sa nakilala niya si Andrew Mateo. 4th year na si Andrew nung nakilala ni Sara, eh kami 3rd year na non. Ever since nakilala ni Sara si Andrew, lagi niya na to’ng tinitingnan, lagi niyang nakakasalubong at nakikita. Tadhana nga daw kung tatawagin kase parati na lang nakikita ni Sara si Andrew sa tapat ng gate tuwing umaga. Kapag nangyayare yon, palaging sinasabi samin ni Sara, “Hay tadhana nga naman talaga ang pagkikita namin. Umaga pa lang, buo na araw ko. Palagi na lang. Kinikilig talaga ko. Ang gwapo gwapo niya.”
Reneé: Ano ka ba naman, Sara. Sa araw araw mo na lang yan nakikita si Andrew, parati ka na lang natutulala. Nako ha, iba na yan.
Natalie: Oo nga naman, Sara. Ang taba taba niya naman tapos gusto mo sa kanya
Sara: Hindi no! Chubby lang siya. Pero pogi pa din. Haaay ang pogi talaga. Kapag naging kami niyan, siguro pwede na ko mamatay. FAFA eh
Anne: Ano ba naman yan puro kayo FAFA eh. Ang hirap talaga sa tropang to, ako lang tibo eh. Bwiset.
Angela: Magpakababae ka kase, bro. Uso yon no.
Aj: Oo nga naman ‘tol, bagong buhay din kahit minsan.
Krisha: Oy mga pakyu, ano nanaman pinagaawayan niyo umagang umaga
Anne: Uy andito ka na pala eh! Tara hanap tayo chix
Krisha: Gago ka ba, excuse me, masisira lang araw ko.
Natalie: Bakit, anjan ba si Francis?
Krisha: Bwiset ayoko na marinig pangalan niyan.
Anne: Uy bro ayun siya oh, kasama si Kathy.
Reneé: Nako guys, tara na baka magkaron pa ng gera dito.
Krisha: Ugh bwiset kulot salot sarap sabunutan
Sara: Kalma, umagang umaga. Ganda ganda ng araw ko eh. Tara na pasok na tayo.
Pumasok na kami sa loob ng school. Halos every recess at lunch walang ginawa si Sara kungdi titigan si Andrew. Hanggang isang araw, nilapitan sha nito.
*Patugtugin ang Tadhana - Up Dharma Down*
Andrew: Hi, ikaw si Sara diba?
Halatang kinikilig ang loka.
Sara: Ah.. hi. Kilala mo ko?
Andrew: Oo naman, adviser niyo si Sir Marc diba? Madalas ka nun kinukwento sa classroom namin.
Sara: Hay, si Daddy talaga. Wala na ko’ng dignidad.
Tumawa si Andrew. Ayon, nagusap na ang dalawa. Malandi talaga to’ng si Sara eh. Ewan ko ba, di mapigilan ng lokang to. Dami daming manliligaw, pero naghahanap pa ng iba. Ganito nga naman talaga kapag in-love. Jusko naman.
Ilang buwan ang lumipas, nagsimulang ligawan ni Andrew si Sara. Parati silang magkadate at magkasama. Halos hindi na nga napapasama si Sara sa tropa eh. Parati na lang kase kasama si Andrew. Pero okay lang yun, naiintindihan naman namin eh. Gusto namin sumaya si Sara. Kase nga, may taning na ang buhay niya. Di namin alam kung ilang araw na lang siyang pwede manatili samin eh, basta ang alam namin, gusto namin na palagi siyang masaya.
