Nakaraan

34 0 0
                                        

First year ako nung pumasok ako sa bago ko’ng school. Syempre, new student, mangmang. Hindi alam kung saan pupunta at hindi alam kung anong floor ang classroom. Pero wag kayong magalala, nakarating ako sa classroom ko. Sa harapan ako pinaupo kasi nga daw late ako. First day na first day, late kagad. Batas eh. Pagpasok na pagpasok nung adviser namin, unang tingin ko sa kanya sobrang taray na sobrang stricta na ewan. Grabe talaga.

Recess na non, may kaibigan akong kasabay ko lumipat ng Andrew’s. Si Celine Cruz. Bestfriend kasi siyang ng bestfriend ko eh kaya somehow, close rin kami. Super bonding kami neto sa tuwing nagkikita kami. Nagkita kami sa canteen ni Celine.

“Celine!”

“Uy, Krisha!” sabi niya sabay yakap sakin. Matagal na rin kasi kaming hindi nagkikita ni Celine eh. Siguro mga 3 – 4 months na nung huling kita namin. Natapos ang recess ng hindi kami nakakain. Ganun eh, mabilis yung recess. Chaka kasi, wala kaming ibang kilala kaya parang ayaw namin umupo. Ang awkward naman kase, unang araw pa lang, new student, tapos batas kagad. Grabe diba? Pagakyat namin ng classroom, derecho kagad sa … ay oo nga pala! Hindi ko pa napapakilala yung sarili ko. Excited magkwento si Ati eh. Hahah. Ako nga pala si Krisha Mendoza. Maliit akong tao. Wag niyo na’ng tanongin kung ano height ko, baka mamaya masapak ko pa kayo eh. Kulot ako dati, pero ngayon hindi na. Hindi ko sasabihing cute ako dahil hindi naman talaga. Hindi ko alam kung bakit kapag nakikita ko ng mga tao sasabihan nila ko ng cute, hindi ko kase makita sa sarili ko’ng cute ako eh. Nakikita ko kase sa salamin naming sa bahay na maliit ako na may baboy na katawan. Sabi rin nila, hindi naman daw ako mataba. Pero para sakin, ako yung pinakababoy na tao sa buong mundo. Hindi lumalagpas ng 90 pounds ang bigat ko. Huling timbang ko, 41 lang. Chos, taray ng lola niyo tumawad pa. Ewan ko. Di ko talaga alam kung ano timbang ko ngayon.

Balik sa kwento. Derecho kagad ako sa classroom pagtapos ng recess. Meet and greet chorva. Hindi ako kinakabahan, makapal mukha ko eh. Haha. Pagtapos ko sabihin kung sino ako, san ako nakatira at kung ano ano pa, umupo ako at nakinig sa iba ko’ng kaklase. Hanggang sa may kaklase akong makwela na nagpakilala. Si Sara Lim. Napakamasayahin niyang tao. Nakikita ko sa mga mata niya eh. Naging magbestfriends kami ni Sara. Wow, ang taray bestfriends na kagad. Syempre, ganun talaga kabilis ang himala, guys. Napasama rin kami sa mga tropa tropa pero most of the time, kami ang magkasama. Well, masyado naming mahal ang isa’t isa eh. After few months, may balita ko’ng natanggap galing sa kaklase ko’ng si Mica Valenzuela, sabi niya may nagkakacrush daw sakin. Lumipas ang taon na iba na naging kasama ko. At dun ko nakilala si Patty Bernal. Sobrang kulit na tao, promise. Kaya, naging malapit rin kami sa isa’t isa. At syempre, naging bestfriend ko rin siya.

Happy the hard wayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon