Summer na. Syempre, petiks gaming ang lola niyo. Walang ibang ginawa kungdi magpuyat ng magpuyat. At dahil sa pagpupuyat na yan, nakakilala ko ng isang lalaki. 12am na yon, nandito yung pinsan ko, si Ate Cecil. Nandun kami sa kwarto niya, nakikinig ng mga kanta sa radio. Tulog na si Ate Cecil, ako na lang gising. Matutulog na rin sana ko eh, kaya lang biglang nagbeep yung phone ko. May nagtext, himala.
Unknown number: Hi
Napaisip ako bigla, sino kaya to madaling araw na eh, nagawa pa ko’ng itext. Baka nangtitrip lang. Pero sige, rereplyan ko na. Para may makausap rin ako.
Krisha: Who’s this?
Unknown number: Sam
Napaisip ako, sinong Sam? Wala naman akong kilalang Sam eh.
Krisha: Sam who?
Sam: Sam Go
Omg, kilala ko pala sha. Sha yung crush na crush ko noon!!! Yun nga lang, di ko sinasabi sa iba. Pero kase ang cute niya kaya. Ay malandi ang lola niyo. Hahah.
Krisha: Ah, hi.
Sam: Sup?
Krisha: Wala naman. Haha.
Sam: Ba’t di ka pa natutulog?
Krisha: Ewan ko eh. Ikaw?
Sam: Wala. Bored kase.
Krisha: Ah sige, tulog na ko ah.
Sam: Sige, ako rin. Goodnight.
Ang labo netong lalaking ‘to. Sinabi ko lang na matutulog na ko, matutulog na rin siya. Gaya gaya amp. Makatulog na nga.
Pag gising ko nung umaga, tiningnan ko agad yung phone ko. Syempre, ganun gawain ko eh. Kahit na wala akong lovelife, may mga kaibigan naman na nagtetext sakin no. Kaya okay na ko dun.
25 messages received
Sunod sunod ko’ng binuksan at binasa ang mga walang kwenta nilang GM. Hahah, joke pero seryoso wala namang nakasulat don na maganda pero binuksan ko padin. Hanggang sa nakita ko na lang na may nakasulat, “1 received message from Sam Go”
Nagulat ako. Bakit naman niya ko itetext? Oh baka mamaya GM niya lang yon. Assuming lang ang lola niyo. Binuksan ko yung message. Nagulat ako kase nakasulat don, “Hi” Eto nanaman sha sa mga nakakakilig niyang hi eh. Tae talaga to’ng lalaking to. Pero, wala pa naman ako gaanong feelings sa kanya eh. Crush ko siya oo pero wala akong intension na maging boyfriend siya. Wala pa. Haha, take note, ‘pa’. Ang alam ko kase crush niya si Sara eh. Eh eto namang si Sara, ewan ko ba dito. Hindi maka move on kay Ian. Eh si Ian may bago na, si Mycah. Ang dami dami ngang manliligaw ni Sara eh. Meron pa noon, si Angelo. Ang effort effort ni Angelo sa kanya tapos sabay ayaw niya pala don. Kawawa naman si Angelo. Tas eto din si Sam, maeffort kay Sara. Binigyan na nga ng necklace, binigyan pa ng bear. Effort ng koya niyo.
Bumaba na ko para kumain. Hinahanap na kase ko ni Mommy eh.
Mommy: ‘Nak, kumain ka na. Aalis tayo pagtapos.
Ako: O sige, mommy. San nanaman tayo pupunta?
Mommy: Nonood tayo sine bakit? Ayaw mo sumama?
Ako: Syempre gusto. Ang boring yata dito sa bahay no.
Mommy: Good. Kala ko aarte ka nanaman eh.
