Si Reneé naman ang may pinakamalas na lovelife saming magttropa. Marami ngang naliligaw sa kanya, pero may isang lalaki talagang sumira ng buong katauhan niya. Nakilala niya si Joshua San Jose. Isang 4th year sa kapitbahay naming school.
*Patugtugin ang Marry your Daughter – Brian Mcknight*
Unang nakita ni Reneé si Joshua sa school namin. Dun kasi nagpapark yung service nila eh. Nakaupo siya nun sa service nila at bigla na lang siyang may nakitang lalaki na nakaupo din sa service. Nagkatitigan sila. Syempre napogian ang lola niyo kay koya kaya nagkatitigan lang sila ng ilang minuto.
Paguwi ni Reneé sa bahay nila, may nagtext sa kanya.
Unknown number: Hey.
Nagtaka siya, sino kaya yon? Presko nito ah. Pa-hey-hey na lang.
Reneé: Who’s this?
Unknown number: Joshua.
Reneé: Joshua who?
Joshua: Joshua San Jose. You might not know me kase di ako taga school niyo. I’m from the other school.
Reneé: Ah yung katabi naming school?
Joshua: Uh, yeah.
Reneé: Ah okay. Hi, ba’t nagtext ka?
Joshua: Wala lang. I just wanna know you.
Nagtext si Reneé at Joshua buong mag gabi. Kinabukasan pagpasok niya, kinuwento niya yun sakin.
Reneé: Bb, wag ka’ng maingay ah. May sshare ako sayo.
Krisha: Oh, ano nanaman yun?
Reneé: May crush ako. Taga kabilang school.
Krisha: Oh, talaga?
Reneé: Oo ang gwapo niya promise!!
Krisha: Talaga? Pakita mo sakin ah.
Reneé: Sige kapag nakasagap ako ng information tungkol sa kanya.
Dismissal na non, nakaupo nanaman si Reneé sa service nila, tapos biglang may nagtext sa kanya.
Joshua: San ka?
Reneé: Andito sa service namin. Ikaw?
Joshua: Andito rin. Ano kulay ng service niyo?
Reneé: Yung brown. Eh yung inyo?
Joshua: Yung yellow. Ikaw yata yung nakikita ko. Tingnan mo ko.
Nagulat si Reneé nung kumaway yung lalaking tinitingnan niya. Di siya makapaniwalang yung crush na crush niyang lalaki, eh yun pala yung katext niya. Umuwi na ng bahay si Reneé at pagtapos sinerch niya kagad sa facebook. Siya nga! Yung napakagwapong lalaki na gustong gusto niya, tinext na pala siya. Kinaumagahan, kinuwentuhan nanaman ako ni Reneé. Yun nga daw yung lalaking gusto niya. Hanggang sa kinuwento niya sa buong tropa yung bago niyang crush.
Sara: Gwapo ba talaga yan? Baka mamaya mukhang tae
Reneé: Ang sama naman neto. Syempre gwapo yun.
Angela: Pakita mo nga samin.
Reneé: Pakita ko sa inyo, kapag naging kami.
