Si Sara - Ending

52 0 0
                                    

“Andrew.”

Tawag ni Tita habang naguusap kami sa labas ng waiting area.

“Hinahanap ka ni Sara. Gusto ka niyang makausap.”

Pumunta si Andrew sa loob ng kwarto na kung saan nandun si Sara. Nakita niyang nakatanggal na ang mga nakatusok sa katawan ni Sara. At nakangiti si Sara, namumutla.

“Andrew, nandito ka na pala.” Umiiyak na si Andrew nung nakita niya si Sara. Hinawakan niya ang mga kamay nito.

“Mahal kita, Sara. Wag mo ko’ng iiwan.”

“Bakit, sino ba’ng may sabi na iiwan kita? Hindi pa naman ako mamamatay eh.”

Nagulat si Andrew sa sinabi ni Sara.

“Pero ang sabi ni Tita..”

“Andrew, kaya lang naman ako naconfine kase kinunan ako ng dugo. Tinest lang kung compatible yung dugo ko dun sa nagdonate ng dugo sakin.”

“Hindi ko maintindihan..”

“Hindi pa ko mamamatay. Wala pa’ng taning ang buhay ko.”

Napangiti si Andrew sa narinig niya. Pero napisip parin siya.

“Pero diba may sakit ka sa puso?”

“Oo. Pero, hindi pa naman ganun kalala eh. Wag ka na’ng magalala. Ang mahalaga, buhay pa ko. Buhay pa si Sara na mahal mo. Buhay pa ang pagmamahal ko sayo.”

Hinalikan ni Andrew si Sara sa noo. Ilang saglit lang ay pumasok na kami sa kwarto ni Sara.

Anne: Oh Andrew, di papala mamatay yan si Sara eh. Kaya wag na wag mo’ng iiwan ah. Baka mamaya magsisi ka kapag namatay yan ng di mo nalaman.

Angela: Oo nga Andrew kapag iniwan mo si Sara lagot ka samin.

Reneé: Bubugbugin ka ni Aj.

Aj: Tama yan, Andrew. Kahit na katropa pa kita at dance troupe ka, kapag sinaktan mo si Sara, di lang kutos makukuha mo mula sakin.

Krisha: Yabang neto, kala mo kung sinong macho.

Natalie: Payatot naman.

Nagtawanan buong tropa.

Makalipas ang ilang araw, umuwi na rin sa bahay nila si Sara. Kinailangan niya munang magpahinga kaya hindi pa muna siya makakapasok ng ilang araw. Monday na nung pumasok si Sara. Papasok na sana siya nung nakita niya si Andrew. Pero hindi lang si Andrew ang nakita niya. Nakita niya rin itong may kasamang babae, si Kim. Si Kim ang EX girlfriend ni Andrew. 2 years na sana sila pero naisipan na lang bigla ni Kim na makipagbreak. Matagal bago nakarecover si Andrew, pero simula nung dumating si Sara sa buhay niya, napabilis ito. Ang hindi lang maintindihan ni Sara eh kung bakit kasama ni Andrew si Kim.

Angela: Hoy! Okay ka lang ba?

Pagkakita ni Sara kay Angela, bigla niya kagad itong niyakap. Nakita ni Angela ang nakita niya.

Angela: Wag mo na kagad pagisipan ng masama ang nakita mo. Malay mo kaya lang sila magkasama kase magbestfriends naman talaga sila diba?

Ngumiti si Sara.

Sara: Baka nga. Hay, pero sana talaga mali yung kutob ko. Tara na nga, pasok na tayo sa loob.

Halos buong araw tinitigan ni Sara si Andrew kasama si Kim. Ni hindi manlang siya nilalapitan ni Andrew samantalang noon ay tuwing recess at lunch magkasama sila.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 29, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Happy the hard wayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon