Angela, Natalie at Anne

82 0 0
                                    

Angela

Si Angela ang may pinakamahabang buhok sa tropa. Literal na mahaba ang buhok niya. (Hanggang pwet na eh. Taray diba) Madami na’ng minahal na lalaki si Angela. At sa bawat lalaki na minamahal niya, isa lang ang nagiging rason kung ba’t nawawala, PALAGI SIYANG INIIWAN. Wagas magmahal ‘to si Angela eh. Wala siyang pakealam sa mga looks looks na yan, basta mahal siya at mahal niya, gora lang ya’ng lola niyo. Maloko din ‘to si Angela eh. Kung anong mapagtripan, isshare sa tropa tapos kami naman, pagttripan namin. Mabait na tao si Angela. Kaya sa sobrang bait niya, inaabuso siya ng mga lalaking minamahal niya. Palagi siyang napagiiwanan sa ere. Siya nga pala ang president ng Team Sawi. Natatawa ko, ang dami dami talagang pauso netong babaeng ‘to. Ewan ko ba. Ganun kasi sha kasaya. Pero, sa bawat saya niyang yun, may kapalit na kalungkutan.

Natalie

Si Natalie naman ang pinaka-hyper sa tropa. Mahilig mambully, kase dun siya sumasaya. Syempre, kami rin. Yun kasayahan naming lahat eh. Kaya nga naging sobrang saya ni Natalie nung nakilala niya si Jelo Rivera eh. Sobrang nagbago daw yung buhay niya nung nakilala niya si Jelo. Ni hindi niya inaakala na makakatagpo siya ng isang lalaking katulad ni Jelo. Sobrang sweet kasi tapos maaalalahin. Valentines nun. Syempre sabay sabay kaming tropa na pumasok sa classroom. Pagdating ni Natalie sa upuan niya, may nakita siyang box ng brownies at malaking card.

Natalie: Guys, sino nagpadala nito?

Cami: Aba malay namin. Nakita lang namin yan jan eh. Malay mo may sulat sa loob nung envelope na malaki, tingnan mo.

Pagtingin ni Natalie sa loob nung malaking envelope, may malaking card at pa-heart shape na gawa sa cardboard na may stick. I love you pa nakasulat. Ang taray diba. Tapos pagbukas niya nung malaking card, may nahulog na yellow construction paper. Sulat ni Jelo. Kinilig ang lola niyo. Habang kami rin, kinikilig.

Reneé: Iba na yan, Natalie ah. Maeffort na maeffort si koya.

Natalie: Oo nga eh. Grabe, pano ko kaya siya mababayaran dito.

Krisha: Edi sulatan mo na lang din siya ng letter. Para patas kayo diba. Maganda yun.

Natalie: Onga, tama. Pwede pwede.

Nagsulat si Natalie ng letter para kay Jelo. Uwian na non, kasabay umuwi ni Natalie ang tropa. Kami kase ni Reneé, palaging magkasabay kase nga magkalapit lang kami ng bahay. Nakasakay na ng jeep non si Natalie at ang tropa. Kasama pa nila nun si Carina kase nga magkakalapit lang din yung mga bahay nila. Nakita ni Anne si Jelo.

Anne: Uy, si Jelo oh!

Biglang bumilis tibok ng puso ni Natalie. Ang taray talaga ng lola niyo.

Carina: Jelo! Andito si Natalie oh!

Napatingin si Jelo at sumakay sa jeep na sinasakyan nila Natalie. Tinabihan niya si Natalie.

Anne: Grabe, iba na talaga ngayon kapag lovers diba, Angela?

Angela: Onga, Anne eh. Iba na talaga kapag tayo sawi tas yung tropa natin may lovelife.

Sara: Bengga. Tayo na walang lovelife.

Carina: Oy guys tahimik. Di na sila nakakapagusap.

Nagusap si Jelo at Natalie habang pauwi. Sabi ng tropa sobrang sweet daw nila. Ni hindi nga daw mapinta yung ngiti sa mga labi ni Natalie eh. Wagas ang kasayahan ng lola niyo.

*Patugtugin ang let me be the one – Jimmy Bondoc*

Lumipas ang mga araw at nagsummer na. 4th year na kase si Jelo eh, kaya may mga practice pa sila para sa graduation nila. Si Natalie naman, nagaalala kase ni text manlang ni Jelo, wala. Napagisipan niya rin na baka kasama ni Jelo yung ex niya, si Kristelle. Habang lumilipas ang mga oras, onti onting narerealize ni Natalie na parang ayaw na sa kanya ni Jelo. At hanggang sa tinext niya na ‘to at tinanong kung bakit hindi siya nagpaparamdam at baka ayaw niya na. Nagalit si Jelo at sinabi kay Natalie na palagi na lang daw siyang tamang hinala, sabi ni Jelo na kung parati daw siyang ganyan eh mas mabuti pa’ng wag na lang nila ituloy yung pagiging magMU nila. Sobrang nasaktan si Natalie sa sinabi ni Jelo. Hindi niya aakalaing magiging ganun si Jelo. Hindi na nila naayos ang gusot sa kanilang relasyon at naisipan nilang magkanya kanya na lang. At dito nagtatapos ang kwento ni Natalie. Isa na rin siya ngayong member ng Team Sawi.

Happy the hard wayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon