Worst

42 3 0
                                    

"Gumaling ako after ng three days na pagkaka-ospital. Pero kahit nakalabas na ko feeling ko hindi parin gumagaling yung sakit ko. Ang bigat parin ng pakiramdam ko. :'( Sabi ni mama sya na raw ang bahala sa mga resulta ng tests ko. Di ko man lang nalaman kung ano ang kinalabasan. Lalo tuloy akong kinakabahan kasi ayaw nilang ipaalam sakin kung ano ang resulta. Paano kung, may malala na pala akong sakit? Paano kung mamatay na ko? Natatakot ako.." 

Rejh: Best, ok ka na ba talaga? Kaya mo na bang pumasok?

Leanne: Oo naman best! :) kakayanin ko, gusto ko nang bumawi sa mga grades ko. Ang laki ng ibinaba ehh, nakakalungkot :(

Rejh: Oh sige sabi mo ehh.. basta pag kailangan mo ko, andito lang ako ha?

Leanne: Thank you best.

(bigla nilang nakasalubong si Kleeve kasama ang mga kaibigan nya)

David: Leanne, mabuti at nakalabas ka na sa ospital.

Rhea: Buti na lang gumaling ka na :)

Kleeve: Ehh ano namang kailangan nyang ikagaling at ika-ospital? Wala namang sakit yan!

Vince: Ang putla putla na nga ng mukha ni Leanne ayaw mo pading maniwala?!

Kleeve: (hinawakan nya ang mukha ni Leanne) Ano bang klaseng make-up ang nilagay mo dito ha?! Galing ahh, parang totoong totoo..

Rizza: Kleeve stop!

Dharlyn: Bitawan mo na si Leanne! (tinulak nya palayo si Kleeve)

(biglang nahimatay si Leanne, kaya nagpanic ang lahat)

Rejh: Best!! Best! Wake-up please? :(

Vince: David, bro dalhin na natin si Leanne sa clinic.

Rizza: Hey Kleeve! Do something.

Kleeve: Bahala kayo kung gusto nyong tulungan ang babaeng yan. Basta ako di parin naniniwala sa mga kasinungalingan at pagpapanggap!!

Rhea: Kleeve..

Kleeve: Mauuna na ko. Sumunod na lang kayo pagkatapos nyong ihatid yang babaeng yan sa CLINIC!

David: Tara na, wala na tayong maasahan kay Kleeve.

"That day, naconfined nanaman ako.. At dito ko na nalaman kung ano ba talaga ang sakit ko.. STAGE 4 Cancer of the Blood.. Leukemia :'( Wala akong nagawa kundi ang umiyak.. walang tigil sa pag-iyak.. Stage 4?! Ganon kabilis?! Bakit ngayon pa? Bakit kailangan ko pang mawala?! Ang sabi ng doktor wala ng lunas ang sakit ko. May taning na ang buhay ko.. Sa huli, wala parin akong ibang magawa kundi ang umiyak. Kaya pala ayaw sabihin ni mama at papa dahil gusto pa nilang makahanap ng paraan para mapagaling ako. Ang daya naman ng sakit na to. Bigla na lang lumala ng wala man lang pasabi.. Bakit? Bakit? Patuloy-tuloy kong tanong.. Bakit?!.."

---

Anna: Anak, kamusta na ang pakiramdam mo? :(

Leanne: Kahit naman ho sabihin kong ok lang ako, di naman na ho ako gagaling hindi ba? Mamatay na ko ma.. Hindi ko man alam kung kailan pero alam kong malapit na ang araw na yon..

Jerry: Anak.. hayaan mo't gagawan ko ng paraan ito, sisiguraduhin kong gagaling ka.

Leanne: (naiyak) Wag nyo na po akong paasahin papa. Diyos na po mismo ang dumikta kung hanggang san na lang ako.. Kailangan na ho nating tanggapin..

Kian: (lumapit sa kapatid) Ate, san ka pupunta? Bakit malayo ba ang heaven?

Leanne: (niyakap nya ang kapatid) Oo malayo yun Kian. Pero masaya don, pag punta ko don makikita ko si Papa God at ang mga angels nya. Sigurado akong maganda don.

Kian: (umiiyak) Bakit ka pupunta don ate? Di mo na ba ako love? Bakit mo ko iiwan ay?

Leanne: Kinukuha na kasi ako ni Papa God bebe. Sabi nya bibigyan na daw nya ko ng pakpak. Pero wag kang mag-alala lagi lang ako dyan sa tabi mo. Hindi mo man makikita si ate, lagi mo naman akong mararamdaman. Basta isipin mo lagi mo lang akong kasama ha?

Kian: (won't stop crying)

"Naramdaman ko nung mga oras na yon ang labis na pagmamahal ng kapatid ko sakin. At dahil di kinaya nila mama at papa ang mga emosyon nila, lumabas sila ng kwarto at agad na hinanap ang doktor ko.."

Jerry: Dok, sigurado ho ba talaga kayo na ganoon na kalala ang sakit ng anak ko?

Dr. Santos: Wala hong palya ang mga tests namin dito mister. Nakakagulat man ho eh totoo lahat yon. Ako man din ho'y nabigla dahil sabi nyo nga'y minsan lang syang naospital at ngayon ay may malubha ng sakit. Ngunit hindi ho ba kayo nagtataka na baka matagal ng may nararamdaman ang anak nyo? At ayaw lamang nyang sabihin sa inyo?

Anna: Malamang ay tama ho kayo dok. Napapansin ko rin ho dati na madalas sumasakit ang ulo ni Leanne at nagsusuka. Madalas rin ho syang mamutla. At nitong huling buwan ay pabalik-balik ang lagnat nya..

Dr. Santos: Yun ho malamang ang mga simtomas ng sakit nya. Stage 4 na ho ang cancer ng anak nyo. Patawarin nyo ho ako pero, wala na ho kaming magagawa kundi ang pahabain na lamang ang mga huling sandali ng anak ninyo..

Jerry: Dok, wala na ho ba talagang lunas? Kahit ano man lang?

Dr. Santos: Pasensya na ho pero, wala na talaga kaming magagawa. Sorry po. Excuse me.

Anna: (crying) Sa palagay ko'y dapat na nating tanungin ang anak natin kung mayroon na ba talaga syang nararamdaman dati pa.

Jerry: Mabuti pa nga :(

Stage 4Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon