Kleeve: Miss, san po ang room ni Leanne Bartolome?
Nurse: Ahh.. room 225 po sir..
Kleeve: Salamat.. bro bilisan mo.. guys hurry!
(nagmadali nang nagmadali sina Kleeve at ito ang naabutan nila)
---
~Everyone's Crying~
Kleeve: (dumiretso agad kay Leanne) Leanne.. Leanne I'm here, please labanan mo ha? Lumaban ka ok?
Leanne: (hirap magsalita at nanghihina ang boses) Kleeve? Kleeve i-ikaw nga.. Ang saya ko at nakita ulit kita..
Kleeve: (crying) Leanne, patawarin mo ko hindi ako nakinig sa'yo.. Leanne patawarin mo ko..
Leanne: (naiyak) Ta-tapos na yon.. ang mahalaga.. napatawad mo na ako..
Kleeve: Leanne please labanan mo para sakin, wag kang susuko please..
Leanne: (nahirapang huminga) Kleeve, hanggang dito na lang ako.. mabuti at nakita kita kahit sa huling sandali ng buhay ko.. Kleeve, ang saya saya ko..
Kleeve: Leanne, please wag mo akong iiwan.. hindi ko kaya..
Leanne: Lagi lang ako sa tabi mo Kleeve, kahit anong mangyari lagi-- (lalong sumikip ang dibdib at nahirapan sa paghinga)
Kleeve: Leanne, please labanan mo please.. wag kang susuko please,, mahal na mahal kita Leanne, please..
Leanne: Kleeve, I... Lo-love ...you.. (tuluyan nang pumikit)
Kleeve: Leanne? Leanne? Leanne wake up please.. Leanne don't do this to me please.. Leanne!!
Anna: Anak, gising ka anak! (crying)
Jerry: Anak ko!!
"LEANNE!!"
Anna: Tumawag na kayo ng doktor!! Anak please lumaban ka anak! (hawak ang mukha ni Leanne at umiiyak) Leanne anak, please wag mo kaming iwan..
Kian: Ate!! Gising ka po please.. ate ko.. please!
Jerry: Asan na ang doktor!!
Dr. Santos: Eto na po Mr. Bartolome.. Nurse i-ready nyo ang mga kakailanganin.. move!!
--
"Clear! ... Clear! ... Clear! ..."
Dr. Santos: Time of death 11:38 am.. Sir, ma'am, everyone.. I'm very sorry..
"Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko ng mga oras na yon, nang marinig ko ang sinabi ng doktor na patay na ang pinakamamahal ko, ang tanging nagawa ko na lang ay ang suntukin ang pader at walang tigil sa pag-iyak.. napaluhod ako, napaluha ng matindi at napasigaw.. Bakit kung kailan nagawa ko na syang patawarin don pa sya kukunin?! Hindi man lang ako nagkaroon ng pagkakataong bumawi sa kanya.. Bakit ganon?! Bakit?! Leanne, mahal na maha na mahal kita..(Kleeve)"
Rejh: (crying) Wala na ang best friend ko.. wala na si Leanne.. hindi totoo to di ba?! Leanne gumising ka please..
Tricia: Leanne's gone.. I can't believe that Leanne's gone! (crying)
"Napuno ng halo halong emosyon ang kwarto ng mga sandaling iyon. Iyak, lungkot, panghihinayang, pangungulila, pagsisisi at higit sa lahat ang galit ng bawat isa sa kanilang mga sarili. Lahat ay pare-parehong lumuluha, at hanggang sa huli, ang pangalan lang ni Leanne ang tanging binabanggit namin.. (David)"
--Leanne's Burial--
"Nagsidatingan ang lahat sa burol ni Leanne, mga kaibigan, kapamilya, kaklase, at syempre hinding hindi mawawala dyan ang tropa namin lalo na si Kleeve, na kahit kailan ay hindi umalis sa tabi ng kabaong ni Leanne. Lagi lang syang naka-upo sa gilid nito at hindi tumitigil sa pag-iyak.. Si tita Anna naman ay palaging nagkukulong sa kwarto at ayaw humarap sa mga tao.. ang papa ni Leanne. pilit na naglalakas loob para harapin ang mga taong dumadating para makiramay.. at syempre ang kapatid nyang si Kian hindi rin umaalis sa tabi ng kabaong, laging nakatitig sa ate nya na para bang gusto nya itong yakapin.. Balot na balot ng lungkot ang buong bahay.. Marami ang mga umiiyak, marami ang nalulungkot. Hindi mapipigilang pagtulo ng mga luha ang tanging makikita.. (Rejh)"
Rejh: Kleeve, kunin mo to. (inabot ang diary ni Leanne)
Kleeve: Ano to?
Rejh: Diary yan ni Leanne (pilit nyang pinipigilan ang luha pero di rin nya nakaya).. gusto nyang ibigay yan sayo kung sakaling mawala man sya dito sa mundo.. Basahin mo yan Kleeve, at mararamdaman mo kung gaano ka kamahal ng bestfriend ko..
Kleeve: Salamat Rejh..
Rejh: Oh sige,. (nilipat ang atensyon kay Kian) Kian, alika labas muna tayo? Gusto mo ba ng ice cream?
Kian: Ayoko po, gusto ko si ate..
"Naiyak ako ng todo nang makita ko ang expression sa mukha ni Kian. Ang lungkot lungkot.. Nakaka-awa, nakaka-iyak.. Kaya niyakap ko sya ng mahigpit dahil ramdam ko ang sobrang pangungulila nya kay Leanne.. (Rejh)"
---
Tricia: Kleeve, kumain ka muna oh..
Kleeve: Sige Tricia, mamaya na lang.. Wala pa akong gana..
David: Bro, hindi matutuwa si Leanne kung makikita ka nyang ganyan..
Rizza: You have to be strong.. for Leanne..
Rhea: Pare-pareho lang tayong nawalan Kleeve, but we have to continue living our lives. Malulungkot panigurado si Leanne kung hindi tayo makakapagmove-on sa pagkawala nya.
Rejh: Wag kang mag-alala Kleeve, nawala man si Leanne ngayon, tiyak na magkakasama-sama rin tayo.. balang araw..
Kleeve: (crying) Hindi ko lang kasi matanggap na, sa mga panahong naghihirap sya sa sakit nya.. hindi ko man lang sya nadamayan, dinagdagan ko pa ang sakit na nararamdaman nya dahil di ko sya pinaniwalaan.. Ang tanga-tanga ko.. Ang tanga-tanga ko!!
Rejh: Pilit kang inintindi ni Leanne ng mga panahong yun.. kahit kailan hindi sya nagtanim ng sama ng loob sayo.. kahit kailan hindi..
Kleeve: Hindi ko mapapatawad ang sarili ko.. kahit kailan.. Habang buhay akong mangungulila kay Leanne.. habang buhay ko syang hahanapin at habang buhay ko syang mamahalin..
BINABASA MO ANG
Stage 4
RomanceAno nga ba ang mangyayari sa isang pag-ibig na nasira dahil sa mga kasinungalingan? Paano ba ito malalagpasan? At papaano kung isang araw may trahedya pa na dumating? Kakayanin kaya o susukuan na lang din?