"Ngayong araw na to, ihahatid na namin sa huling hantungan ang bestfriend ko.. Hindi ko inaasahang aabot ang lahat sa ganto. Hindi ko lubos maisip na ang dating masayahin, mapagmahal at mabait kong bestfriend, ngayon ay wala na.. Sa isang iglap para bang nabago ang lahat. Apektadong-apektado kami sa pagkawala ni Leanne, pakiramdam namin kalahati ng mga buhay namin ay nawala.. Bakit mo kami iniwan Leanne.. Bakit? (Tricia)"
--At Church--
(isa-isang nagbigay ng mensahe ang mga taong malalapit kay Leanne)
Jerry: Ahh.. unang una po sa lahat ay nais kong magpasalamat sa lahat ng mga nakiramay sa pagkawala ng aking anak.. (naiiyak) Ahh... Leanne, anak, nasan ka man ngayon.. sana malaman mong mahal na mahal kita.. (tuluyan nang napaluha) Hindi ko matanggap ang maaga mong pagkawala anak.. pero nagpapasalamat pa rin ako na nagkaroon ako ng isang mabuti, maganda, matalino, mapagmahal, maunawain at maalagang anak.. Leanne, sana lagi mo kaming babantayan diyan sa itaas.. Maraming salamat anak sa lahat ng ginawa mo para sa amin.. Proud na proud ako sa'yo anak.. I love you anak.. tatandaan mo lagi yan.. mahal na mahal ka namin ng mama mo.. lalo na ng kapatid mo.. Nak, hintayin mo kami diyan ha? Nasan ka man, lagi mong iisiping kakayanin namin to.. pagsubok lang to nak.. magpahinga ka na.. Maraming salamat anak ha? Dahil kahit kailan hindi mo kami binigo ng mama mo.. Mahal na mahal ka namin anak..
---
Anna: Magandang umaga po sa lahat.. (crying) Maraming salamat ho sa pakikiramay ninyo sa amin ng pamilya ko.... Leanne, anak, I love you (lalong naiyak) mahal na mahal ka ng mama anak.. Sana, kung san ka man ngayon lagi mong iisiping kahit kailan ay hindi kami nagkaroon ng sama ng loob sa'yo, dahil buong buhay mo ay may naibabahagi ka samin ng papa at ng kapatid mo.. Anak, sana mapatawad mo ko dahil wala akong nagawa para isalba ang buhay mo.. anak patawarin mo ko ha?... Anak ko.. bakit mo kami iniwan? Ikaw ang pinakamagandang regalo ng Diyos samin ng papa at ng kapatid mo.. mahal na mahal ka namin anak.. Si Kian, araw-araw na naghahanap sa'yo, nangungulila sa mga yakap mo.. Anak, kung mabibigyan man ako ng isang kahilingan, yun ay ang mabuhay ka.. Anak, kung alam mo lang kung gaano kahirap ngayon at wala ka na.. ang bigat bigat sa pakiramdam.. Anak... Leanne, mahal kita.. Sana maging masaya ka na sa piling ng Diyos, wag mo kaming alalahanin dito anak.. Konting panahon na lang at makakasama ka rin namin anak.. Mahal na mahal ka namin..
---
(sa pagkakataong ito, ang lahat ay lalong naiyak nung si Kleeve na ang nagsalita)
Kleeve: Ahh.. (crying) Leanne, babe.. I'm sorry... I'm so sorry, sa mga pasakit na binigay ko sa'yo.. I'm sorry for not believing in you and I'm so, so, so, sorry for hurting you.. Kung alam mo lang kung gaano ako nangungulila sa'yo ng mga panahong yon, pero hindi ko magawang harapin ka dahil sa pride ko.. Leanne, patawarin mo ko.. please forgive me.. Patawarin mo ko dahil hindi kita nadamayan nung mga panahong kailangan mo ko.. Hindi man lang kita sinamahan para labanan ang sakit na yong nararamdaman.. Babe, please always remember that I love you so much.. kung pwede lang ibalik ang oras.. gagawin ko, makasama ka lang ulit.. Hindi man lang ako nakabawi sa mga kasalanang nagawa ko.. huli na nung ikaw ay makita ko.. Babe, bakit tayo nagkaganto? Bakit umabot sa ganitong punto? Bakit mo ko iniwan babe? Please bumalik ka na...(lalong naiyak) Please babe.. I really need you.. I miss you so much babe.. Patawarin mo ko.. forgive me please.. please forgive me.. Babe, I just want to tell you how lucky I am to have you in my life.. Binago mo ang dating magulong buhay ko.. binago mo ang ugali at pananalita ko.. binigyan mo ng kulay ang mundo ko.. at natuto akong magmamahal ng totoo dahil sa'yo.. Babe, thank you so much for loving me.. thank you for showing me the real meaning of life and what love is.. Kahit anong mangyari babe, ikaw at ikaw parin ang mamahalin ko.. ikaw lang at wala ng iba.. Babe, bumalik ka na.. hindi ko na kaya ng wala ka.. please babe.. please.. I LOVE YOU SO MUCH LEANNE BARTOLOME...
BINABASA MO ANG
Stage 4
RomanceAno nga ba ang mangyayari sa isang pag-ibig na nasira dahil sa mga kasinungalingan? Paano ba ito malalagpasan? At papaano kung isang araw may trahedya pa na dumating? Kakayanin kaya o susukuan na lang din?