Ang Simula Ng Isang Love Story

72 4 0
                                    

CHAPTER 4:

"Pagdating ko sa bahay, di na ko nakakain ng hapunan. Dumiretso kasi agad ako sa kwarto ko at nagbihis. Sobrang nag-alala sakin ang mama at ang kapatid ko kaya hinatiran nila ako ng pagkain sa taas. Pero sinabi ko sakanila na ayos lang ako kaya lang medyo pagod, pagkatapos nginitian na nila ko. Pagkatapos kong kumain, tinapos ko na lahat ng paper works ko at humiga. Matutulog na sana ako kaso lang nakita ko na meron akong 37 messages. Habang binabasa ko lahat di ko maiwasang mamula, halos lahat kasi galing kay Kleeve. Pero may nag-iisang text sa inbox ko na talagang nagpapula sakin ng sobra.."

Kleeve (+639178869455)

"Hey Leanne, I'm really starting to worry about you. Please reply on my messages. Umalis ka na lang agad-agad ng school ng hindi nagpapaalam sakin, ipinahatid na sana kita. Gabi na. nagcommute ka pa. :(("

"Hey Kleeve, SLR. Tinapos ko pa kasi lahat ng paper works ko. Don't worry I'm fine. I'm sorry di ako nagpaalam kanina ha? Sorry pinag-alala din kita. Thanks for worrying about me."

"Ano ka ba naman kasi? Magpaalam ka sa susunod ha? Di ako mapakali kanina eh. :("

---

"Nalilito ako sa mga kinikilos ni Kleeve, at the same time sobrang naninibago na talaga ko sakanya. Yung para bang may magic na dumating? Hayy.. Di kaya may gusto sya sakin? HMM.. Ayokong mag-expect ng mga ganong bagay. Honestly, crush ko na si Kleeve. Simula pa nung maging mabait sya sakin. At lalo pang lumalalim ang pagtingin ko sakanya habang nagkakasama kami ng matagal, masaya rin ako na magkakasundo na ang mga kaibigan namin. Until one day, a very shocking message on my cellphone made me very happy. Galing to kay David, ang kasama ni Kleeve sa banda at the same time best friend nya.."

David (+639261855760)

"Leanne, Kleeve wants to see you later this lunch. May surpresa sya sa'yo. Hehehe! Sya dapat ang magtetext sa'yo kaso busy sya sa pagpreprepare kaya ako ang inutusan nya. Aasahan ka daw nya dito sa rooftop ng school. Lunch ha. Magugustuhan mo 'to. :)"

--Lunch--

"Kinakabahan ako at the same time na-eexcite din. Iniisip ko kasi kung ano ang mangyayari. Habang umaakyat ako, nanginginig ang mga binti ko, naisip ko din kung nasan ba ang mga kaibigan ko? Bakit biglang naglaho na parang bula sila Rejh at Tricia? Kani-kanina lang kasama ko yung mga yun eh. Hmm, di bale na. Pagdating ko sa rooftop.."

SUUUUUUURRRRPPPPRRRIIIIIISSSSEEE !!!! :D

Leanne: Ha??

"Nagulat ako kasi andon silang lahat. Sila Rejh at Tricia, pati ang boyfriends nilang sina Lloyd at Acer, ang bestfriends ni Kleeve na sina Vince at David, at mga kabarkada niyang sina Rhea (gf ni David), Dharlyn, at Rizza. Pero wala si Kleeve kaya hinanap ko sya.."

Leanne: Ahh.. ano to? Saan si Kleeve?

"Walang sumagot sa tanong ko pero lahat sila nakatingin sa likuran ko. Pag lingon ko, nakita ko si Kleeve, may hawak syang cake, chocolates at tatlong heart-shaped balloons na may nakalagay na I LOVE YOU.."

Kleeve: Leanne, may gusto ako sa'yo.

Leanne: (speechless)

Kleeve: May problema ba?

Leanne: Ahhh.. wa-wala, nagulat lang ako.

Rejh: Best, sorry ah. Di ka namin inupdate. Matagal na naming alam na may gusto sa'yo si Kleeve.

Tricia: Lagi nga kaming kinukulit nyan at inililibre para lang magkwento tungkol sa'yo.

David: I'm telling you Leanne, ngayon lang naging ganyan si Kleeve.

Stage 4Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon