CHAPTER 10:
5 Months Later:
"Limang buwan na ang nakakalipas.. wala parin akong natatanggap na reply mula kay Kleeve. Ni hindi ko nga alam kung ano ng balita sa kanya, naputol na rin kasi ang communication naming magbabarkada simula ng lumipat kami nila mama dito sa Manila para magpagamot, nagbabakasakaling mapahaba pa ang buhay ko. Sa totoo lang ayoko na talaga ng gumagastos pa sila ng malaki.. Hindi kami ganon kayaman. Baon na baon na rin sila sa utang ng dahil sakin.. ayoko na ng nahihirapan ang pamilya ko dahil nangako ako na ako ang magpapaginhawa ng buhay nila.. pero anong ginawa ko?! Ako pa ang pabigat ngayon!! Kung pwede lang sumuko na ngayon at basta na lang mawala na sa mundo gagawin ko, ang kaso hindi ko pa nagagawa yung nag-iisang kahilingan ko kaya alam kong hindi rin ako matatahimik sa kabilang buhay.. At alam kong hindi ko pa sya kayang iwan nang hindi man lang nakakahingi ng kapatawaran.."
--Kleeve's House--
David: Bro..
Kleeve: (tulala)
David: Bro?!
Kleeve: Oh? Bakit?!
David: Kanina ka pa tulala dyan ah? Ano ba? Nakakawalang gana ka naman ehh.. nag-invite ka dito sa inyo tapos hindi ka man sumali sa amin?
Kleeve: Iniisip ko parin kasi hanggang ngayon yung reaksyon ni mommy nung huling umuwi sya dito sa Pilipinas dahil sa nalaman nya yung nangyari samin ni Leanne..
~FLASHBACK~
Kleeve: Mom? You're home?
Ruth: Of course! Didn't I tell you na uuwi ako ha?!
Kleeve: Mom paano po ang trabaho nyo sa States?
Ruth: Nagfile ako ng leave.. Teka! Wag mong iniiba ang usapan.. Maghintay ka lang dyan, magbibihis lang ako at pag-uusapan natin ang kasalanan mo sakin!
(30 minutes later)
Ruth: Where are you Kleeve?!
Kleeve: Right here mom.. Pwede po bang wag muna kayong sumigaw? Kaya ho natatakot akong kausapin kayo ehh..
Ruth: Ok, pero aminin mo sakin kung bakit kayo naghiwalay ni Leanne? She seems to be a very nice girl. Mabait, maganda, matalino, caring, mapagmahal, maalaga, what else could you ask for?
Kleeve: Manloloko kasi sya ma!
Ruth: How can you say that?!
Jessie: Don't listen to him mom, Leanne's innocent.
Kleeve: Ate, pati ba naman ikaw?
Ruth: Yon naman pala ehh.. bakit hindi ka parin makipag-ayos sakanya ha? Wala na akong ibang gusto para sayo kundi si Leanne lang..
Jessie: I think that he's too embarrased dahil sa pamamahiyang ginawa nya kay Leanne mom, kaya kahit na gusto na nyang ayusin ang away nila hindi nya magawa kasi hindi nya alam kung san sya magsisimula..
Ruth: Anak, ano ba kasing problema mo? Ang taas taas ng pride mo! Ehh all this time ikaw naman pala ang mali.. Anak, hindi kita pinalaking ganyan ha?! Pasalamat ka at wala ang daddy mo dito kundi mas malala ang aabutin mo..
Kleeve: Hindi ako makikipag-ayos sa kanya mom, wala naman akong ginagawang mali eh.
Ruth: Kleeve, open your eyes.. lahat to kasalanan mo! Ni hindi mo nga magawang maniwala sa mga kaibigan mo at sa kahit na sino mang magsabi sayong may sakit si Leanne.. ang dami dami ng proofs na pinakita sa'yo pero ang tigas padin ng puso mo! Hindi ka man lang naniwala ni minsan..
Kleeve: Mom.. tama na please?
Jessie: I'm surprised na alam mo ang mga yun mom.. But to think na pati ang katigasan ng puso nitong kapatid ko ehh nakarating rin sa'yo..
BINABASA MO ANG
Stage 4
RomanceAno nga ba ang mangyayari sa isang pag-ibig na nasira dahil sa mga kasinungalingan? Paano ba ito malalagpasan? At papaano kung isang araw may trahedya pa na dumating? Kakayanin kaya o susukuan na lang din?