Chapter 1

13.5K 73 4
                                    

June 6

Nakatitig nanaman ako sa kisame ng kwarto ko. Pasukan nanaman. It's my first day of being a junior highschool. Marami nanaman akong kailangang asikasuhin. Kailangan kong maghanap ng bagong part time job para sa mga gastos sa school. Kailangan ko ding magaral ng bonggang bongga para hindi mawala ang scholarship ko. Konting kembot na lang gragraduate na ko ng high school at konting kembot pa, college na ako. Kaya ko to!

Napatingin ako sa wallclock sa kwarto ko. 7:10am ?! Totoo ba to!? Anak ng tokwa't baboy! Malalate ako! Tumakbo kagad ako sa CR para maligo. Ligong pato na nga ata ang ginawa ko at nakatapos akong maligo within 5 minutes. Hindi ko na nga nagawa pang magayos at magsuklay.

Patakbo akong lumabas ng bahay at tumakbo papuntang sakayan ng jeep. Dahil sa pagmamadali ko hindi ko namalayan na may paparating pala na sasakyan sa pagtawid ko.

Justcolored! Malalate na nga ko sa first day ng klase eh mamamatay pa pala ko. Huhu. What did I do to deserve this! Wala na lang akong nagawa kung hindi ipikit ang aking mga mata at intaying mabangga ng sasakyang parating.

Adios world!

Nakiramdam ako. In all fairness huh. Wala akong naramdamang sakit ng mabangga ako. Unti unti kong dinilat yung mga mata ko at inaantay kong magsalita si San Pedro at sabihin na nasa langit na pala ako. Pag dilat ko. Buhay pa pala ko! Tumigil pala yung sasakyan! Thank you Bro at hindi mo pa ko kinuha. Hindi pa ko ready na makasama ka.

Beeeeeeeeeeeeeeeep!

Isang malakas na busina ang nagpukaw sa tulala kong utak. Bigla akong nanghina at napaupo na lang sa kalsada. Nanginginig yung buong katawan ko sa nerbiyos at takot. Hindi ako makagalaw. Naramdaman ko na lang na may bumaba sa sasakyan na muntikan ng makasagasa sa akin.

Kung magpapakamatay ka Miss wag kang mandamay ng iba! Sigaw sakin nung lalaking bumaba sa sasakyan.

Hindi kagad ako nakasagot. Para akong nilalamon ng lupa sa sobrang nerbyos at kahihiyan. Sor----ry po... Hindi ko naman po sinasadya. Nagmamadali lang po ako kaya di ko napansin na may paparating palang sasakyan. Paliwanag ko dun sa lalake. Hindi ko sya tiningnan. Nanatili akong nakayuko.

Naramdaman ko na may bumaba pang isa sa sasakyan. Nako naman. Dalawa pa ata ang magagalit at maninigaw sakin.

What's going on here? Sabi nung lalakeng bumaba ng sasakyan. What happened Manong Benjie?  Dagdag na tanong pa nung lalaki.

Eh Sir , eto kasing babaeng to. Magpapakamatay ata. Muntikan ko ng masagasaan. Sagot nung lalakeng nanigaw sakin kanina.

Nagkalakas na ko ng loob ng tingnan silang dalawa.

Hindi naman sa ganon Manong. Nagmamadali lang po talaga ako kaya hindi ko napansin na may sasakyan na parating. Depensa ko. Aba. Wala naman talaga akong balak magpakamatay. Marami pa akong pangarap sa buhay.

That is such a lame excuse Miss. Ng dahil lang sa pagmamadali mo, magpapakamatay at mangaabala ka ng iba. Paano kung nagmamadali din ako? Sabi nung isang lalake.

Napatingin ako sa kanya...

Jaw dropped...

He's freaking handsome and so hot! Pareho pa kami ng uniform na suot. So malamang sa malamang magkaschoolmate kami. Parang mas lalo kong gustong lumubog sa kinauupuan ko.

Ang tanga mo Kathryn Bernardo! Mahirap palang maging T.A.N.G.A... huhu...

Sorry... Sorry talaga... napayuko nanaman ako sa sobrang kahihiyan.

Ano Miss? Hihilata ka na lan ba sa gitna ng kalsada? Akala ko ba malalate ka na? Sabi nung isang lalake na i think driver nitong si pogi.

Pinilit kong tumayo kaso nanlalambot yung tuhod ko kaya na out of balance ako at muntikan na kong mapasalampak sa kalsada ulit buti na lang bigla akong hinawakan ni pogi sa braso ko at inalalayan.

Careful. He said in monotone.

Para akong namamagnet na tumingin sa mukha nya. At yun nga yung ginawa ko. Tiningnan ko sya sa mukha. He's staring at me. Nakakatunaw ang titig nya. Para bang binabasa nya yung buong pagkatao ko sa pagtitig lang niya sakin. Napayuko nanaman ako. Hindi ko kayang tumagal na makipagtitigan sa pogi na ito. Lumalambot lalo yung tuhod ko ng dahil sa kanya.

So--rry. Yan lang ang tangi kong nasabi.

I assume that we are in the same school based on your uniform. Get in the car. We'll be more late if we don't get moving. Sabi niya sabay hila sakin papalapit sa sasakyan. Wala na kong nagawa kung hindi ang sumakay.

Wala kaming kibuan sa loob ng sasakyan. Tumingin ako sa rearview mirror para tingnan sana sya.

Shocks! Holy molly! Nakatingin pala sya sakin! Bigla kong iniwas ang tingin ko. Namula yata ako. Kasing pula ng red bell pepper!

Daniel Padilla ... bigla nyang sabi.

Kathryn Bernardo ... sagot ko naman.

Andito na po tayo Sir. Sabi nung manong driver. Ni hindi ko namalayan na nakarating na pala kami sa school. Pinagbuksan pa ako ng pintuan ni Manong driver.

Thank you. Tipid kong sagot.

Lumapit si Daniel sakin at bigla akong hinawakan sa magkabilang balikat.

Are you sure you're okay? Should we go to the clinic ?  May pagaalala nitong sabi. In fairness kinilig ako don at namula nanaman ng bonggang bongga.

Ye...ss... yes.. okay lang ako... nauutal kong sabi. Di ko talaga keri ang kagwapuhang taglay nitong si Daniel.

Good to hear that then... tugon nito at binitawan na ako.

I... I need to go na. Super late na ako. Maraming salamat sa pagsabay tsaka sorry sa abala... paalam ko sa kanya. Late na tlaga ko ng 30 minutes. Nakakahiya first day pa man din. Tumalikod na ko sa kanya at lumakad palayo.

Kathryn... tawag nito sakin. Napalingon naman ako at nagtaka.

See you around.. sambit nito .

Bye Ms. Bernardo. Dagdag pa nito. Napangiti na lamang ako.

Bye Daniel... ang tanging sinabi ko at tuluyan ng lumakad papuntang klase ko.

~~~~~~~~~~~~

End of Chapter 1

Any comments and suggestions to improve the story is highly appreciated.

Kindly vote para malaman ko kung itutuloy ko pa ba yung story or not.

Thanks for reading and I really hope you enjoyed!









50 Shades of Daniel [Kathniel Fanfic] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon