June 7
Simple lang naman ang pangarap ko, mahalin ng isang tulad mo, sana ay mapansin mo... dahil simple lang ang pangarap ko, maging ikaw at ako, sana ay mapansin mo... simpleng tulad ko.....
Pakanta kanta pa ko habang naliligo.Maaga na kong nagising this time. Talagang isinet ko ang alarm ng maaga para makapasok ako ng maaga at hindi ako malate.
Naalala ko nanaman yung eksena kahapon. Dahil sa pagiging late ko muntikan na kong kunin ni Lord at nakaabala pa ko ng ibang tao. At take note.. nasabihan pa akong tanga.
TANGA ka pa naman ...
TANGA ka pa naman ...
TANGA ka pa naman ...
Ayan nanaman. Nag eecho nanaman yung boses ng hinayupak na lalakeng yun. Akala ko tlaga he cares. Hindi naman pala. Assume pa more Kathryn!
Palabas na sana ako ng bahay ng may pamilyar na kotse na huminto sa tapat ng gate ng bahay ko. Hindi ko makakalimutan tong kotse na to. Ito yung kotse na muntikan ng makasagasa sakin. Biglang may bumabang lalake mula sa sasakyan. Aba! Eto ung masungit na driver nung hinayupak. Ano naman ang meron at naligaw tong lalake na to.
Ma'am Kathryn, Good Morning po. Pinapasundo po pala kayo ni Sir Daniel. Magalang na sabi nito. In all fairness, mabait naman pala si kuya.
Baka nagkakamali ho kayo kuya. Wala naman pong nabanggit si Daniel tungkol dito. Ang weird lang. Wala naman talaga kaming usapan na may susundo sakin.
Pinapaabot po ni Sir Daniel sa inyo.
Woah. Red Rose with a note. Naguguluhan na talaga ko.
NOTE :
Hi Ms. Bernardo,
I advised my driver to pick you up so you'll not be late and nothing bad will happened to you since you're very clumsy.
Daniel P.
Seriously?! Ganon ba katanga ang tingin nya sakin para gawin pa to. Nakakapika na ah.
Ma'am Kathryn, Sakay na po kayo. Baka malate po tayo. Pinagbukas na nya ko ng pinto kaya wala na kong choice kundi ang sumakay.
Habang nagdridrive si Manong Driver.Umandar ang pagiging journalist ko.
Manong Driver, pwede ho bang magtanong?
Ano po yun Ma'am?
Anong pangalan nyo? hehe
Napakamot sa ulo si Manong Driver. Benjie po Ma'am. Sorry nga po pala kahapon kung nasigawan ko kayo. Natakot lang din ho ako. Sa susunod Ma'am magingat ho kayo ah. Paano na kung ibang sasakyan yon at di nakapreno, edi namatay ka pa. Sabi nito.
Ayos lang Manong Benjie, kasalanan ko naman talaga.
May iba pa kayong tanong Ma'am?
May girlfriend ba si Daniel? Shit! Hindi ko napigil yung sinabi ko. Pag iyan nagsumbong sa amo nya, patay ka nanaman Kathryn!
Wala pong girlfriend si Sir DJ ngayon. Sagot naman nito.
Bakit wala? Follow up question ko. Aba, lulubusin ko na para kahit isumbong nya ako kay Daniel, madami naman akong nalaman. Haha
Hindi ko po alam Ma'am. Yung huling girlfriend nya po 1 year ago na ang nakakalipas.
1 year? Tagal magmove on huh. Siguro mahal na mahal niya kaya hindi pa siya nag gigirlfriend.
Ang tagal na non ah. Tangi kong naisagot.
Busy sa pag aaral at work si Sir DJ. Wala na siyang oras siguro para lumablife. Katwiran nito.Bago pa ko makapag tanong ulit ay nakarating na pala kami ng school ng di ko namalayan.Bumaba si Manong Benjie para pagbukasan ako ng pinto.
Salamat Manong! Nginitian ko siya.
Ma'am may isa pa pong pinabibigay si Sir DJ.Sabay abot ng card at umalis na.
"Why didn't you tell me there was danger?
Why didn't you warn me?
Ladies know what to guard agaisnt, because the read novels that tell them of these tricks." - TessPagkabasa ko ng card parang nagsilutangan lahat ng question mark sa paligid.
Oo na guys...Tama kayo sa hula nyo! Hindi ko naintindihan!
Makapasok na nga at baka malate pa ko dahil lang sa pagiinterpret nito.
~~~~~~~
END OF chapter 4
Guys vote naman saka comment dyan. Nakakawalan ng gana gumawa ng sunod na chapter eh.. 😢

BINABASA MO ANG
50 Shades of Daniel [Kathniel Fanfic]
FanfictionBased on Fifty Shades of Grey A Philippine Version of the world wide best selling book. Starring Mr. Daniel Padilla and Ms. Kathryn Bernardo. New Twist. New Flick. Hope you enjoy! 😊