Mr. Rebel
Andy's POV
"Andy! Gumising ka na! May Pasok ka pa!" Sigaw ni Mudra, Ayts! Natutulog pa ko eh! "Andy!"
"Opo! Eto na po..." Bumangon na ko kahit gustong-gusto ko pa matulog.
Ginawa ko na ang morning routine ko at bumaba para pumunta sa sala.
"Good Morning Anak!" Bati ni mudra, nginitian ko na lng sya, inaantok pa ksi yung mata ko.
Huhu, Poor Eyes
"Si Papa po?" Tanong ko, Dahil na wa-wala ang pepsi ko--este papsi, hehe.
"Nauna na, kelangan pa sya sa business natin eh." Sagot ni Mudra. Nagsimula na kong kumain dahil nakahanda na kanina pa, mwehehe, Princess ako eh, Char lng.
Natapos ako at nag-ayos ng sarili ko.
"Sige na ma, mauna na ko, baka malate pa ko eh." Sabi ko at hinalikan sya sa pisngi. "Bye!"
Naglakad ako papunta sa sakayan, ayako mag pa hatid, di ako Prinsesa-- ay weyt!
Sabi mo Princess ka kanina! Ngayon hindi?! Aba Tinde mo!
Hehe, oo nga noh. Di ko namalayan yun, pfft!
Pag-dating sa school bigla may lumapit sakin at hingal na hingal pa. Luh?
"A-andy..." tawag nya sakin, habang nag hahabol ng hininga. "Ma..ma-may nag kakagulo dun!" Aish! Kaya ang hirap maging President Council eh.
Oo, President Council ako.
Tumakbo na ko sa sinabi nya. Aish! Ang aga-aga away talaga ang una nyang ginagawa?! Malaman ko lng kung sino yun! Aish!
Nakita ko yung kaguluhan sa Garden ng School. Tinawiran ko yung kumpulan at nakita ko na kung sino yung nag-aaway.
"Tumigil nga kayo!" Sigaw ko at pumagitna sakanila. Tinignan ko kung sino yung nag-aaway, yung unang studyante na nakita ko, first time ko pa lng nakita makipag-away pero yung pangalawa--
"Rory?! Nakikipag-away ka nanaman?!" Sigaw ko, Naku! Mapapaktay ko tong lalaking toh eh.
"Dahil Sayo, nakikipag-away ako." Sabi nito at umalis, Hanudaw? Ano bang ginawa ko sakanya?! Di ko naman sya inaano!
Nagsi-alis na yung mga tao at ako naman pumunta na sa klase ko, Hayst!
Bwiest ka Rory! Rebel ka talaga! Mr. Rebel!
Umupo ako sa upuan ko sa likod, kaso wala yung Rebel! Naku! Nakipag-away na nga! Di pa pumasok! Tsk!
Nakinig na lng ako kahit na lutang na lutang ako. Habang nag-lelecture ang Science Prof namin biglang bumukas ang pinto.
Tss. Mr. Rebel.
"Mr. Castro! Bat andito ka? Kung duguan ka naman! Go to the Clinic!" Sigaw ni Ms. Alice. Ang itsura naman ksi nitong Rebeldeng toh, may dugo sa may labi at sa tabi ng mata nya, meron rin syang sugat sa may ilong nya, Hayst!
Concern ka namern.
Oo naman-- este Oo ksi kaibigan ng mga magulang ko, ang mga magulang nya, kaya may pagka-close kmi, Ok?
Umupo sa tabi ko si Rory-- ksi seatmate ko sya. "Isusumbong kita lay Tita." Bulong ko.
"Tss." Ganda ng sagot nya ano? Syempre si Rory yan eh, Rory Castro!
Kinuha ko yung first aid kit ko, Pak! Girl Scout ang peg ko, hehe. Lumingon ako sakanya at nilingon yung ulo sakin at ginamut yung sugat nya.
"What are you doing?" Tanong nya, Pfft! Slow.
"Obvious naman po Sir na ginagamut ko yung pesteng sugat mo." Sabi ko at dahan-dahan na ginagamut yung sugat nya, dahil napaka-reklamador nya!
"Stop i-- Aww." Diniinan ko dahil ayaw nyang ginagamut ko yung sugat nya. Ng mtapos ko yung sugat nya, nilagyan ko ng--di ko alam ang tawag basta sa gitna sya ng ilong nilalagay, kaya nilagay ko dun sa sugat nya.
"Tapos na." Sabi ko, di naman kmi nakita ng teacher namin dahil nasa likod naman kmi. Sumunod na yung next subject namin, Physics.
Habang nag-tuturo yung prof, nakita ko si Rory, napaka-likot na parang may gustong sabihin.
"Anlikot mo." Sabi ko at narinig ko lng sya na bumuntong hininga.
"Andy..." Tawag nya sa Pangalan ko.
"Oh?" Tanong ko, bigla na lng nag-ring yung bell, Break Time! Tinignan ko ulit si Rory. "Ano yung sasabihin mo?" Tanong ko ulit.
"Thank You." Sabi nya at lumabas na ng classroom, Bago yun mga bes! Nagpasalamat ang isang Rory Castro! Minsan lng yan, hindi pa nga yata eh, Pero pag mag so-sorry, Hay Naku! Wag ka ng umasa!
Lumabas ako at dahil wala akong trip kumain, pumunta na lng ako sa library, magpapaka-nerd ako, char! Haha.
Nag-hanap ako ng magandang storya para basahin, Idol ko si William Shakesphere, Favorite ko yung Romeo and Juliet, Oh Diba?
Kumuha ako ng isang libro na nangangalan-- weyt, nagkaroon na ba ng pangalan ang mga books? Pfft!
Your Crazy Andy.
Maka-crazy kala mo naman, basta ang title ng libro ay 'A Walk To Remember', sa totoo lng alam ko na toh eh, hehe, may movie ng ganito eh, pero mas gusto ko basahin.
Nag-hanap ako ng pwesto at nag-stay dun, may 45 minutes pa ko, Habang nag-babasa naramdaman ko may umupo sa harapan ko, pero di ko pinansin.
"Andy right?" Tanong nito, tinignan ko, Ay sheteng palaka na pinagpatong-patong ko-- mali hindi ganun yun eh, ang alam ko... aaah! Nevermind.
"Bakit?" Tanong ko kay crush, oo crush ko tong nasa harap ko. Kunyare di ako kinikilig, mwehehe.
"What are you reading?" Tanong nya at pinakita ko yung cover sakanya. "Ah... yan, that's a sad story."
Ay! Spoiler si Koya.
"Bat ka pala nandito? Kelangan mo?" Tanong ko, masyado yatang harsh pero pwede na.
"Ahm.. yayain sana kita lumabas bukas, kung pwede?" Sabi nya, ganto yung gusto ko sa lalaki ehm di torpe!
"Sure." Sabi ko at nginitian sya.
"Sige, bukas na lng." At nginitian nya ko, emeged bes! Pwede na kong mag-melt, Naks! Melt, di ba pwedeng tunaw? Pfft.
--
Ngayon ay nag-lelecture na ang dakilang kong Prof sa History. Ako naman eto, kinikilig pa rin, hala! Anong isusuot ko? Dress? Pantalon? Ano ba Andy?! Kalma nga!
"What's Bothering you?" Tanong ni Mr. Rebel, kinarir ko na yung rebel, haha.
"None of your business." Sabi ko at nakinig na lng sa Teacher namin.
"Ms. Leah!" Sigaw ni Mr. Rebel with matching taas ng kamay.
"What is it Mr. Castro?" Tanong ni Ma'am. Anong balak nito?
"Napansin ko lng po na, Something Bothering Ms. Lim." Sabi nya.
Ay Shet ka!
"Is that's true Ms. Lim?" Tanong sakin, Asih! Mamaya ka sakin Mr. Rebel
"S-sorry po Ma'am" sabi ko at umupo ng naka-tungo, tinuloy na lng ni Ma'am yung lecture. Ng mag-bell ay lumabas ako ng room, nag-lakad ako palabas, ng makalabas ako ng building, biglang may umakbay sakin.
"Lalo kang pumanget kanina, haha." Sabi ng Kumag na katabi ko! Aish! Namumuro na ko dito.
"Tse! Lumyas ka nga dito! Bwiest!" Sigaw ko, at inunhan syang mag-lakad.
"Toh naman, Di mabiro." At inakbayan ako ulit.
"Bitawan mo nga ko." Sabi ko at inalis yung akbay nya.
"Isusumbong kita kay Tita, dahil sa ginawa mo, haha." Sabi nya, binatukan ko sya agad.
"Kaasar!" Sigaw ko at nag-lakad ng mabilis.
Sinusumpa kita Mr. Rebel!
+Please Vote, Comment And Share+
BINABASA MO ANG
Mine [Completed]
Short Story"You are Mine and You can't do anything about it."-Rory Castro