Usapang nararamdaman..
Ano nga ba?
Masakit. Mahapdi . nakakadurog. Nakakapanghina..
paulit- ulit ang sakit na tila ba’y wala itong katapusan.
Katangahan .. kaduwagan . selfish.
Madaming SANA.
Sana, hindi ako naging duwag
Sana hindi ako naging mahina
Sana mas pinaramdam ko.
Sana sinabi ko.
Sana hindi ko pinairal ang pagiging selfish ko
Sana hindi ako natakot sa magiging reaksyon niya o ng mga taong nakapaligid saamin.
Sana.. nakakaleche!!!! Puro SANA!!!
Mga nasayang na SANA!!
Mga SANAng wala namang mapupuntahan, patutunguhan.
Mga SANAng hindi ko dapat inisip o pinansin!!
Eh di sana.. letse! SANA NA NAMAN!!!
Nakakapanglumo..
ngayon hindi ko na alam.
hindi ko alam kung makakaya ko pa..
masakit
- masakit kasi hindi na siya magiging akin kailan man.. ikakasal na siya. wala ng chance ..
habang lumilipas ang mga araw.. unti unti akong nawawalan ng pag asa.. unti unti kong mararamdaman na malayo na siya...
mahapdi
- mahapdi sa pag katao ko na makita siyang masaya.. how i wish ako yung dahilan..
mahapdi sa akin na ilayo ang sarili ko sa nakasanayan at sa taong lihim kong minamahal.....
nakakapanghina
- nakakapanghina na makita ang realidad na kung maaari lang
na sana ako ang katabi niya.. ang katawanan niya..
nakakapanghinang isipin na hanggang tanaw at sulyap na lang ang magagawa ko.. wala ng back hug.. wala ng akbay. or kahit pasimpleng kiss. .
nakakadurog
- nakakadurog puso na kung sino pa ang kauna unahan kong minahal ng lubos ay siya pang aking kauna unahan ding hindi na kaalam nang tunay kong nararamdaman.
nakakadurog ng puso na hanggang pangarap na lang ang lahat..
nakakadurog ng puso na sasabihan mo siyang masaya ako para sayo kahit hindi naman.. wala kang ibang magagawa kundi ang tanggapin ang katotohang hinding hindi na magiging akin si KARYLLE.
BINABASA MO ANG
vicerylle oneshots
Fanfictionbunga ng aking isipan pag katapos ng PASABOG ni Kurba nung sat Feb 8 2014..