sulyap

64 2 0
                                    

[A/N. Yay! Happy birthday tooooo me! Cheeeers mga baklaaaaaa 😂 🍻🍻🍻🍻 may pagkamagulo ng beriberi slight lang to pwamis mapapansin nio din naman pero uunahan ko na kayo hahaha (para kahit dto man lang ako naman ang mauna at hindi laging huli charooooooot wag patola! 😂😂😂) ]

Vice POV

Ang ganda pa din ng mga ngiti mo..
Ngiting alam kong hindi na para saakin..
Ngiting alam kong hindi na ko ang dahilan..
Ngiting hanggang sa malayo ko nalang malayang mapag mamasdan..

Ang saya mong tignan.. katawanan at kausap ang mga kaibigan mo habang kumakain ka ng pancake ng mcdo 😂
Kyot kyot mo po..
Gusto kong punasan ang dumi mo sa bibig.. para ka kasing bata patango tango ka pa habang sumusubo tipong kinikilatis mong maigi ang kinakain mo.. kyot mo po hahaha tara uuwe na kita gagawin kitang keychain! Charooot.

Hindi ko pag sasawaang titigan ka kahit sa malayo lang..
Hindi mo man alam..
Hindi mo man pansin..

Pero sumasaya ang puso ko tuwing masaya ka..
Kahit alam kong halata sa mga mata mong may dinaramdam ka..

Hindi ko matitigan ang iyong magandang mata..
Dahil baka hindi ko mapigilan at ikay aking lapitan at yakapin..
Gusto kong burahin ang sakit na nakikita ko sayong mga mata..
gusto kong pawiin ang lumbay..
Gusto ko lagi ka lang naka ngiti..
Lagi kang masaya..

Kahit alam kong imposible dahil tao ka pa din naman at di maiiwasan ang pag kakaroon mo ng problema..

Gusto kitang lapitan at sabihing "hey love. Im here. Ill always be here for you no matter what. You can count on me. You can lean on my shoulder if youre tired. You can tell me all the things that bothers you." But i knew better.
I knew better that its not that easy .

Ohhhh nawili akong titigan ka. Di ko namalayang tapos ka ng kumain ☺

[Ang manhid mo po charooot! ]

Di mo namamalayan na may isang pares ng mata ang nakatitig sayo mula pa kanina..

Pero magandang gawain yan ng di mo ako makita.. nang hindi mo mamalayan na nasa paligid lang ako..

*piping bulong ng puso ko*
Sana lumingon ka.. sana mapansin mo..

Pag lumingon ka lalapitan kita..

Pero hanggang sa paglabas niyo ng pinto hindi mo man lang ako namalayan.. di mo man lang napansin..

Ihahatid kita..
Ihahatid kita ng tanaw.

Hanggang tanaw na nga lang talaga ako mahal ko.

At akoy panandaliang magpapahinga..

Panandaliang aalis..

Panandaliang tatakas sa pag asam ng atensyon at presensya mo..

Makuha mo sana akong mapansin, kahit isang sulyap man lang din ang makamit ko mula sayo..

Vice*whisper* :
Karylle ko..
Huling sulyap nalang mahal ko..
Isa nalang..
Isang isa na lang..

🍃🍃🍃🍃🍃🍃

vicerylle oneshotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon