the LETTER

264 4 3
                                    

Karylle.

   Alam kong nagtataka ka kung bakit ako iwas ng iwas sayo. Di mu naman siguro ako masisi kung sasabihin kong nasasaktan ako. Kasi Mahal kita. Mahal kita ng sobra kaya sobra din yung sakit.

Alam mo bang mag tatapat pa lang dapat ako sayo. Kaya lang huli na pala ako. Huling huli na.

Ang tanga tanga ko kasi eh. Inuna ko yung pagiging selfish at kaduwagan ko. Naduwag akong magsabi agad kasi.. ayaw kong masira ung friendship na meron tayo. Ayokong masira kung ano tayo on and off cam. Ayokong lumayo ka sakin.

Alam ko naman kasing wala akong pag asa eh.. may Yael ka na. Nauna mo siyang minahal kaysa sakin at tanggap ko yon.. mas nauna ka niang napasaya.. napangiti kaysa sakin.

Mading UNA kayong nagawa.. napag samahan.. nakakaingit lang. .

Na kung kailan napapasaya na din kita.. dun pa ko na fall sayo.. oo K bakla ako.. pero mahal kasing talaga kita eh.. kahit masakit na ikakasal ka na ngayon kailangan kong tanggapin kasi wala namang TAYO eh. Mero  lang tayong pagkakaibigan.. un lang.

Ni hindi ko nga matandaan kung kailan ko nasabi sa sarili kong .. ETONG BABAING TO.. ITO ANG MAHAL KO.. PINAKAMAMAHAL KO.. AT MAMAHALIN KO HANGGANG SA DULO ..

Sana for the last time.. i can call you MINE.. kahit sa huling pag kakataon.. matawag kitang KURBA KO.. MAHAL KO.. :> ngayon na ang huling pagkakataong yun kung maipahihintulot mo lang MAHAL KO..

(well as for now K wala kang magagawa kasi sulat to eh.  haha di mo makokontra..haha)

Dahil sa pag tatapos ng araw na ito.. hindi na kita matatawag na MAHAL KO

Dahil alam kong hindi ka akin.. hindi na magiging akin kailan man ng LEGAL..

   Alam mo bang pinangarap ko ding makasal???.. makasal SAYO.  . Matawag kang MRS VICERAL..

Ikaw ang aking Mrs. Ana Karylle VICERAL.. maibigay sayo ang dream wedding na gusto mo.. pero alam kong imposible dahil hindi ko naman sinabi sayo ang tunay kong nararamdaman..                             

Funny how they say that Im a Coward.. Im a selfish person.. alam ko namang tama sila eh.. dahil hindi kita magawang ipaglaban.. hindi ko magawamg masabi sayo ng harapan na MAHAL KITA na KAILANGAN KITA na sana AKIN KA NA LANG..

Wala eh.. sadyang ganto ako.. duwag dahil ikaw.. ikaw ang kauna unahang minahal ko ng ganto.. ikaw ang gumising kay JOSE MARIE..

ikaw ang nag pamulat sakin na kahit anong mangyari nakasupporta ka saken.. ni hindi mo nga     ako dinown kahit minsan..

For the very last time K.. Kurba.. Mahal ko.. sasabihin ko na MAHAL NA MAHAL NA MAHAL NA MAHAL KITA.. tandaan mo yan ha.. Wag mo kong alalahanin .. alam mo naman na makakamove on din ako.. in time..

Sa pag amin kong ito sayo alam ko na may malaking magbabago.. may malaking ganap na walang makakabura kundi ang paglipas lang ng panahon..

Paghihilumin ko muna ang SUGAT ah.. pansamantala muna akong lalayo MAHAL KO..

I wish u both the best.. alam kong masaya ka.. dis is it K..  CONGRATS..

Last na.. can u give me a big SMILE?? isang pabaon mo saakin..  bago ako lumisan.  Isang lingon na may kasamang ngiti ay ayos na ko.. un lang..

                  MAHAL KO..

Nagmamahal .

JOSE MARIE VICERAL






YAEL’s POV

FLASHBACK…

Sa paglabas ni Yael sa kanyang Hotel suite may nakasalubong siyang isang DeliveryBoy..

May dalang isang Boquet ng Bulaklak.

Yael: uhm excuse me. What are you looking for?

DeliveryBoy: ay sir. Hinahanap ko po kasi ung suite ni Ms. Tatlonghari. Ung ikakasal.

Yael: ah.. ako ang mapapangasawa niya, anong kailangan mo?

DeliveryBoy: may nagpapadeliver po kasi ng mga ito.

Yael: ah ganon ba. Sige , at ako na ang magbibigay.

DeliveryBoy: naku. Maraming Salamat po sir! Pakipirmahan na lang po ditto.

*ibinigay ng deliveryboy ang isang slip, pagkatapos itong pirmahan ni Yael.. umalis na agad ang delivery boy*

Sa pag kakabigay ng mga bulaklak kay Yael ay may napansin siyang isang envelope na may pangalang KARYLLE.




END OF FLASHBACK





-----



Liham sa bulaklak. Mahal nga niya si Karylle

Hinatid ko na ang mga bulaklak. Kasama ang sulat.


Hindi muna ako umalis. Gusto kong marinig kung anong masasabi ni Karylle sa sulat ni Vice sakanya.

Silang dalawa lang ni Sid ang nasa loob ng suite. Hindi nila alam na nasa labas lang ako at dahan dahang pinihit ang door knob.


Karylle: Sid! May sulat.. galing kay Vice. Ano? Uhmm babasahin ko ba?


Sid: basahin mo na girl, nang matahimik ka na.

Mahabang sandal ang lumipas at unti unti ko nang naririnig ang mga hikbi niya.


Alam ko kung ano ang laman ng sulat. Dahil binasa ko ito. Alam kong hindi tama, pero parang may nagtutulak sakin na gawin iyon.

K: Si-sid, mahal ako ni Vice. Sid mahal din niya ko!

DIN!!! Ibig bang sabihin nito na minahal niya si Vice?

K: ba-bakit ngayon lang Sid? Bakit? Kung kalian ikakasal na ko!! Ang sakit sakit naman Sid. Mahal ko siya eh.. mahal na mahal. Ang selfish selfish niya talaga huhu.. anong gagawin ko?

Sid: tahan na girl. Siguradong may dahilan siya.

K: oo Sid!! May dahilan nga siya at Bullshit yung mga dahilan niya!!! Sana sinabi niya!! San

then K cry out her heart.


Hindi ko na kinaya pa.. at umalis na lang ako. Masakit pala. Na marinig mismo sa taong mahal mo na may minahal siyang iba. Ang Karma nga naman noh. Digital na ang pagdating.


Marami akong lihim. Lihim kay Karylle, dahil ayaw ko siyang saktan. Alam kong wala siyang choice nung tinaggap niya ang proposal ko. o sadyang mahal lang niya talaga ako. Siguro kaya niya tinanggap dahil nasaktan siya. Nasaktan siya sa pambabalewala ni Vice sakanya. agggrrhh hindi ko alam. hindi ko na alam.



Tama bang ituloy ko pa ang kasal??


Pero mahal ko din si Karylle…

vicerylle oneshotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon