Karylle POV
While staring at you from a far i realize that youd never been mine.
Siguro sa isip at puso ko akin ka pero sa realidad kahit kailan ay hindi
Minsan iniisip ko ano ba ang mali, ano ba ang kulang?
Sa akin ba? O sayo?Gaano nga ba kalupit si tadhana.
Hindi ko alam.
Hindi ko masabi.
Hindi ko maipaliwanag.
Hindi ko ata kaya......
Bakit? Bakit pa nga ba pinag tagpo kung hindi din naman dapat? Kung mali rin naman. Kung hindi din naman kayang panindigan ang salitang MAHAL KITA AT AKIN KA. Kung hindi din naman kayang pahintulutan na mahalin ka at mahalin mo ko?
Ang sakit naman. Ang sakit sakit naman.
Umasa ako eh.
Umasa ako na isang araw pag mulat ko ng aking mga mata, ikaw ang unang masisilayan.
Umasa ako na sa bawat na araw na darating ay naririyan ka sa aking tabi.
Umasa ako na sa bawat iyak at tawa at lungkot ay ikaw ang karamay.
Umasa ako na kamay mo ang hahawakan ko pag akoy nanghihina
Umasa ako na sa bawat salitang HINDI KO NA KAYA ay naririyan ka upang magsabing KAYA MO YAN MAHAL KO.
Umasa ako na pag akoy namali naririyan ka upang samahan akong itama muli.
Umasa ako...
Umasa ako eh...
Umasa lang pala ako.
Umasa ako sa wala...
Ahhhh oo nga pala.
Wala nga palang TAYO kaya hindi dapat ako umasa na sa bawat punto ng buhay koy naririyan ka.Ang lupit naman ng buhay. Ang lupit ni tadhana. Ang lupit ng pag kakataon na sa bawat pag gising ko ay hinahagupit ako ng katotohanang hindi ka nga pala akin.
Even though youd never been mine ill be forever be here, from a far, watching you and loving you.
.
.
.
.
.
.
.
.
.💫💫💫💫💫💫💫💫💫💫💫💫
(Ctto for the pic! I just saw it on twitter hehehe)
Happy 24th to meeeeee oraaaaaayt! 🍻🍻🍻🍻
BINABASA MO ANG
vicerylle oneshots
Fanfictionbunga ng aking isipan pag katapos ng PASABOG ni Kurba nung sat Feb 8 2014..