"Status Update": Chapter Three

2K 7 2
                                    

Wala syang ideya kung anong ire-reply ..


Tila nayanig ang ulo nya nang malamang nagreply ito sa kanyang pagpapa-pansin sa kauna-unahang pagkakataon ...


"Ahm ... ako nga pala si .. hindi, masyadong epic. Uhm, Hey I'm Leah and I'm one of your ... hindi, masyadong pa-cool .. Ah-Ahm ..."


Ngunit hindi pa naman nya natatapos ang tina-type ay naka-receive na uli sya ng reply mula sa binata:


"Ok. Just another fan ... By the way, thanks."


Kaagad nyang dinelete ang tina-type nang mabasa ang mensaheng iyon.


Nasaktan man ay totoo naman ang sinabi nito ...


Fan nga lang naman sya nito. One of his many fans. Isa lamang sa mga nagla-like ng mga post nito. Kabilang sa mga natatabunan ang comment kapag na nagflood na ang mga masugid nitong mga followers.


Pero hinawi nya kaagad ang nararamdaman.


Gusto rin naman nya ang kanyang ginagawa. 


Masaya sya sa pagsuporta at pagsubaybay sa buhay ng binata.


Hindi na importante kung pinapansin sya nito o hindi. 


Ang importante ay konektado sila nito sa Facebook na nagsilbi nilang mundo.


Lumipas pa ang mga araw, mga buwan, ay tila nagsilbing saksi ang Facebook sa mga pagbabago at achievements ng kani-kanilang buhay.


Post doon ...


Post dito ...


Tila naging scrapbook nya ang timeline ng binata kung saan nasasaksihan nya ang nagawa, ginagawa at gustong gawin ng binata sa buhay.


At sa lahat ng iyon ay nasa likod lamang sya nito.


Nakamasid, nakasuporta ...


At sya, patuloy na nagsusumikap sa propesyong gusto nyang makamtan ... matapos ang kursong kinuha "Bachelor of Science in Accountancy".


At habang tumatagal ang panahon, tila lumalala pa ang nararamdaman nyang paghanga sa binata.


Mula sa wallpaper nya sa cellphone hanggang sa mga posters nya sa kanyang kuwarto ay tila imahe ng binata ang makukuha mo.

"Status Update" Ongoing SeriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon