Nakatitig pa rin sya sa binata at ganun naman ito sa kanya.
The time was stuck as she stares at him. Na para bang sila lang dalawa sa lugar na ito.
"Uhm ... M-Miss? Miss?"
Nagising sya sa kamulatan ...
Nasilayan pa nyang nangungunot ang noo ng binatang nakatingin sa kanya.
Kaagad syang tumayo at nag-ayos ng sarili.
Ramdam din nya ang mga matang tila nakatuon lahat sa kanya.
"Ah eh ... ah" hindi nya alam ang sasabihin nya. Sunod-sunod syang napalunok. "Ahm ..."
"Miss ... are you okay? Do you feel alright?" he deliver his words sincerely as if he is really concerned with her.
"Ah okay lang ako, okay lang ako." wala sa loob na sagot nya. Halos hindi sya makatingin sa binata.
Magkahalong kaba at hiya ang kanyang nadarama sa pagkakataong ito at halos blangko ang kanyang utak sa kung anong dapat gawin.
"Ah sorry, sorry talaga ..." matapos ay parang tinakbo na nya ang natitira pang hakbang patungong restroom.
Sinundan naman sya ng mga kaibigan na napatunganga rin sa nangyari.
"Friend okay ka lang ba?" tanong ng kanyang mga kaibigan habang patuloy syang naghihilamos.
Umaasang mawala ang natitira pang kalasingan dulot ng nainom na alak.
Pagkatapos ay tiningnan nya ang sarili sa salamin.
Nakararamdam ng pagkahiya ang buo nyang pagkatao.
Hindi nya alam kung babalik pa sya doon sa kanilang table o kung papaano nya haharapin ang binata kung sakaling magkita muli sila nito.
"Sana hindi nalang ako uminom eh .... nakakahiya. Nakakahiya!" singhal nya na para bang iiyak sya.
"Ano kaba ... ok lang yan. Nangyayari talaga ang mga ganyan sa lugar na'to noh. Huwag mong masyadong damdamin ..." pagbibigay comfort naman ni Aiza sa kanya.
Lumingo-lingo sya.
"Hindi eh .. hindi. Ang ibig kong sabihin .... hindi naman ang bagay na iyon ang inaalala ko. Okay lang naman sa akin yun, madaling makamove-on sa bagay na yun." naiinis na sagot nya. Naiinis sya sa kanyang sarili.
" Ang iniisip ko ... andito sya. Andito sya nang hindi ko inaasahan ..."
Sabay-sabay na nangunot ang noo ng tatlo.
"Ha? Sinong andito? Andito ba tatay mo? Nahuli ka ba nya rito?"

BINABASA MO ANG
"Status Update" Ongoing Series
Romance" 10 years na ang facebook, 5 years na ang account ko .. apat na taon na simula nung makilala ko sya .. apat na taon na rin akong like ng like, comment ng comment sa mga status update nya. sa loob ng apat na taon na yun, naging follower nya lang ako...