Status Update: Chapter One

6.6K 5 1
                                    

Status Update:

"Raphael Montaner changed his profile picture 10 minutes ago"

Pagkabukas palang nya ng kanyang laptop ay bumungad kaagad sa kanayng newsfeed ang status update ng binatang hinahangaan nya.


"Nagchange sya ng profile picture nya, 10 minutes ago .. ila-LIKE ko to! Naku, ang lakas talaga ng karisma nya. Ang gwapo-gwapo nya .. 


Good Morning labidabs ko. I love you muwahh ..." ang maririnig mo usually sa kanyang kuwarto tuwing umaga habang nakadapa sya kaharap ang kanyang laptop.


 Samahan pa ng mumunting hagikhik at tili nya sa tuwing vine-view ang mga photos ng binata.


"Teka, magko-comment ako ...



ANG POGI MO RITO.



 Ayan .. posted!" humagikhik ulit sya.

"Hay .. sana balang araw  magkita kami ng taong 'to. Yung tipong face to face, eye to eye. Mahawakan ko man lang sya ... ok na yun! At least di ba, nagkita kami in person ng ultimate crush ko." dagdag nya pang emote habang tila nakatingin sa itaas. "Lord, ikaw na po bahala sa hiling ko. I love you po, muwahh!" at tsaka ngumiti. Umaasang magkakatotoo ang hiling nya.


"Ilang beses mo na bang inulit ang linyang yan ate?" basag momentum ng kanyang kapatid na kanina pa pala nakikinig at nagmamasid sa kanya.


Iisa lang kasi sila ng room nito. Madalas ay nauuna lang itong gumising sa kanya.


"Pambasag trip ka naman eh, hayaan mo na ako noh. Dito lang ako nai-inspire ... sa taong ito Malay mo, kami talaga nito." sabay dausdos ng kanyang mukha sa laptop kung saan naka-replika ang larawan ng lalaki.


"Sus, asang-asang ka pa eh. Kala mo naman napapansin ka nyan. Ni-like ba ang comment mo?


Nag-thank you ba sa like mo? Na-reply ba sa message mo? At higit sa lahat ..."

Inagaw nito ang mousepad mula sa ate nya at viniew ang profile ng lalaki. "Ayan, friend request sent ... kelan pa yan? Apat na taon ka na atang nagpapa-follow sa lalaking yan eh. Mahirap ba ang mag-confirm?


 Oh ano, Leah Torrechiva? Saan ang sinasabing mong may pag-asang maging kayo?"


Kumunot ang noo ni Leah nang sabihin ng kapatid nya ang mga salitang yun.


Kunsabagay may punto nga naman ito.


4 years na ata syang nagpapa-follow sa mga post ng binata pero wala pa ring nangyayari.


Wala pa rin syang mapapala.


Pano ba naman kasi, nasa Maynila ang lalaki at naririto sya sa Gensan.

"Status Update" Ongoing SeriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon