Status Update: Chapter Six

433 2 4
                                    

Andun pa rin ang ngiti ng binata sa kanya habang magkahawak pa rin ang kamay nila.

Silence took the moment.

Matapos ay ang binata na rin ang lumubay sa pagkakahawak na yun.

"I'd like to thank you that you came here." bumuntong-hininga muna ito bago nagpatuloy. "We will just call you kapag may ibang bakanteng position na sa kumpanya. I have your number naman here, for sure .. you are on top of the list."

Hindi nya lubos maunawaan ang sinasabi nito. Pero nang matauhan ay pumasok na rin sa utak nya ang gusto nitong ipahiwatig ...

Hindi sya natanggap.

Not qualified for the position.

Doon na napalis ang ngiti sa kanyang mukha.

Nang lumabas sya ng silid ay doon na nangilid ang luha sa kanyang mga mata.

Ang bigat ng pakiramdam nya.

At ang babaeng iyon na naghihintay pa sa lobby, ang babaeng may body statistics na 36-24-26, ang babaeng ilang bote ng glutathione ang naubos ay abot tenga ang ngiti.

Siguro alam na nito na sya ang natanggap para sa posisyon na yun.

All the interviews she undergone were all scripted.

And the answers she has given were all in  vain.

Nang bumaba na sya sa building na iyon ay doon na tumulo ang kanyang luha.

The people are staring at her, watching her as she cries. Pero wala syang pakialam ...

Bakit ganoon?

Alam nyang may ibubuga sya kaysa sa babaeng iyon, hindi nga lang sa kagandahan.




Nakalublob ang mukha nya sa unan ...

Alas-diyes na ng gabi ay hindi pa sya nakakatulog.

Wala rin syang ganang magfacebook ...

dahil na rin sa nangyari kanina ay para bang nasira ang araw nya.

Sanay syang makatanggap ng rejection.

Bago pa man sya natanggap doon sa cargo shipping bilang accounting staff ay ilang beses din syang inayawan ng mga kumpanyang pinasahan nya ng resume.

Pero sa pagkakataong ito ...

ngayon lamang nya naramdaman ang pakiramdam ng tunay na pakatalo.

Sa taong mahal pa nya ...

Sa posisyong kuwalipikado naman sya.

Iilang sandali pa ay mumunting hingos na ang maririnig mo sa silid.

Wari isang batang umiiyak ...

"Hindi pwede 'to! Hindi pwede 'to! Ako dapat yung natanggap! Ako!" maktol pa nya habang para syang batang sinusubsob ang mukha sa unan. 

"Ano bang mali sa nasagot ko? Lahat na yata ng nalalaman ko na nagmula pa sa kaban ay ibinigay ko na! Ano ba! Bakit nagkaganun! Hindi pwedeng masayang ang pagkakataon na yun! Hindi, hindi dapat!" Habang patuloy pa ang kanyang pag-iyak.

Nang gabing iyon ay hindi nga sya nakatulog na maayos.


"Anong nangyari at parang sinuntok ng sankaterbang kamao yang eyebags mo?" bungad ni Shylyn nang madaan ito sa kanyang cubicle.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 07, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

"Status Update" Ongoing SeriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon