Status Update: Chapter Five

532 4 1
                                    

"36-24-26?! Nagbibiro ka ba or sadyang mapangarapin ka lang talaga? Eh si Angel Locsin lang ata may body statistics na ganun eh." halos mahulog ang panga ni Miguel nang mabasa nito ang post ng kaibigang si Raphael.

Nasa opisina na sila nang mga oras na yun.

Walang gaanong trabaho kaya't nakatambay nalang sa Facebook.

Nakangisi lamang si Raphael karahap ang computer nito. 

"Oh, bakit ka nagagalit? Eh yun yung gusto ko eh, masama bang magkagusto sa katulad ni Angel Locsin? Ang ganda kaya nun. "

"Hindi naman masama." Tumayo pa ito mula sa cubicle nito. "Hindi masamang magkagusto .... ang masama ..." Tiningnan nya ang kaibigan sa mukha. "Ang lubusang mangarap."

Sa halip na mainis sa kaibigan ay ngumisi lamang si Raphael.  "May namatay na ba sa paga-ambisyon?"

"Anong napasok sa kukute mo at kumuha ka ng VIP card sa isang gym? Hindi ka naman masyadong mataba ah? Para sa akin. okay lang naman ang katawan mo. Hindi masyadong payat, hindi rin mataba. So, anong kwento?" maang na tanong ni Shylyn nang magpunta sila sa isang fitness gym ng kaibigang si Leah.

Sa tanang buhay na naging kaibigan sila nito ay hindi kailanman ito naging health and body conscious.

Ngayon lang ...

At alam nyang may dahilan ang bagay na ito ...

Yun ang gusto nyang alamin.

"Eh sino bang nagsabi sayo na ang matataba lang ang may karapatang mag-gym ha? Gusto ko lang maging healthy noh."

Aalis na sana sa lugar matapos magbayad ng 2 months subscription at makuaha ang VIP card nang harangin sya ng kaibigan.

"Anong kwento ha? nakataas ang kilay nito na waring isang mangkukulam na naghihintay ng sagot.

Pero ang lalong nagpasindak pa sa kanya ay mukha nito na bakas ang pagbabanta.

Plastic syang nagbigay ng ngiti. "Ah eh ... kuan kasi eh .."

"Ano?!"

"Gusto ko lang magkaroon ng body statistics na 36-24-36!"

"Wet the fact! (what the fu*k) Anong pinakain sayo ng lalaking yan at bawat gusto nya sa isang babae eh trying hard kang abutin? Adik ka ba? Eh boobs mo palang malabo nang maging 36 eh!" sermon ni Shylyn.

"At isa pa, mahirap abutin ang perfect body statistics na yun! Bakit? Yang lalaking inaasam-asam mo, may 6 packed abs ba?" dagdag ni Aiza.

"Oo nga ... marami namang lalaki dyan ah, mas gwapo ... mas macho ... mas maporma .. bakit kinukulong mo ang sarili mo sa isang taong wala namang pag-asang maging kayo? Take note! Apat na taon ka nang follower nya sa Facebook! Anong update? Friend Request Sent pa rin!" pabidang mga linya naman ni Yvette.

Kanina pa syang tadtad ng sermon sa mga kaibigan.

Nasa coffee shop sila. 

Matapos ang trabaho ay nagpasyang magkita-kita ang apat ....

para siguro sermonan lamang sya.

"Hayaan nyo na ako ... alam nyo namang first time ko tong mahulog at maging tanga sa isang lalaki. Siguro, kung mararamdaman nyo lang ang nararamdaman ko, kung kayo lang ang nasa sitwasyon ko ... gagawin nyo rin ang lahat ng ito." Nilaklak nya ang natitira pang kape sa cup na hinahawakan nya.

"Alam ko namang nagiging tanga na ako, alam ko namang para na akong baliw na sa bawat gusto ng lalaking iyon ... tatalima ako. Alam ko rin na maraming lalaki dyan ... pero kapag nauuhaw ka ba ... iinumin mo rin ang dagat dahil tubig rin ito?

"Status Update" Ongoing SeriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon