Kung iyong titimbangin,
di hamak mas pipiliin ng karamihan
ay pag-ibig.
Pero sa gaya kong sawi,
at nakakatawa mang isipin
alak ang nakikitang solusyon,
na kahit papaano ay panandaliang lumimot.
Napagtanto ko ang pagkakahalintulad ng
pag-ibig sa alak ayon sa aking karanasan.
Pag-ibig
Masarap sa una, lalo na kung unti-unti mo
siyang nakilala.
Nagiging totoo ka sa nararamdaman
ng puso mo,
ngunit maaaring dumating sa sitwasyong
nasasakal ka na at ika'y may
pansariling buhay na tinatahak
pero takot kang mawala siya sa buhay mo.
At darating sa punto kayo'y maghihiwalay
marahil araw, buwan at taon bago
gumaling ang pusong sugatan.
Alak
Masarap sa umpisa,
lalo na kakwentuhan ang mga kaibigan,
mas lumalabas ang tunay mong sarili
at darating sa sitwasyong ika'y
nahihilo at nasusuka pero sa
isip mo kaya mo pa at gusto
pang ipagtuloy.
Kinabukasan, kung mamalasin
Hang over ang sasalubong.
Akala ko dati pagnakita mo na ang
taong tunay mong minamahal dapat hindi mo
na siya pakawalan.
Hindi mo rin pala masabi ang takbo ng kapalaran.
Mabuti nandiyan ang alak sa kahit anong
kabiguang madaanan laging karamay.
Sa bawat bote na nauubos ko,
ganun din ang dami ng napagtatanto ko.