Ang charoterang new students!!!

771 9 3
                                    

" Uy, guys alam niyo ba na may new students daw?"sabi ni Nicole sa boyfriend niyang si Joshua.

"Owz? Pano mo naman nalaman yan babe?"

" Syempre ako pa. Mag-pinsan ata eh."

"Mag-pinsan? Weird. Close siguro sila."

" Lakas talaga ng pang-rinig mo Nicole." sabi ni Eric habang umuupo sa harap ni JOshua.

" Hi Eric.Salamat. Hi Emi!" sabi ni Nicole.

" Hi Nicole. Kaseksyon ba natin?" tanong ko naman.

" Ata. Hindi ako sure eh pero sana. Pogi daw ung boy eh." kinikilig na sabi ni Nicole.

" Hey! Andito ako. Naririnig ko ang sinasabi niyo" sabi ni Joshua na halatang nag-seselos.

Medyo possesive siya kay Nicole dahil mahal na mahal niya eto at the same naman kay Nicole.

" Don't worry babe. Hindi naman kita ipagpapalit dun. Wala atang tatalo sayo" malambing niyang sabi sabay halik kay joshua.

Tumalikod na ako para bigyan sila ng privacy at dahilkadiri din tingnan.

Nakita ko si Eric na kunwaring sumusuka at napangiti ako.

Napangiti na rin siya at kumindat.

Maya-maya ay pumasok na rin ang iba at tumigil na sila Josh at Nicole sa "make-out" session nila.

Imbis na si Mrs. Valdes ang dumating para sa English namin ay si Sir Mark ang dumating at kasam niya sa pag-pasok ay dalawang estudyante.

Isang babae at isang lalaki.

" Ok class, alam kong kalat na sa campus ang balitang may mga new students kaya ipapakilala ko na sila sa inyo. Introduce yourselves to the class."

Unang nagsalita ang girl.

" Hi everyone! I'm Valerie Chavez but people callme Val. HOpe we can be friends" masaya ng sabi at sabay kindat na nagpa-kilig sa mga boys.

Maganda si Valerie or Val.

Matangkad at maputi siya.

Kutis porcelana siya at parang model ng isang beauty product.

" Ako naman si Trev Madrigal." sabi ng lalaki habang ngumingiti na parang may inaabangan siya.

Trev?

Madrigal?

OMG!?

" Uy, si Trev ba talaga yan?"

" Oo nga no kamukha niya."

" Welcome back bro!"

Kaya pala pamilyar ung name niya kc naging kaklase na namin siya noong grade 5 hanggang 1st yr.

Mas matanda siya sa lahat noon.

2 taon ata ang agwat ng edad namin.

Napatingin ako kay Eric at nakitang naka-kunot ang kilay niya at mukhang galit na galit.

Huh? Anong nangyari sa kanya?

Nag-away kaya sila dati?

HIndi namang bayolenteng tao si Eric sa pagka-kilala ko.

" Ok. Keep quiet at darating na si Mrs. Valdez. Umupo na rin kayong dalawa kung san niyo gusto." sabi ni Sir Mark sabay alis sa classroom.

Sabay silang naglakad at umupo sa pinaka-likod.

"Uy Emi. Tingnan mo oh, si Trev. Ang pogi-pogi na niya talaga. Siguradong nabuhay na yang crush mo sa kanya niyan." bulong sakin ni Jade na nasa right side ko.

" Oo nga. Nakakakilig naman yan Emi. Kanina lang pinag-uusapan niyo siya ni Eric pero ngayon nandito na siya." sabi naman ng kambal niya na si Jane na nasa left side ko.

Kung nag-tataka kayo kung bakit hindi sila mag-katabi tulad ng normal na kambal ay simple lang ang rason.

Mahilig lang talagasilang man-trip lalona sakin dahil ako ang pinaka-maliit na estudyante sa buong 4th yr students.

Yup. Ang tatangkad talaga nila.

" Hindi naman. Nakalimutan ko na talaga siya. At gaya nga ng sinabi ko ay may girlfriend na yan."

" Owz. You'll never know Emi baka isang araw mahulog ulit ang loob mo kay Tr-" na-udlot ang pagsa-salita ni Jade dahil may narinig kaming bagay na nabali.

Napatingin kaming tatlo kay Eric at nakitang nabali sa dalawa ang ballpen niya.

G-Tech pa naman.

" Uy, Eric. Okay ka lang ba? May problema ba kayo ni Trev?" mahina kong tanong.

" Ha? Ah, okay lang ako. Mayiniisip lang naman ako." mahina niyang sabi.

Isang beses ko pa lang talagang nangyari si Eric at wala akong balak na alalahanin yun..

" Teka lang ha. Mag-huhugas lang ako ng kamay sa CR." sabi ni Eric na pilit ngumiti.

"Okay. Balik ka agad ha?"

" Sure Em."

Umalis na si Eric para pumunta sa CR.

" Uy, Anong nangyari dun kay bakla?"tanong ni Nicole.

" Ewan ko nga dun eh. BIgla na lang namin narinig na nabali na ung G-Tech. Sayang nga eh." sabi ni Jane.

" Baka may nasabi kayo. Alam niyo namang kumare niyan si Emi kaya protective masyado."

" Hah?Wala naman. Sinabi lang naman namin na baka magustuhan niya ulit si Trev. Un lang un" mabilis na sabi ni Jade.

" Hayaan niyo na un. Baka may problema lang." sabi ni Josh na halatang nag-aalala.

" Kakausapin ko na lang siya mamaya." sabi ko naman.

" Oo nga Emi." sabi ni NIcole.

Matapos ang 15 mins. ay nakabalik na rin si Eric.

" Oh, Eric. Akala ko ba gagamit ka lng ng CR,?" tanong ni Mrs. Valdez na dumating after 5mins. nang umalis si Eric.

" Sorry po Mrs. Valdez. May tumawag po ksing teacher sakin at may pinagawa lang po. Pasensya na talaga." sabi ni Eric.

" Okay. Take your seat at next time humingi ka ng letter kung mangyari ulit yan."

"Ok po mam."

Natapos na ang klase at hindi pa rin umiimik si Eric kaya pinabayaan ko muna.

" Hay sa wakas lunch na rin!" masayang sabi ni Nicole.

" Lagi namang pagkain ang nasa isipmo Nicole eh. Kaya ka tumataba." biro ni Jade.

"Hahaha.Oo nga. Kala ko ba diet ka na?" asar naman ni Jane.

" Ewan ko sa inyo!" sabi ni Nicole na ngumingiti.

Eto ang madalas nilang asar kay Nicole.

Hindi naman talaga mataba si Nicole.

Talagang curvy lang siya kaya may extrang taba-taba sa gilid.

Voloptuous kung tawagin sa ingles.

" Okay lang yan babe. Mas cute ka naman tingnan kahit chubby ka. Inggit lang yang dalawa sayo kasi SEXY ka." tangol naman ni Josh.

Alam kong in-love sila pero minsan nakaka-suka na sila sa sobrang tamis.

" Thanks babe"

Nagtawanan na lang kami dahil mukhang nakalimutan na nila na nandito na pa kami.

Tumingin uliako kay Eric at nakitang ngumingiti na rin siya kahit konti.

" Okay ka na ba?"mahina kong tanong.

" Oo. Halika ka na. Gutom na rin ako eh.  Nakaka-hawa kasi etong si Nicole."pabiro niyang sabi.

Hay salamat. BUmalik na rin ang dating Eric.

Lumabas na kaming anim at pumunta na kami sa canteen.

Falling for My HOT but GAY FRIEND!(monthly update)Where stories live. Discover now