Ang rambulan at ang salitang CHANCE!

732 9 4
                                    

Hay.

Ang sarap talagang matulog sa loob ng jeep.

Lalo na at malamig ang panahon at sinaktuhan ng traffic.

" Uy, Em. Mukhang inaantok ka pa ata?" tanong ni Eric na nasa tabi ko.

" AH, oo nga ee. sarap kasi ng tulog ko kagabi." sagot ko naman.

" Hmmm... Dahil ba yan sa text ko sayo kagabi? Alam mo ang sarap sarap sarap at himbing himbing ng tulog kokagabi kasi nag-text ka sa akin. Samung beses ko binasa un. Memorize ko na nga ee.." sabi ni Eric.

" Ayan ka na naman eh. Nang-aasar ka na naman." tugon ko naman habang naka-ngiti.

" Hahaha. Sarap mo kasing asarin eh. Halik na nga. Matulog ka na sa braso ko at gigisingin na lang kita pag malapit na tayo."

" Huh?! W-wag na.Nakakahiya naman sayo eh."

" Sus. Nahiya ka pa. Hindi na uso ngayon yan Em! Kung may chance grab it na. Sige ka baka mawala pa at hindi na ulit maulit."

Kinuha ni Eric ang ulo ko at ipinatong niya sa braso niya.

Grabe!

Ang tigas talaga ng braso ni Eric.

Halatang pumupunta sa gym.

Naipikit ko na nga ang mga mata ko at maya-maya ay naramdaman ko ang dampi ng mga labi ni Eric sa buhok ko.

"Wag mo akong lalawayan Em. Okay?" bulong ni Eric sa buhok ko at iinaas na niya ang ulo niya.

Ginising na ako ni Eric dahil malapit na daw kami sa school.

Kainis.

Sarap na ulit ng tulog ko eh!

Thankfully ay hindi ko nalawayan si Eric.

Bumaba na kami at dumiretso na sa classroom.

" Good morning Em!" sabi ni Jane.

" MOrning Eric!" tili naman ni Jade.

Etong kambal talaga.

Lahat na lang pinag-iintirisan.

" Morning din mga kambaletes!" sabi ni Eric.

" Good morning. San nga pala sina Josh at Nicole.?" tanong ko sa kambal/

Naunang sumagot si Jade.

" Si NIcole nasa CR. Nag-aayos ng sarili."

Sinundan ni Jane.

" Si Josh naman hindi namin alam kung san lupalop na naman ng campus napad-pad. Baka nga wala na naman siya sa campus eh. Inutusan ata ni Nicole."

" Ah. Ganun ba. "

" Hey! Andito na pala si Nicole, kasama si Val!?" gulat na sabi ni Eric.

At tama nga ang sinabi ni Eric dahil sa ikod ni Nicole ay naka-buntot si Val.

At mukhang hindi pa rin sila magka-bati.

" Uh, hi Nicole." bati ko.

" Hi Em." sagot naman ni Nicole.

Bad mood na nga to.

" Hi Emily!" sabi ni Val.

Napalingon ako sa kanya at nakitang kumakaway-kaway pa with matching smile.

" Hi. Val right?"

" Good! Kala ko naka-limutan mo na ung name ko!"

" Pano namin makakalimutan ung name mo eh halos minu-minuto mo binubiksan ung MALAKI mong bibig." sabi ni Nicole habang naka-tingin sa kuko niya na kaka-manicure lang kahapon.

Falling for My HOT but GAY FRIEND!(monthly update)Where stories live. Discover now