Ang simula ng abnormal na story

1.5K 19 4
                                    

  "Emi!!!!" tili ng best friend ko na si Erik. 

Oo. Lalaki si Erik pero nabakla.

Sayang nga ee. Poging -pogi pa naman.

Pwedeng pang-model.

Itinaas ko ang ulo ko mula sa binabasa kng libro at nakitang tumatakbo si Erik.

"Bakit? Tungkol na naman ba sa palabas yan kahapon?"

" HAHAHA. Adik na kung adik pero hindi un. Nakita ko si Marco sa court. Nagba-basketball! Hay, ang pogi talaga!"

Si Marco ang crush niya at pinsan kong buo sa mother's side.

" Oh, bat mo iniwanan? Baka may ma-miss ka."

" Ay. Oo nga noh. Sige una na ako. Balikan na lang kita pag tapos naung game. Bye!" sabay takbo ni Erik na tila parang hinahabol ng aso.

Swertenaman ng pinsan ko.

Maraming may crush kay Erik kahit alam nilang bakla siya.

Don't give up hope.

Yan ang motto ng fans club niya.

Kina-iingitan din siya ng mga lalaki dahil kahit bakla ay sikat sa mga babae.

Hay. Makabalik na nga sa binabasa ko.

HIndi ko namalayan na mag aalasais na pala.

Nalaman ko lang nang sunduin na ako ni Erik sa campus garden.

" Grabe ka Em. Aabutin ka na siguo ng madaling araw at hindi mo parin mapapansin. Adik ka talaga"

" Parang ikaw hindi"

" Hindi naman kasing sukdulan nung sayo."

" Pero kung si Marco ang pinag-uusapan kahit magdamagan okay lang sayo." asar ko kay Erik.

" Correct ka diyan" sabi niErik sabay kindat.

Talaga nga naman oh!

Bakit ba kasi hindi nagpayong si Erik nang nagpaulan ng kabaklaan sa mundong ito.

" Oh. andito na tayo. Sige tommorow na lang Em. Bye!" sabi ni Erik habang kumakaway sa bahay niya.

" Okay. Bye din at matulog ka na nang maaga para hindi ka natutulog sa school!" pabiro kong sabi na may halong kaseryosohan.

Nang dati kong itanong kung baki lagi siyang natutulog sa school lalo na tuwing math ay ito ang sagot niya.

" Ah, un ba? Nakaka-adik kasi ung pictures ni Marco lalo na kung nagba-basketball!" tili niyang sabi.

Pumasok na ako sa bahay pagkatapos na pumasok ni Erik.

" Mama! Nandito na ko."

" Ikaw pala Emily. Sige maghanda ka na at kakain na tayo."

" Okay po."

Umakyat na ako sa kwarto at nagbihis at nagmadaling bumaba paraihanda nag mesa at tulungan si Mama.

Wala kaming katulong di tulad nina Erik.

Ayaw kasi ni Mama na maging dependant ako lalo na at only child ako.

Si Erik kasi may older brother pero nasa Amerika.

Doon kasi nag-aaral.

"Kamusta naman ang school?"  tanong ni mama habang nag-hihiwa ng rekado para sa Sinigang na hipon/

" Okay lang po. Ayun si Erik baliw pa rin kay Marco" 

Alam ng both parent's namin ang kabaklaan ni Erik at accepted naman nila ito.

Falling for My HOT but GAY FRIEND!(monthly update)Where stories live. Discover now