walang title...

666 8 1
                                    

Isang linggo na rin ang nakalilipas simula ng "cat fight" nina Nicole at Val. 

At isang lingo na rin tong trending topic sa Twitter at Facebook. (well, yan ang sabi nang kambal.hindi naman uso sakin ang FB at Twitter).

"prepare yourself Emily Madrigal dahil aagawin ko ang best friend mong bakla"

Hindi pa rin maalis sa isip ko ang sinabi ni Val.

Ano ka ba naman Emily, bakla sa Eric at may crush sa pinsan mo kaya there's no way na magugustuhan niya si Val. ( left conscience ko)

Pero lahat naman ng tao nagbabago. At hindi na rin rare ang mga gays na nagbago dahil sa love. (right conscience)

Kahit na. Kung magbago man si Eric edi good for him. It's not like you like him naman diba. (left conscience)

Tama ang left conscience ko. Kung magkaka-roon man ng relationship sina Val and Eric wala naman akong magagawa kundi suportahan siya. Ganun naman talaga ang trabaho ng mga best friends eh.

totoo lng ha. laging nasa huli ang pagsisi Em.( both conscience)

"EMMMMMM!!!!"

Napatingin ako sa paligid at nakita ko si Nicole

" Huh? Bakit , anong meron Nicole?"

" Anong meron ? Yan nga dapat ang tinatanong ko sayo.Kanina pa kita tinatawag pero hindi ka naman tumitingin. May problema ka ba or something?" nag-aalalang sabi ni Nicole.

" Pano mo naman nasabi yan?" kinakabahan kog tanong kay Nicole.

"Eh kasi naman parang laging nasa ibang planeta yang kaluluwa mo. Lagi kang nakatungo o kaya naman sa bintana ang titig mo. Ayos ka lang ba? wala ka namang nakikita na hindi namin nakikita diba?"

" Ah, wa-wala naman. May ah, iniisip lang talaga ako." nerbtos kong sagot kay Nicole.

" At ano naman yun?" 

"Ah, ung ano,ung... libro kasi na binasa ko..."

" Anong meron sa libro?"

" ah, ang ganda kasi ng story niya kaya hindi ko makalimutan.hehehe" 

" Hay nako Em, sa tinagal tagal nating magkasama ang pagsisinungaling ay hindi mo talaga talent. Ano ba kasing bumubulabog diyan sa utak mo. Hulaan ko tungkol kay Val yan noh?" taas kilay na sinabi ni Nicole.

Pwede pala maging guidance counselor itong si Nicole.

" oh ano, tama ako diba. Naku, yang babaeng yan hindi pa ata nakuntento sa away namin ah. Gusto pa ata ng round 3." 

Naku patay uminit na naman yang dugo ni Nicole.

" Ah, Nicole wala naman siyang masamang ginawa o sinabi sakin."

" Huh? Eh anong ginawa niya?" nalilitong tanong ni Nicole.

"Kasi, ah...." Tiningnan ko ang paligid at thankfully walang tao maliban samin.

Huminga ako ng malalim at sinabi ang katotohanan.

" Nung nag-aantay kami para kay Trev para sun-"

"Ano tinawagan mo si Trev!" Biglang sabi ni Nicole.

Tiningnan ko si Nicole at tinaas ang isang kilay.

" Ay, sorry. Sige continue mo lang."

" Ayun nga, naghihintay kami at kinausapa ako ni Val tungkol sa,wag ka sisingit kung hindi ititigil ko to, totoo ba talagang bakla si Eric."

Tinaas lang ni Nicole ang kilay niya at tumungo meaning "tuloy lng"

" At syempre sinabi kong oo. Hindi ko alam kung malakas ba ang tama niya o kaya hindi lang talagang marunong sumuko at sinabi niya sa akin na aagawin daw niya si Eric sakin para maging BF niya." natapos ko na rin i-explain at buti na lang hindi na umiongit etong si Nicole.

Falling for My HOT but GAY FRIEND!(monthly update)Where stories live. Discover now