Ang pagbabalik ni Trev

722 9 2
                                    

Tama nga sila. 

Mas pogi na at mature ang mukha ni Trev.

Matipuno na rin siya pero kung ipagkukumpara sila ni Eric ay mas macho si Eric.

Pero mas matangkad si Trev.

Ang dami nang nagbago sa mukha niya makalipas ang halos 2 taon na hindi namin siya nakita.

" Oh! Ikaw pala Trev,long time no see ah." sabi ni Josh.

" Oo nga pare. Pasensya na nga pala kayo dito sa pinsan ko. Medyo spoiled lang talaga." 

" Hmph! Hindi ako spoiled I'm just telling the truth." masupladang sabi ni Val sabay tikwas sa buhok at rumampa papuntang CR.

Maganda nga pero mataray naman.

" Hoy Trev! Pagsabihan mo nga yang pinsan mong maharot na mag dahan dahan sa sinasabi niya at baka pag hindi ako nakapigil ay mahampas ko yan ng upuan." sabi ni Nicole na kitang napipikon.

"Ako nang humihingi ng tawad Nicole. Baguhan kasi siya dito sa Pinas eh. Laking States kaya ganyn. Pasensya na talaga." 

" Uy, Trev. San ka ba pumunta at nawala ka?" tanong ni Jade.

" Oo nga. Kala namin hanggang fourth year ka na dito." tanong din ni Jane.

" Ah. Private reasons eh. Pasensya na." sabi ni Trev na halatang hindi komportable sa topic na iyon.

Bakit kaya?

" Oi, ikaw pala Emily. Kamusta na. Naalala mo pa ba ako?" tanong ni Trev sakin.

Sasagot na sana ako nang biglang sumagot si Eric.

" Mabuti lang siya kaso nasira ung araw niya eh. Bigla kasing may dumating na masamang balita. Ikaw Trev kamusta ka na. Remember me?" sabi ni Eric na ngumingiti-ngiti pero kita sa mata na galit siya.

" Um, Eric right?" sabi ni Trev 

" Ay buti naaalala mo pa ako kasi ako hindi kita makalimutan"

" Bakit? May gusto ka rin sa akin?" biro ni Trev.

" Hmm. Baka. I'm not sure pa eh." sabi naman ni Eric.

" Um. Sige mauna na ako baka hinahanap na ako ni Val. Nice seeing you again pala." sabi ni Trev na halatang nag-mamadaling umalis.

" Uy,Eric ayos ka lang? May problema ka ba?" tanong ni Josh habang kinakalabit si Eric.

" Oo naman! Ayos lang ako, kayo naman masyadong nag-woworry." 

" Okay sabimo yan."

Hmmm.

This day just gets weirder and weirder nga naman talaga.

Natapos na rin ang klase at sa buong araw na lumipas ay umasta si Eric na parang walang nangyari.

Bumalik siya sa pagiging.. well.. Eric.

Masayahin.

Energetic at of course.

Bakla.

" Oh sige guys una na kami. Pupunta pa kami sa mall ni babes eh." sabi ni Josh habang naka-akap sa baewang ni Nicole.

" Okay! Have a good time!" sabi naman ni Eric.

" Kami rin mauna na." sabi ni Jane.

" Kaya nga. Hinihintay kasi kami ni Mama sa bahay." sagot naman ni Jade.

" Parang lahat ata may lakad ngayon." sabi ko kay Eric nang naka-alis na ang lahat at nag lalakad na kami papuntang bahay.

Maaga ang uwian namin ngayon kasi walang practice ang varsity kaya walang aabangan si Eric.

" Oo nga eh. Tayo rin kaya Em. Let's go on a date!" sabi ni Eric habang nginigitiian ako.

" Asus. Date pero ang totoo niyan hahanapin mo lang si Marco sa mall."

Lagi kasing tumatambay ang grupo nila Marco sa mall pag walang practice.

Pang-relax time daw nila un.

" Em naman. Lagimo na lang akong binibisto.Ganun ba ako ka-obvious?"

" Duh?"

" Hahaha. Halika na baka gabihin pa tayo eh. Hindi ka ba mag-papalit?"

" Hah. Hindi nah. Sayang sa pamashe tsaka hindi naman ako masyadong napawisan kaya okay lang."

"Okay. Sabi mo eh.

Sumakay na kami ng jeep papunta sa mall.

Medyo natagalan lang ng konti kasi may traffic na.

" Nag-text ka na ba sa Mama mo Em?" tanong ni Eric.

" Oo. Tapos na. Dito na nga lang daw tayo kumain" sagot ko naman.

" Okay. Nagugutom na rin ako eh."

Kumain muna kami sa isang sikat na restaurant bago nag window shopping.

Natagalan ako sa bookshop kaya iniwan muna ako ni Eric para bumili ng snack sa may tabi.

Libre naman niya kaya sayang din un pag tinanggihan.

Habang nagha-halungkat ako sa mga sale nalibro ay may biglang kumalabit sa akin.

Sa una akala ko si Eric pero nung pag-lingon ko ay si Trev ang nakita ko.

" Hi Emily!" sabi niya habang ngumingiting isang killer smile.

Inaamin kong crush ko siya dati at napopogian ako sa kanya pero parang may part sa akin na naiilang at natatakot sa tuwing malapit siya.

Bakit kaya?

" Ikaw pala Trev. Hi din" sagot ko habang nakatingin sa cover ng libro na hawak ko.

" Asan nga pala si Eric? Diba lagi mo siyang kasama?"

" Ah, may binili lang sa labas saglit. Bakit? Hinahanap mo ba siya?"

" Hindi naman. Curious lang. Para kasi kayong twins. Laging mag-kasama kahit noong mga bata pa tayo."

" Ah,siguro nga."

"May gusto ka ba kay Eric Emily?" biglang tanong ni Trev.

" HA! Wala noh. Close lang talaga kami. Parang mag-kapatid lang turingan namin sa isat-isa. Tulad ng sabi mo. Para kaming twins." maagap kong sagot.

" Hehe. Buti naman. Kawawa ka kasi kung meron. You know kasi bakla nga siya."

" Ah, siguro."

" Sige mauna na ako at nandito na ung kambal mo. If you need me Emily nandito lang ako." sabi ni Trev sabay labas ulit ng kanyang killer smile.

" Um. Okay."

Umalis na si Trev at nagkatinginan sila ni Eric.

Parang gusto ata mag-patayan nitong dalawa.

Ngumiti  bifla si Trev at eto namang si Eric at nag-higpit ang hawak sa plastic na kanyang bit-bit.

Okay.

It's official na.

Iba ang kinikilos ni Eric sa tiwing makikita o maririnig niya ang name ni Trev.

Mukhang may iringan nga tong dalawa.

Ang tanong ano kaya un?

Falling for My HOT but GAY FRIEND!(monthly update)Where stories live. Discover now