Chapter 1
Madilim ang paligid...
Ba't masyadong madilim?...nakakabingi ang katahimikan.
Parang walang tao sa paligid.
Someone step a few meters infront of me.
Ngumiti sya sakin. Actualy, it's a smirk. Tapos tinuro nya yung kamay ko....I can't see the full vision of his face dahil kalahati nito ay nahaharangan ng dilim sa paligid. Ako lang ata ang nasisinagan ng ilaw.
Why do I have this feeling of being scared? Parang mag-isa lang ako. Parang walang gustong tumulong saakin.
Tiningnan ko naman ang kamay ko...
M-may hawak akong b-baril...
*BANG!!!*
"WAAAAAAHHH!!!"
Bigla akong napabangon sa higaan ko. I was breathing heavily. Pinahid ko naman ang pawis na halos paliguin ko na. Naka aircon naman ang kwarto ko pero parang daig ko pa ang kargador na pumasan ng sako-sakong bigas. Napatingin naman ako sa side table ko. Yung alarm clock ko lang pala. Standing silently on my side table like it didn't creep the hell out of me. It's exactly 5:00 a.m. Ba't ba kasi putok ng baril ang tunog ng alarm clock na'yan? Kinuha ko yung alarm clock pero bigla ko itong nabitawan nang may biglang pumasok sa kwarto ko leaving a strong shock in me.
"Is there a problem, Ms. Nel?!"
Nakakagulat naman tong si Moh!
Gusto ata ako patayin sa gulat nito. Pasalamat siya at malayo siya saakin kung hindi kanina ko pa siya nabatukan. Nakatayo siya sa may pintuan for I think 2 minutes bago niya narealized na halos mamatay na ako-hindi dahil sa panaginip ko kundi sa biglaan niyang pagpasok.
"Oh! sorry Ms. Nel." Tumingin naman ako sakanya. Sigurado akong galing lang 'to sa pagkagising. Ang gulo pa ng buhok niya. Nakasoot siya ng blue stripe pajamas at wala man lang suot na tsinelas. His room was next door to mine kaya siguro narinig niya yung sigaw ko. Nagpoker face naman ako sakanya. Hindi niya nga rin nakikita ang mukha ko dahil masyado pang madilim sa labas. I didn't mind switching on the lights.
"How many times I told you not to call me 'ms.'? kuya Moh naman oh."
I've been telling him a lot of times. Pero ayaw nya kasi baka raw sisantehin sya ni daddy. Naglakad naman siya papunta sa may glass door papunta sa balcony ng room ko at binuksan niya yung color gold curtain na nakatakip dito. He let out an exaggerated sigh-like he was saying 'you know it already'
"Alam mo naman diba?" Paliwanag niya. I rolled my eyes. Ba't ba ganyan siya? Mas gusto niya pang sundin si Dad kesa saaking boss niya na kasama niya ngayon. I guess he just don't want to break Dad's trust in him. Tumingin naman ako sa labas. I can already see the blue, violet and white color of the sky. I sighed.
"Oo na, sige na. I have to get ready." Ginulo nya naman yung buhok ko. Stupido! ang tagal kong sinuklay yan kagabi tapos guguluhin niya lang. He just keep on chuckling. I can his oh-so-white teeth na nakikita ko sa tulong na rin ng ilaw sa labas.
"Moh naman eh!" He just chuckled (again). I don't know but he just like teasing me so much. May times na sa sobrang inis ko nasasaktan ko na siya (literally).
"I'll be waiting at you downstairs. Wag babagal-bagal ha? At tsaka ingat sa paggalaw, tatanga-tanga ka pa naman."Benelatan ko naman sya at pinagtulakan palabas ng kwarto ko. Alam ko naman na tanga ako no?! Di niya na kailangang ipagmukha pa saakin. Bumangon na ako sa pagkaka-upo sa higaan at inayos ang susuotin ko papunta sa bago kong school.
BINABASA MO ANG
Little Miss Mafia Boss
حركة (أكشن)Sentenel Valera...not her real name. A mafia boss. A 16 year old mafia boss. Wala pa naman siyang gaanong alam sa pamamalakad ng ganitong klase ng organisasyon but for her father...she will do everything. Nagsimula ang pangyayari nang mapatay ng isa...