V

77 4 1
                                    



V

     AGAD na tumayo si Era matapos nilang kumain ni Allen. Hindi mapakali ang dalaga nang biglang dumapong muli sa kanyang utak ang kaniyang nobyo na si Paulo. Alam niyang mali na sabihan pa din niya itong nobyo niya ito gayong kasal na sila ng taong nasa harapan niya ngayon.

Tumikhim siya at agarang nagsalita, "Ano..." Hindi masabi ng diretso ni Era kung ano ang nilalaman ng kanyang isip.

Napatingin naman sa kanya ang seryosong mga mata ni Allen na agad na nagpababa ng kanyang tingin sa kanyang mga daliri habang pinaglalaruan niya ito. Hindi alam ni Era kung bakit ganoon na lang lagi ang epekto ng binata sa kanya. Galit siya rito. Alam niyang malalim na poot ang kanyang tinanim na damdamin para sa binata ngunit hanggang ngayon ay hindi niya mawari kung bakit ganoon na lang siya kabahan sa tuwing tinitignan siya ng ganoon ng binata.

"What is it, Bettina?" Pumangalumbaba ito sa kanyang harapan matapos uminom ng tubig na katabi laman nito.

Hindi maiwasan ni Era na mapatingin sa mga braso ng binate na mas lalong nadepina habang nakapangalumbaba ito sa kanya. Hindi niya maikakaila sa sarili na matikas at matipuno ang pangangatawan nito kumpara sa kanyang nobyo.

Ramdam ng dalaga ang titig ng binata kaya't matapang siyang tumingin dito at nadatnan niya itong nakatingin sa kanya at bakas sa mga mata nito na hinihintay ang kanyang mga pahayag.

"Tungkol kay Paulo--" natigil sa pagsasalita si Era nang nakita niya ang pagbabago ng ekspresyon ng binata nang mga sandaling binanggit niya ang pangalan ng kanyang dating nobyo.

'Ex? Hindi ko alam kung tama ba ang turing ko sa kanya. Pero pakiramdam ko kasi ay laro lang tong pinasok ko. I can't deny it to myself. Hindi talaga maalis sa isip ko si Paulo.' Pangungunot ng noo ni Era.

Agad niyang pinilig ang ulo at huminga ng malalim hanggang sa binalik nito ang kanyang matapang na mukha, "Mayroon ka bang balita sa kanya?"

Ibinalik ng dalaga ang seryoso niyang mukha at isinawalang-bahala ang nagdidilim na ekspresyon ng taong nasa harapan niya ngayon.

"I don't know, Bettina," matapang na sagot nito sa kanya.

Nakita agad ng dalaga ang pagdedepina ng panga ni Allen at mukhang nagpipigil ng galit.

"I'm just curious." Kibit-balikat ni Era.

"Why?" hindi matanggal ang titig nito sa kanya.

"I know you, Allen. You can do things no one could ever imagine. I know your tricks!" singhal nito sa kanya at lumapit ng kaunti sa lamesa.

Naningkit ang mga mata ni Allen ngunit hindi parin nagpapatinag sa kanyang mga titig dito. Sumilay ang pilyong ngiti nito sa kanya at tsaka nagsalita, "Oh yeah? You know me? Kilala mo ako, Bettina?"

Napapikit si Era nang mapagtantong hindi nakuha ng binata ang kanyang mga paratang.

'Hindi nga ba niya nakuha o sadyang nang-aasar lang ito?' anito habang nakakunot ang noo sa kanyang kausap.

"I don't know you, Allen. I don't know the whole you. At wala akong planong alamin. Kahit. Na. Kailan." pagdidiin nito sa kanyang mga salita.

Bumalik sa seryosong mukha nito ang binata at tinitigang muli ang dalaga. Hinawakan nito bigla ang kanyang palapulsuhan na siyang ikinagulat ni Era. Agad naman iyong sinamantala ng binata at mababaw siyang hinalikan nito sa kanyang labi. Sa gulat ng dalaga ay hindi agad siya nakagalaw at nang ilang segundo ang lumipas ay tsaka niya naitulak ang lalaki sa kanyang harapan.

Hindi na nanlaban pa ang binata at nagpatianod sa tulak ng dalaga. Ngunit bago pa ito kumalas sa kanya ay agad nitong sinabing, "You will, my princess. You'll eventually get curious about the whole me. Soon. Remember that." At saka siya tinalikuran nito para ligpitin ang kanilang mga pinagkainan.

Masamang tingin ang ipinukol dito ng dalaga dahil hindi niya maitanggi na kinabahan siya at lumakas ng bigla ang pintig ng kanyang puso sa sinambit ng binata.

'What the hell, Era? What the hell! Why am I so nervous?!"

Hindi na lamang siya nagsalita at tumalikod ito sa kusina at pumunta sa veranda ng kanilang tinutuluyan.

Agad na naibuga ng malakas ni Era ang kanyang hininga upang pakawalan ang kabang namuo sa kanyang dibidb ilang minuto pa lamang ang nakalilipas.

"That guy. Kung makaasta ay akala mong alam na alam ang lahat ng mangyayari," usisa nito sa kanyang sarili.

Hinayaan niya ang kanyang pag-iisip at bumalik ang kanyang isipan kay Paulo.

Hindi niya maitatanggi na may hinanakit siya rito dahil sa ginawang hindi nito pagsipot sa kanilang usapan o kahit man lang sa araw ng kanyang kasal. Naisip niya na kung si Paulo ang nasa ganitong sitwasyon ay hindi siya papayag na gano'n gano'n na lamang makukuha ng ibang tao ang kanyang minamahal.

Ganyan ang prinsipyong nakatatak kay Era. Handa niyang ipamigay ang lahat ng mayroon siya para sa pagmamahal. At isa din iyon sa mga dahilan kung bakit siya nagpakasal kay Allen--dahil sa pagmamahal niya sa kanyang pamilya. Hand niyang isugal ang lahat huwag lamang madamay ang mga minamahal niya.

Agad na may namuong luha sa kanyang mga mata nang mapagtanto niyang sinukuan nga siya ng kanyang nobyo noon.

"Why?" humikbi siya habang kausap ang kanyang sarili.

Nagulat siya nang biglang may yumakap sa kanya galing sa kaniyang likuran. Napatalon siya ng bahagya at awtomatikong nahawakan niya ang mga brasong nakakapit sa kanyang bewang upang tanggalin.

"Let me go, Allen!" pinilit niya itong kalasin ngunit malakas ang kamay nito, "Shit!" at tsaka tumigil nang mapagtantong wala siyang laban sa mga kamay na nakapulupot rito.

Hinarap siya ni Allen habang hindi alintana ang bumuhos na mga luha sa kanyang mga mata, medyo natigilan ang dalaga nang makita ang isang emosyon sa mga mata nito na hindi maintindihan ng dalaga. Pumungay ang mga mata nito habang nakatingin sa kanya. Inangat ng binata ang sarili nitong kamay at siya na mismo ang nagpunas sa luha na dumadaloy sa pisngi ng dalaga.

Natigilan si Era sa ginawa ng binata kaya wala siyang nagawa kung hindi ang titigan niya ang lalaking makisig sa kanyang harapan. Sa isang saglit ay parang humupa ang galit nito nang makita ang mga mata nitong hindi mawari kung galit, lungkot, o... 'Shit, Era. Hindi maaaring maramdaman niya iyon. Wag mong kalimutan ang ginawa niya sa iyo nung nakaraang gabi. Hayop yan!'

"Shh. Wag ka umiyak, aking prinsesa," sambit ng binata habang pinupunasan pa din ang kanyang mga luha.

Bumalik sa kanyang ulirat si Era at agarang hinawi ni Era ang kamay nito na nakahawak sa kanyang pisngi at tinulak ang binata.

"Bitiwan mo ko!"

Hinigpitan ng binata ang hawak sa kanya at ang kaninang malumanay nitong mga mata ay biglang napalitan ng nagpupuyos na galit, "Don't push me to my limits, Bettina. Baka hindi ako makapagpigil ay magawa ko ulit 'yong ginawa natin kagabi."

Natigil si Era at matapang na ibinalik ang sigaw ng lalaki, "D'yan ka magaling! Ang magpumilit! Kahit ayaw ay ipagpipilitan mo! Hindi ganoon sa lahat ng pagkakataon!"

Idinikit pa lalo ng binata ang katawan nito palapit sa kaniya at tinitigan ito sa mata habang matigas na nadepina ang kanyang panga, "Because that's how I claim what's mine, Bettina. At alam mo kung paano iyon dahil wala ka rito kung hindi ako gano'n." Hinawakan nito ng malumanay ang kanyang pisngi, "You are and you will always be mine." Nanunuyang sambit nito at saka siya pinakawalan.

Naiwang tulala doon si Era at narinig pa niya ang mabigat na buntong-hininga ng binata bago umalis.

     NASA loob lamang ng kwarto si Era at nakatulala sa hindi malamang dahilan. Hindi maalis sa kanyang isipan ang mga sinabi ng binata sa kanya kamakailan lang. Pakiramdam niya ay may taglay itong mahika na tila isa itong sumpa na walang makapipigil sa mga salita nito upang masunod. Hindi niya alam kung kakabahan ba siya o ano. Naguguluhan siya.

.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 13, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Unexpectedly TangledTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon