Author's note:After 2 years. Two long yearssssss. I am back. I don't know but there's this story na nakapagpa-trigger na dapat magsulat ulit ako and I am silently saying thank you to that story. Haha! I missed here. I missed the feeling of finishing a chapter and clicking the publish button. This is dedicated to the very first person who messaged me to continue my stories. Sad to say, after two years ko lang nabasa. *pleading* Lol. Okay, enough with the chitchat. Here it goes. :)
- janeusyne
**
IV
PAGKAMULAT na pagkamulat ng mga mata ni Era ay agad niyang nakita ang kisame na nakatitig lang sa kaniya. Ilang segundo ang lumipas ay agad bumalik sa kanyang ala-ala ang mga nangyari kagabi. Nakaramdam siya ng matinding pagsisisi at naramdaman na naman niya ang pag-alab ng kanyang galit sa binata.
Ang baba ng tingin niya sa sarili niya. Hindi niya lubos maisip na hahantong sa ganoon ang pagpaparaya niya para sa pamilya niya. Agad na may namuong likido sa kanyang mga mata at agad din naman niya itong pinigilan.
"Wala ka nang magagawa, Era. You chose this. Panindigan mo 'to," sabi niya sa kanyang sarili ngunit ang isinisigaw ng kanyang damdamin ay sana matapos na ang lahat ng ito.
Lumingon siya sa tabi niya ngunit hindi niya nakita ang hinahanap. Pati na rin sa lahat ng sulok ay wala ang presensya ng binata. Agad na nakahinga ng maluwag ang dalaga at tsaka napansin na wala pa nga pala siyang kahit na anong saplot sa katawan. Agad niyang ibinalot ang kanyang sarili sa kumot na nasa kama at nagsimulang bumangon upang pumunta sa cabinet.
Naglalakad siya nang bigla niyang maalala na wala pa pala sa cabinet ang kanyang mga damit dahil ang mga ito'y na sa kanyang mga dalang bagahe.
"My luggage!" gulat niyang sabi at naalala na nasa salas pa pala ang mga iyon.
Unti-unti niyang binuksan ang seradura ng pintuan at tila pinakikiramdaman kung may tao pa ba sa paligid. Nang makita niyang walang tao ay nagsimula siyang humakbang palayo sa kanyang kinaroroonan habang nakatakip lamang sa kanya ang isang manipis na puting kumot. Agad siyang napasimangot nang makita niya ang kanyang sarili sa salamin sa may isang banda. Kitang-kita ang buong katawan niya sa likod ng kumot na iyon lalong-lalo na nang matapat siya sa araw.
Matapos niyang mapansin ang sarili ay nabaling ang kanyang atensyon sa loob ng living room. Ngayon lang niya napansin ang disenyo ng buong bahay. Ang buong silid ay sumisigaw ng kulay kayumanggi dala ng puro kahoy nitong dingding. Kasama na rin ang mga muwebles na simple lang ang dating ngunit sa isang tingin mo pa lang ay alam mo nang hindi ito isang pangkaraniwan lang. Maluwang ang living room na may flat tv screen sa pinakasentro nito at ang mga narra na upuan na may mga kutson upang magsilbing disenyo nito. Rest house talaga ang dating nito sa kahit na sino at mapaghahalataang may nanunuluyan lang dito kapag bakasyon. Moderno pero simple.
Napatanaw din siya sa nakabukas na veranda at doon niya nakita ang kabuuan ng dagat. Parang inaakit siya at tinatawag sa bawat segundong ibinibigay niya rito.
Agad siyang nagising sa sandaling panaginip at isinantabi niya na lang muna iyon. Hinanap niya muli ang kanyang mga bagahe at nakita niya ang mga iyon sa sulok na katabi ng isang halaman.
Patungo na siya roon nang bigla siyang matigil nang mapansin niyang may nakatayo sa kanina lamang na walang tao na veranda. Agad siyang napatayo ng tuwid at itinakip niya ang kanyang dalawang kamay sa buo niyang katawan dala ang pag-iisip na matatakpan nito ang kabuuan niya.
Nakatitig lamang sa kaniya si Allen ng matiim at tila malalim ang kanyang iniiisip. Saglit na nagtama ang kanilang paningin ngunit hindi rin iyon nagtagal dahil parang nakapapaso ang mga tingin nito. Malalim ito at hindi niya alam kung paano ito mabasa.

BINABASA MO ANG
Unexpectedly Tangled
Ficción GeneralMaganda, edukada, at galing sa marangyang pamilya-ganyan ipaliwanag ang katangian na mayroon si Era, kaya hindi maitatanggi na halos lahat ng kalalakihang makakita at makakilala sa kaniya ay magugustuhan siya. Ngunit nang dumating sa buhay niya ang...