III

800 27 5
                                        

III

     “OH MY GOD! Era, you look so beautiful na! You really are perfect for my masterpiece!” tuwang-tuwa na sabi ng make-up artist ni Era na si Juniper.

Hindi niya pinansin ang papuri nito sa kanya. Tinignan niya lamang ito ng walang kalaman-lamang emosyon sa mata at ibinalik na lang agad niya ang tingin niya sa repleksyon sa salamin. Namumuo na naman ang luha sa gilid ng kanyang mga mata.

“Friend, ano? What’s wrong ba? Di keribumbum ng powers akira ang manghula kung anong problem. It’s your wedding day today, why ba?” pang-iintriga sa kanya nito. Sa pangalawang pagkakataon ay hindi na naman niya ito sinagot.

Lahat ng tao sa kanilang pamilya at mga kaibigan niya ay alam na ikakasal na siya ngayon kay Allen Stefano. Halos lahat ay nagulantang sa balitang kamakailan lamang nila nalaman. Ang pagkakaalam kasi ng lahat ay nagkaroon ng love triangle sa pagitan nila ni Allen, Paulo, at siya. Na mas pinili niya si Allen dahil sa minahal na niya ito at dito niya naisipang magpakasal na hangga’t maaga. Hindi tanggap ng buong pagkatao niya ang kasinungalingang bumabalot sa sistema niya. Hindi kasi pinaalam ng buong pamilya ni Era na dahil lamang sa pagbagsak ng kanilang negosyo ang dahilan ng kanyang pagpapakasal. Ang alam nilang lahat ay angat pa din ito at kasalukuyang tinitingala ng lahat.

Hindi na napigilang bumuhos ng luha niya galing sa mga mata niya. “My God, Era! Yung make-up mo masisira!” nataranta ang kanyang kaibigan at agad na pinunasan ang kanyang pisngi. Kinuha naman agad nito ni Era at siya ang nagtuloy sa pagpunas sa kanyang muka.

“Tears of joy, Juni. Tears of joy ‘yan.” At pilit na ngumiti siya sa harapan nito.

Muka namang naniwala sa kanya ang kaibigan at biglang umaliwalas ang muka nito. “I thought may problem ka na. I’m so happy for you, friend. You have finally met the guy of your dreams. I thought it’s Paulo na but here you are! You’re marrying the great Allen Stefano in a few hours from now!” mahabang litanya sa kanya nito habang inaayos ang medyo nagulo niyang make-up.

‘Kung alam mo lang sana.. kung alam mo lang.’ Iyan na lamang ang sinabi niya sa kanyang sarili habang nagsasalita ang kanyang kaibigan.

Nakasuot na sa kanya ngayon ang kanyang Wedding Gown. Nasa isang hotel siya ngayon at nasa ibang hotel din naman si Allen para mag-ayos. Sinunod pa din nila ang tradisyon na hindi pwedeng makita ng groom ang soon-to-be wife niya. Sa isang sinaunang simbahan pa gaganapin ang kanilang kasal at vintage naman ang theme nito. Kung pagmamasdan ng mabuti, isa itong kasal na hindi lamang pangkaraniwan, isa itong kasal na mababalot ng saya at pagmamahal. Her wedding should be full of memories pero taliwas naman ang nangyayari sa kanya ngayon. Iyan ang pangarap niya magmula pa nang natuto siyang magmahal, ni hindi sumagi sa isip niya na magiging ganito ang kalagayan niya. Gusto niyang umatras. Gusto niyang tumakas. Nagsisisi siya kung bakit siya pumirma sa kontratang iyon. Nakikini-kinita na niya ang buhay niya pagkatapos ng magarbong kasal na ito.

“He’s a very great and good man, Era. You deserve each other and I salute you for choosing the right one.” Seryosong sabi sa kanya ni Juniper habang nakahawak sa balikat niya at tinitignan ang repleksyon niya sa salamin. Ngumiti na lamang siya bilang sagot dito. ‘Ibang klase pala talaga ang nagagawa ng pagsisinungaling.’

Nagulat na lamang sila nang biglang bumukas ang pinto at iniluwa nito ang kapatid niyang si Amiel. Seryoso itong nakatingin sa kanya sa salamin. Nagsalita ang kaibigan niya, “Ah-eh.. gora na muna ako. Hi, Kuya Amiel.” Tinanguan lamang siya ng kapatid ni Era at tuluyan ng lumabas ng kwarto.

“Are you okay?” panimulang bati ng kapatid niya sa kanya. Sila na lamang dalawa ang natitira ngayon sa silid.

Ngumiti siya ng mapakla at tumayo galing sa pagkakaupo, “Are you really asking me that kind of question, Kuya?” pabalang na tugon nito.

Unexpectedly TangledTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon