I
“TOTOO ba ‘yan?” muntik ng naibagsak ni Era ang hawak na telepono ngunit mabilis din niya itong nahawakan. Nasa kalagitnaan siya ng kanyang pagkakatulog nang tumawag bigla sa kaniya ang Mama niya. Nasa sarili kasi nitong condo ito tumutuloy. Simula nang makapagtapos kasi siya ng pag-aaral ilang buwan lamang ang nakakaraan ay niregaluhan siya ng kanyang Papa ng isang Condo Unit. Nasa isip na rin kasi niya ang bumukod at magsimulang tumayo gamit ang sarili niyang paraan at pagsisikap. Ayaw niyang umasa sa mga taong nasa paligid niya.
Napatakip siya bigla sa kanyang bibig nang marinig niya ang iyak ng kaniyang ina sa kabilang linya, “Oo, anak. Nasa critical condition ang Papa mo ngayon, naisugod siya bigla dito dahil inatake siya ng High Blood niya.”
Mula sa pagkakaantok ay pakiramdam niya’y binagsakan siya ng langit at lupa sa sobrang bigat ng nararamdaman niya, “Wait there Ma,” tumayo siya sa kaniyang kama at dali-daling naghanap ng damit na pamalit, “Si Kuya Amiel ba, nand’yan?”
“Oo, nandito ang Kuya mo. Please anak..” narinig na naman niya ang iyak ng kaniyang Mama, “I need you here.”
Mabilis naman na lumabas ito sa kaniyang unit, “Yes, Ma. I’ll be there. Just wait for me. I’m on my way.” Hindi niya alintana kung eksaktong alas-tres na ng madaling araw. Nasa daan na siya ay hindi niya pa rin maalis sa isip niya ang biglaang nangyari sa kaniyang Papa.
Labin-limang minuto ang ginugol niya bago siya makarating sa Miriam Hospital. Sinabi na din kasi sa kaniya ng Mama niya kung saang ospital naisugod ang kanyang Papa. Agad niyang naitanong sa unang nasalubong niyang Nars kung saan ang kwarto ng kanyang Papa.
Eksaktong pagkabukas niya ng pinto ay bigla siyang nanlumo sa mga nakita. Hindi siya nagsalita at nabigla na lang siya ng yumakap sa kaniya ang Mama niya at sa kaniya humagulgol ng iyak.
“Everything’s gonna be alright, Ma.” Hinagod niya ito sa likod. Pinakaayaw niyang nakikita ang mga magulang niya na nagkakaganito. Hindi niya lubos maisip na ang striktong Papa niya at walang ibang inisip kung hindi ang negosyo nila ay nakaratay ngayon sa isang kama ng ospital at nasa kritikal na kondisyon pa.
Nalingon niya ang kaniyang Kuya na nakatingin sa kanila ngayon, “Kuya, ano bang nangyari?”
Nakita naman agad niya ang lungkot sa mata ng kaniyang nakakatandang kapatid.
“Nakita siya ng maid that time dahil ang akala niya ay may nakaiwang bukas ang ilaw sa library sa bahay. Nagising na lang kami bigla nang marinig namin ang sigaw niya. Napatakbo kaming dalawa ng Mama sa lugar at nakita namin ang Papa na nakahandusay sa sahig.” Paliwanag sa kaniya ni Amiel.
“What?” bakas ngayon sa kaniyang muka ang gulat.
“Ayon sa doctor halos 30 minuto na pala siyang nakahandusay doon at kung hindi pa siya naidala dito sa ospital ay baka tuluyan na siyang..” hindi naman maituloy ng kaniyang kuya ang sinasabi kaya iniba na lang niya ulit ito, “Kaya salamat na rin sa maid at agad niya na ding nakita ang Papa.”
Umalis naman sa pagkakayakap sa kanya ang Mama niya. Nagsimula siyang maglakad papunta sa tabi ng Papa niya ngunit natigil ito nang magsalita ang Mama niya, “Anak, nandito pala si Allen. Nabalitaan niya kasi agad ang nangyari sa Papa mo kaya napasugod din siya dito.”
Agad siyang napatingin sa direksyon ni Allen na nakaupo ngayon sa isang sulok ng kwarto nila sa ospital. Wala parin pinagbago ang itsura nito. Laging pormal at seryoso ang muka. Ni hindi nga niya makitaan na bagong gising man lang ba ito o talagang ganyan na talaga ang itsura niya.
Agad na sumimangot ang kaniyang mukha nang mapansin niyang titig na titig ito sa kaniya. Matagal na kasing nanliligaw sa kaniya ang binata simula nang ipakilala siya rito ng Papa niya nung nag-debut siya limang taon na ang nakalilipas. Ayaw niya sa binata dahil kahit ilang beses na niya itong ipagtabuyan sa kaniya ay kusang lumalapit ito at pilit na nanliligaw. Isa rin sa mga inayawan niya sa binata ay alam naman na nitong may nobyo siya ay nagpupumilit pa rin ito sa kaniya.

BINABASA MO ANG
Unexpectedly Tangled
BeletrieMaganda, edukada, at galing sa marangyang pamilya-ganyan ipaliwanag ang katangian na mayroon si Era, kaya hindi maitatanggi na halos lahat ng kalalakihang makakita at makakilala sa kaniya ay magugustuhan siya. Ngunit nang dumating sa buhay niya ang...