Zyana Bliss
Sabi na eh. Hindi niya ako mahal. Correction, hindi niya ako minahal. Letse. Ang galing mo Vlue. Napakagaling talaga. Napasaya mo ko. Sa sobrang saya ko, lumuluha at nasasaktan ako. Kuntentong kuntento ako.
Habang tumutulo ng tuloy tuloy ang luha ko ay tumawa ako kahit na peke at hikbing hikbi na ako. Hinahabol ko ang hininga ko. " W-Wag kang m-mag-alala. E-Expected ko na yun. K-Kahit hindi mo na sagutin ang tanong ko. Alam ko na agad ang magiging sagot mo. Kung hindi mo ko minahal, Vlue. Ako, Ako minahal kita. Kahit na sobrang possessive at seloso mo sa mga kapatid mo. Sa mga lalaking lumalapit sakin. Lahat yun, nagustuhan ko. Wala na akong pake. W-Wag kang mag-alala, masaya ako... " napapikit ako sa sobrang laki ng butil na nilalabas ng mata ko. " ...m-masayang... m-masaya.. " bulong ko
" Y-Yana, L-Listen to m-- " hindi ko siya pinatapos ng sasabihin. Umiling agad ako. " Hindi na kailangan. Okay lang ako. Seryoso. " sabay ngiti ko. " T-Tignan mo o-oh.. M-Masaya ako. Hahaha! N-Nakakatawa ako. " sabi ko at tumawa ng peke
" Yana... "
" M-Mauuna na ako. M-May gagawin p-pa kasi a-ako. " sabi ko at agad agad na tumakbo paalis.
Ang sakit.. Ang sakit sakit. Sinalubong ako ni Luezy na lumilipad na nakangiti pero ng makita niya akong umiiyak ay lumungkot ang mukha niya. Nagtataka siya kung bakit ako naiyak. Lalo akong umiyak at tumuloy na sa pagtakbo. Sumunod sakin si Luezy.
Sunod kong nakasalubong si Tane at Dane na nag-aaway sa daan. Nung nakita ako ni Tane ay agad siyang ngumiti ng malawak at kinawayan ako.
" Yana! " sigaw niya pero dinaanan ko lang sila. At dali dali akong pumasok ng kwarto ko. Nagkulong ako sa loob ng kwarto ko.
Gusto kong mag-isa. Gusto kong makalimot. Gusto kong mawala na parang bula sa ngayon. Ayokong may taong makakakita sa akin. Nasasaktan ako ng sobra. Kung may isa man lang na gusto kong makasama ay si Luezy lang.
" Rooarr? " patanong na ungol ni Luezy at hinarap ako.
Sumubsob ako sa unan at dun nag-uumiyak. Humagulgol ako ng humagulgol. Hindi ko makaya yung sakit na nararamdaman ko.
" Hey.. you okay? " dinig kong boses.
Inangat ko ang tingin ko at nakita ko si Dane na nakaupo sa duluhan ng kama ko sa paahan. Halata ang lungkot sa mata niya. Ang pag-aalala mababasa mo.
Sa halip na sumagot ay umiyak nalang ulit ako. Dinadama ang sakit na nararamdaman ko.
" Hey.. If you need someone to talk to, It'll be fine to talk it with me.. If there's something you need, I'll go and get it.. " sabi ni Dane
" Dane.. I'm fine.. " bulong ko
" I don't think so.. " sabi ni Dane
" Dane.. C-Can you.. Can you look for Kyrin? " sabi ko
" Okay.. Just wait here.. " sabi niya at naramdaman kong gumaan ang paahan ko. Sumubsob ako at dahil sa sobrang kapaguran ko kakaiyak ay nakatulog ako.
Kyrin Audwin Montellano
Kumakain ako ng saging sa ibabaw ng puno. Nakahiga ako rito at taimtim na kumakain ng saging. May dala dala akong isang bungang saging. May dala din akong garapon ng asukal. Sinasawsaw ko ang saging sa asukal. Malamig ang hangin dito kaya gustong gusto ko rito. Maya maya ay may sumigaw ng pangalan ko sa baba ng puno.
BINABASA MO ANG
The Seven Vampires and Me ✔
Vampire" Darling? " hinapit niya ang bewang ko tsaka nagsmirk. He then leaned closer to my ear. " I would love to hear you screaming daddy while you're beneath me. " - Vlue Xyrill Montellano Highest Rank: #14 in Vampire #1 in Taehyung and Jisoo #2 in bang...